One

7.4K 131 6
                                    

One...


Kahit naturingang vacant time, wala akong karapatan para magpahinga. Nasa cafeteria ako habang tahimik na iniisip ang sagot sa take-home quiz na ibinigay sa amin ng professor sa trigo. Mahigit na isang lingo pa lamang na nagsisimula ang second semester pero halos lumpuhin na kami ng mga professors sa pagbibigay ng mga exercises na kasama sa mga school requirements.

"Sa wakas, natapos rin," bulong ko sa sarili habang nag-iinat ng nangalay na kamay, kakasulat.

"Hala!"

"Geez, oh my God!" Gulat ko dahil sa ginawa sa akin ni Maycee, pinsan kong buoHinatak niya ang mga kamay kong nasa ere habang nag-iinat. She'll give me a heart attack. Akala ko ay mahuhulog na ako sa bangkuan.

"Bawas sa kape, pinsan." Saka umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Gagi!" Inirapan ko lang ito. Pasalamat ka at pinsan kita kung hindi, matagal na kitang nabatukan ng sampu. Kinuha ko na lamang ang mga gamit ko para itabi na sa bag ko. Bukod kasi sa paggawa ng T-H-Q, hinihintay ko rin ang babaitang ito dahil may usapan kaming sabay na pupunta sa klase namin, na kung saan ay magkaklse kaming dalawa.

"Hep, hep!" pigil niya sa kamay ko.

I knew it!

"Ito naman, pa'no mo nasagutan 'yung number 7? Turuan mo naman ako, pinsan o! Pleaseee!"

Actually, sa problem 7 rin ako natagalang magsagot, iyon ata ang pinakamahirap sa sampu. Alam ni Maycee ang batas ko, pwede kang magtanong sa akin, pero 'wag kang mangongopya. Iyon ang ayaw ko sa lahat. Kung tutuusin mas magaling pa nga sa akin si Maycee pagdating sa mga ganito. Pambato kasi 'yan ng school nila noong highschool sa mga math quiz bee.

"Sabi na e. Nag-gig ka na naman 'no?" Nanliliit ang mga mata kong paghuli sa kanya. "Halata sa mata mo! Kaya wala ka sa English kanina."

"Eeee, Lona naman. Wednesday is my hearts day, right? Please turuan mo na ako?" pupungay-pungay niya pang sabi.

Kanina palang pagdating niya, halata ko nang puyat siya. Every Wednesday ang gig ni Maycee. For her, music is her life. Kaya nga kahit hindi February 14, ang tawag niya pa rin dito ay Hearts Day.

"Turuan? E, kita mong mani lang sayo 'yan! Ang sabihin mo antok na antok ka kaya hindi mo na nagawang sagutan. Loka ka!" Kahit hindi pumapayag ay hindi ko na itinuloy ang paglalagay nito sa bag ko.

"Yes! Kaya ikaw ang favorite kong pinsan e! Lamyu!" Nakuha pa niyang inguso ang mga labi para mai-emphasize ang paghalik sa hangin.

"Malamang ako lang naman ang pinakamalapit e, lahat nasa probinsya na!"

Hindi na niya ako pinansin, sinimulan na niyang kopyahin ang sagot ko. Habang hinihintay ko si Maycee na matapos ang ginagawa niya, nakita kong pumasok na naman ang grupo ng mga iyon. Grupo na kung saan, akala nila sila ang hari ng buong University.

Limang mga kalalakihan. Sikat ang mga ito, mga anak ng alumni at ang iba, kilala dahil mayayaman sila. Sa bagay wala naman atang dukha sa grupo nila. Itsura? Oo, hindi mapagkakailang may ipagmamalaki talaga. Sila rin ang kilalang mga miyembro ng pinagmamalaking nanda ng University namin, tulad ng sinabi ko anak sila ng mga alumni na dati ring pinagmamalaki ng school namin, ang 'The Caution Band', pero ngayon ay mga anak naman nila, mas kilala sila bilang 'Beat Up'.

Sinundan ko ng tingin ang direksyon na pupuntahan nila, at kitang-kita ko kung paano sila pagkaguluhan ng mga tao rito.

"Leave, or else we might have our practice with you, Asshole!" banta ni Lucas. Hindi siya ang pinaka-leader ng banda pero siya yata ang speak person nila. Kung sino pa kasi ang pinuno, siya pa ang pinakatahimik sa kanila.

"Batsi na!" pananakot naman ng isa pa, Si Benji.

Nagkakandarapa namang umalis ang dalawang lalaking kanina ay nakapwesto roon. Isa-isa na silang nagsiupo habang malakas na tumatawa.

Mataman ko silang tiningnan at oo, hindi ako nagkakamali. Sila nga ang mga iyon. Noong Lunes, apat sa kanila ay nakita kong binubugbog ang tatlong lalaki sa may gym. Walang bumabawal sa kanila at wala ring nakikialam, tila masasaya pa nga ang mga nanunuod sa kanila. Lalo ang mga babaeng walang ginawa kundi ipagsigawan kung gaano sila kapatay na patay sa limang ito.

Nakakawindang talaga! Mga basag-ulo at barumbado. Pero tulad ng sabi ko, apat lang sa kanila ang gumagawa noon at ang isa ay nanunuod lamang. Siya ang front man ng banda ng banda nila at ni minsan ay hindi ko pa nakitang sumali siyang makipagsuntukan kahit marami ang kalaban nila. Siguro takot masapak ang pagmumuka. Ngunit madalas ko rin naman siyang makitang may pasa at galos, pero ang makipagbugbugan ay hindi pa.

"Allonna!"

"Oh?" paglingon ko kay Maycee.

"Kanina pa kita tinatawag diyan! Wala ka na naman sa huswisyo! Ano bang tinitingnan mo?"

"Wala, and'yan na naman kasi ang mga basag-ulo. May pinaalis na naman." Walang gana kong sagot kay Maycee.

"What, nandyan ang Beat Up?" nangnining-ning ang mga mata niyang sagot. She already know who are those those bastards I'm pointing with.

Siya naman ngayon ang nakatingin sa likuran ko at talagang tumayo pa. Hindi lamang iyon, tinatawag niya pa ang mga ito. Papaanong hindi siya matataranta, iniidolo niya ang mga miyembro nito lalo't music ang usapan.

"Maycee, ano ba? Umupo ka nga! Nakakahiya!" pigil ko sa kanya. Mamaya ay makita pa kami ng mga iyon, sabihin ay nagpapansin kami. Wala talaga ako ni katiting na pakialam sa kanila.

"Couz, pagkakataon ko na 'to. Hindi mo alam kung gaano sila kasikat? And hello, make up your mind! Ang hot kaya nila!"

"Hindi mo ba nakita? May pinaalis na naman sila kanina—"

"Sino, 'yung mga lalaki sa likod kanina? Dapat lang 'yon sa kanila! Sila 'yung may hinipuang babae kahapon sa corridor e. Dapat nga, bugbugin ang mga iyon!"

Hindi na ako umimik, inirapan ko nalang ulit si Maycee. Kahit na, ang dami namang bakanteng upuan, kung hindi lang talaga naghahanap ng away ang mga iyon!

"Look, Lona. Nakatingin ata sila sa atin! 'Yung kamuka ni.." kinikilig at ipit na ipit ang boses na bulong ni Maycee.

By that, hindi ko na siya pinatapos dahil may nag-udyok sa akin na tumingin ulit sa direksyon nila. At tama nga si Maycee, nakatingin sila sa amin – sa akin.

Tila nagkakaasaran pa sila, dahil habang nakikita kong nakatingin siya sa direksyon namin, rinig kung paano rin siya kantyawan ng mga kabanda niya. Hindi naman siya umiimik at hindi rin pinapansin ang mga kasama. Tutok lang ang mata niya sa akin.

Siya na pinaka-leader ng grupo. Siya na pinakamisteryoso ang pagkatao. Siya na lagi kong nakikitang nakatingin sa akin. Siya na pilit kong iniiwasan dahil everytime na nandiyan siya, hindi ko mapigilang masaktan muli, dahil nakikita ko siya sa kanya.

Bumabalik ang mga alaalang pilit kong tinatakasan.

Si Raphael, ang leader ng Beat Up.

•••

prettylittlemiss

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now