Nine

2.3K 74 8
                                    

Nine...

la

Bumalik ako sa table namin na para bang walang nangyari. I noticed, Lizette was not there anymore. If I'm on her situation, I would rather do the same thing. Naroon pa ang ibang mga babae ngunit 'di tulad kanina, nakakandong na kay Davon ang isa at kitang-kita ko pa kung paano lumandas ang kamay ni Benji sa kalapit niya.

I looked at his side and saw him seating pretty while playing his beer — syempre nakatuon rin ang mga mata niya sa'kin. Hanga na talaga ako sa galing niyang umarte. Akala mo'y isa siyang inosenteng pusa na hindi gagawa ng mali pero ang totoo, isa siyang leon na laging handang sumakmal. Hanggang sa makaupo ako ay walang bumitaw sa tinginan naming dalawa. Dismayadong titig ang ipinupukol ko sa kaniya. Kung pwede ko lang isigaw, Bwaka ng ina mo!

Doon ko napansin na wala na rin pala ang pinsan kong si Maycee.

"Where's Maycee?" I asked Mico.

"Baka nag-CR lang." Maikli niyang sagot sabay baling muli sa kalapit niyang babae.

Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ito nakasalubong. I just thought, baka hindi ko iyon napansin dahil sa lahat ng nasaksihan ko kanina.

Sa bawat galaw ko, ramdam ang pagmatyag niya sa'kin. Diyosporsanto! I thought he's mad, but why the heck he keeps staring? Mas lalo tuloy naging palaisipan sa'kin, kung ano ba ang ibig sabihin niya sa mga batas na binitiwan niya. Kahit sinong tao, magugulo ang buhay sa kakaisip kung anong uri ng lalaki si Raphael - for me he's so mysterious and very unpredictable.

Mas umingay ang buong paligid dahil sa mas dumoble ang bilang ng tao. Fifteen minutes had passed but still, Maycee's not returning. Doon na ako nagsimulang magtaka. I asked the boys again pero walang nakasagot sa'kin ng matino. Walang may alam sa kanila, or should I say walang ibig magsabi ng totoo sa'kin. Like seriously, may nangyari ba?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, muli akong tumayo para hanapin ang pinsan ko.

"Hanapin ko lang si Maycee," paalam ko sa kanila. I don't care if they heard me or not.

Inuna kong puntahan ang banyong sinasabi ni Mico na baka raw pinuntahan nito. Bawat cubicle ay binuksan ko, ngunit walang Maycee akong nakita. Wala rin sa mga babaeng sumusuka at nag-aayos ng make-up sa harap ng salamin. I didn't waste any second, kaagad akong lumabas at muling iginala ang mga mata ko. Bawat makasalubong kong babae ay sinusuri ko nang mabuti habang kinokontak ang telepono niya, ngunit panay rin ang sagot sa'kin ng babaeng operator. Sa panglimang pagkakataon ay iyon pa rin ang naging sagot nito..

"Sorry, the person you're trying to call is -" I ended the call before the operator does.

"God, Maycee. Where the hell are you?" mahina kong singhal sa hangin.

Hanggang sa napunta ang atensyon ko sa tumpok ng mga taong tumatalon at sumasayaw sa giliw ng tugtog sa mismong gitnang espasyo. I decided to look for Maycee there. Panak-nakang nabubunggo ako ng iba't-ibang mga tao. May mga lugmay na at ang iba ay may hawak-hawak na bote sa kamay habang iwinawagay-way ito sa taas. Suddenly, I felt someone touched my behind. Nang tingnan ko ang mga taong nasa likuran ko ay tila wala naman silang alam sa nangyari. Pinalampas ko iyon at inisip na baka hindi ito sinasadya. But crap! I felt it again.

"Shit!" I cussed out of nowhere.

I saw a guy in a black fitted shirt, bitting his lower lip while dancing. The nerve, he even winked at me. The moment I saw his two dark lustful eyes, I know he's some kind of a horny horse. Sa isang iglap, ikinulong niya ako sa mga bisig niya at ramdam ko ang unti-unting pagbaba ng kamay niya papunta sa baywang ko.

"You wanna play with me, gorgeous?" bulong niya sa'king tenga.

Kaagad ko siyang itinulak para magkalayo ang aming mga katawan.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now