Twenty Four

2K 61 97
                                    


Twenty Four...

Lingo ng gabi ng bumalik ang banda sa Metro kasama si Maycee. Oo, naiwan ako. Noong una, nalungkot sila ngunit bandang huli ay natanggap rin naman na kailangan ko ring makasama ang pamilya ko. Vacation is the only time I can be with them. They promised na once lumuwag ang schedule nila, babalik sila dito para magbakasyon at makasama ako.

Walang lumipas na araw na hindi kami nagkakausap ni Raph. Everytime they have practice and gigs, doon lang dadalang ang pag-uusap namin, which is somehow good dahil ayoko namang istorbohin siya sa kanyang hilig. Pagdating ng gabi, tumatawag siya para lamang kumustahin ang naging araw ko habang hindi kami magkausap at syempre para sabihing buo na iyon dahil sa narinig na niya ang boses ko. Cheesy but it hit me. Dahil sa mga ginagawa niya, pakiramdam ko tuloy ay palagi pa rin kaming magkasama. At kahit anong pagtatago ang gawin ko, hindi ko mapagkakailang gabi-gabi, natutulog akong nag-uumapaw ang kilig na nararamdaman.

Kalagitnaan ng buwan ng Mayo, pumunta kami sa Zambales – Lukas's home town. First I thought it was a bad idea but I told myself, wala naman sigurong masama kung susubukan ko.

Sa buong banda, tanging ang ama lamang ni Lukas ang hindi naging kabilang sa dating banda ng mga magulang nila. As a matter of fact, nalaman kong first blood cousin sina Mico at Lucas just like me and Maycee. Mico is Tito Pj's and Tita Jena's first born. Kapatid ni Tito Pj ang ama ni Lucas. Mula noong makatapos siya ng middle school, sa kina Mico na ito namalagi at lumaki. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ngayon ko lamang nalaman ang mga detalyeng iyon. Kung hindi pa dahil sa pagbisita namin ay paniguradong wala parin akong ideya na magkadugo silang dalawa. Siguro nga, umpisa na ito ng malalim kong pagkilala sa kanilang lahat.

Bago umalis sa bahay nila, ipinaghanda kami ng mga magulang ni Lucas ng pagkaing pwede naming baunin ng dalawang araw. Nasa Zambales man, hindi maipagkakailang may kalayuan ang bahay nila sa lugar na mismong pakay namin – ang Anawangin.

"Oh boys, ano pang hinihintay niyo?" tanong ni Maycee sa kanila sabay palakpak sa hangin. "Itayo niyo na'yang mga tent, nakakahiya naman kung kami pa ang gumawa niyan di'ba?"

Wala talagang kupas sa katarayan ang pinsan ko kahit kailan. They can't do anything but to obey Maycee's order. Mico, Lucas and Benji shared the biggest tent, then Raph and Davon with the other one at kami naman ni Maycee ang magka-share.

Nang papasok na sana ako sa tent namin ni Maycee para mag-ayos ng gamit ay pinigilan ako ni Raph.

"Can't we just share? Ayokong gumising na si Davon ang nakayakap sa'kin."

Siryoso ang muka niya pero the thought of Davon's hugging him in the morning makes me want to laugh hard, and so I did.

"Doon namin mapapatunayan kung talagang lalaki kayo," biro ko pa.

His facial expression didn't even change.

"Sinasabi mo bang patunayan ko ngayon?"

Mabilis niyang napunan ang katiting na distansya naming dalawa, hinapit ang aking baywang at walang sabi-sabing sinakop ang aking labi.

"Raph.." sabay tingin sa paligid kung may nakakita ba sa ginawa niya.

"Convinced?" paloko niyang ngiti.

"Hindi ko naman sinabing may-pagka.."

Muli siyang umamba ng pagyuko, ngunit kaagad kong hinarangan ang labi ko gamit ang kanang kamay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now