Eight

3K 88 11
                                    

Eight...

 

"Not hungry," walang lingon kong sabi sa pinsan ko.

"Ang KJ mo po," singhal naman niya. She wants me to come with her at the cafeteria. "Halika na kasi, kanina pa tayo hinihintay ng buog banda," dagdag niya habang hinahatak ako sa upuan. That's my point, nandun ang banda - nandun siya.

Kakatapos lang ng unang klase namin sa Trigo matapos ang nagdaang Prelims at ngayon ay lunchbreak na. Wala man akong kain ng umagahan, wala pa rin akong balak na kumain. Mas pipiliin kong mamatay sa gutom kaysa makaharap sila. After what happened last week, hindi ko na alam kung bakit ganito ang iniaakto ng sistema ko.

"Hindi mo ako makukuha sa kagaganyan mo, Lona. Halika na!" Sa pagtaas ng boses niya sa akin, doon ako napatingala sa kaniya. Nakataas ang kilay niya habang blangkong nakatingin sa akin. Wala akong nagawa at padabog na tumayo habang kinukuha ang gamit ko sa desk, samantalang siya naman ay agad na kumapit sa braso ko na tila batang excited mamasyal sa Mall.

Habang naglalakad kami, sinasabi niya sa akin kung gaano siya kalungkot dahil hindi na niya nagagawa ang Heart's Day niya, pero bukod dun, tuwang-tuwa naman siya sa atensyon na nakukuha niya sa pagiging Manager ng Banda. Kung tutuusin, mag-iisang buwan na niyang iminamanage ito kaya nagagamayan na niya.

"Long time no see!" salubong sa amin ni Benji. Nakipaghighfive siya sa akin at tumayo naman si Mico sa kinauupuan niya para gamitin ko. Tumayo si Lucas para kumuha ng isang upuan sa kalapit naming lamesa na siyang pinuwestuhan naman ni Maycee at saka umalis papunta sa may counter.

"So, kamusta ka naman Assistant Manager?" nakangiting tanong ni Mico sa'kin. Bilang sagot, ngumiti lang ako sa kaniya at sinabing naging maayos naman ang naging mga exam ko.

"Von, balita ko may nilumpo ka na naman sa may Boni nung lingo?" ungkat ni Benji kay Davon na busy sa cellphone niya.

"Gago e," tipid nitong sagot.

Habang nag-uusap sila, doon ako pasimpleng tumingin sa kinaroroonan ni Raph. Katabi niya si Davon na dalawang tao ang pagitan sa akin, lumalabas na halos katapatan ko siya. Nahuli ko siyang nakatingin rin sa akin, pero kaagad niya itong iniwas. Kakaiba, noon ay akala mo wala siyang pakialam kahit nahuhuli ko na siyang nakatingin sa akin, pero ngayon tila may mali. Ipinagsawalang bahala ko iyon at muling nagkunwaring nakikinig sa usapan nina Davon. Nakabalik na si Lucas at ibinigay sa amin ni Maycee ang pagkaing dala-dala niya.

"Thanks, Lucas." sabi ni Maycee dito. Tatanggihan ko sana ang ibinibigay niya sa'kin ngunit naunahan niya ako at sinabing iyon daw ang treat niya sa'kin sa pagkapanalo namin sa last game.

"Oo nga, ba't nga ba bigla ka na lang nawala?" tanong ni Benji sa'kin.

"Nang-indian," gatong ni Mico.

Dahil doon, muli akong napatingin kay Raph. Namutawi sa isipan ko ang nakita kong eksena matapos ang pagkapanalo ng Section nila. Ngayon, nakipagtitigan na siya sa akin na tila hinihintay rin ang magiging sagot ko.

Ako ang unang kumalas ng tinginan naming dalawa, "Sumama kasi ang pakiramdam ko." It's true, I really felt bad.

"Ewan ko ba naman diyan, pagdating ko sa bahay wala naman siyang lagnat," pagtigil ni Maycee sa pagkagat ng sandwich niya.

"Walang nakapansin na umalis ka na," si Lucas.

"At iniwan akong mag-isa," muling singit ng pinsan ko.

Nakahinga ako ng maluwag sa isiping walang ibang may alam kung ano ang nakita ko ng hapon na'yun. Muli silang nagkatawanan, maliban kay Davon na tila binabasa ang emosyon ko at sa isang lalaking walang ibang hobby kung hindi, tunawin ako sa mga titig niya.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now