Seven

3K 82 5
                                    

Seven...

“Ano kamo?” pag-uulit ko.

“Bingi lang ‘Teh? Wala nga! As in W-A-L-A, wala!” sabay talikod sa’kin. I don’t get it.

It’s one in the morning at kararating lang ni Maycee galing sa isa sa mga Gig nila ng banda. Hinintay ko talaga siyang makauwi at kahit kakapasok pa lamang niya ng pintuan, wala akong pinalampas na pagkakataon para itanong kung ano ang naging dahilan ng nangyaring riot kanina. Manager siya ng banda kaya hindi malabong hindi niya malaman. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa kusina. Kumuha si Maycee ng isang malaking botleya ng tubig at kaagad itong tinungga.

“Paanong wala? Nakipagbugbugan sila dahil wala lang, trip lang nila, ganun na ‘yun?” pagtatanong ko. Inirapan niya ako at muling tinalikuran. Nang makarating kami muli sa Salas ay hinarap niya na ako.

“Lona lalaki sila, nature na sa kanila ang mga ganung bagay. Saan ka ba naman nakakita nang nag-aaway na magsasabi muna sa kalaban bago suntukin? At isa pa, sa pagkakakilala ko sa kanila wala silang balak pag-usapan ang mga ganoong bagay, laro lang para sa kanila ang ganun.”

“O sige nandun na ‘ko, pero ni hindi mo man lang ba nalaman kung bakit? Kung ano ang pinagmulan ng iringan nila?” muli kong usisa. Maycee looked at me as if she’s reading my mind. “Teka nga Couz, ‘yan ba talaga ang gusto mong malaman o baka naman concerned ka lang kay Raph? Oh ‘wag magdeny, don’t tell a lie,” panunudyo niya.

“Hi..hindi no! Bakit naman?” Bakit nga ba?

“Sabi mo e, tara tulog na tayo,” pagyaya ni Maycee.  Sa pangatlong pagkakataon, tinalikuran niya ako at tinahak ang hagdan pataas, ni hindi na siya lumingon sa’kin.

Nakakapanibago lang, madalas kong mabalitaan na nakikipag-away sila, minsan nga ay naabutan ko pang may binubugbog ang mga kabanda niya sa kahit saang lugar sa loob ng Campus pero yung mismong makita ko siya’ng makipagtadyakan, makipagmurahan at makipagsuntukan, masasabi kong ito ang unang pagkakataon. He’s undeniably, undoubtedly and definitely good in fighting, just like a street fighter.

Iyon ang una at huling beses na pinagusapan namin ang tungkol doon. Siguro nga, siguro nga ay naninibago lang ako sa mga nangyari. Siguro, nagkakaganito ako dahil hindi naman ako sanay na makita siyang nakikipagbasagulo. Granted na nakikita ko sila – siya paminsan-minsan na may pasa o galos sa mukha but that one was different. At isa pa, hindi naman pwedeng bigla-bigla na lamang akong mag-aalala sa kaniya dahil lamang doon. Ang sabi nga ni Maycee, laro lang para sa kanila ang pagbabasasag ulo.

Kinabukasan, Friday, maaga akong nagising or should I say, hindi ganoon kaganda ang naging tulog ko. Pilitin ko mang bumalik sa paghiga, sistema ko na ang kusang umaayaw. 

“Davon, give it back to me!” Naulinigan kong sigaw ni Maycee paglabas ko ng kwarto. Kaagad kong tinakbo ang hagdan pababa sa Salas at hindi nga ako nagkakamali, nandito silang lahat.

Mico’s busy on playing the guitar. Lucas is playing Maycee’s Ipad. Davon and Maycee is messing each other’s life, just like Tom and Jerry. Pilit na hinahabol ni Maycee si Davon habang kinukuha ang cellphone niyang iwinawagayway nito sa ere. Benji was in the middle of crying because of laughing out loud with the two of them.

“I said give it back to me! Wala ka sinabing picture diyan, ang kapal mo!”

“Tititngnan ko lang!”

“Davon!”

“Huwag ka ngang makulit,” pagtulak ni Davon sa ulo ni Maycee habang kinakalikot ang cellphone nito.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now