Fifteen

2.3K 84 19
                                    

Fifteen...

 

It's been 5 days since we left for Christmas at ibang-iba talaga kapag pamilya ang kasama mo sa ganoong kahalagang okasyon. Tulad ng dati, kumpleto ang buong pamilya, but this time sa bahay nina Maycee iyon ginanap.  Doon namin pinagsaluhan ang noche buena at ang pagpapalitan ng mga regalo. Maski sina Lolo at lola ay nakisali sa kulitan naming magpipinsan.

"Couz, pink or red ba?" Maycee asked me. She was in my room at pilit pa rin akong kinukulit kung ano bang mas bagay na cuticle para sa kuko niya sa paa.

"Kung anong gusto mo, 'yun ang ilagay mo," bara ko dito.

"Ang laki mong help!" bulyaw niya.

Nabaling ang atensyon ko sa bagay na umilaw sa tagiliran ko. I automatically smiled when I saw his initials on the screen.

"May kinikilig!" pagpaparinig ni Maycee. "Let me guess, the front man." She's not guessing it, she's making a statement.

Mabilis kong itinago ang ngiti sa labi ko at humarap sa kanya, "Sige, ikaw na'ng manghuhula." Ngumiti lamang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Naalala ko noong gabing inihatid nila kami sa bahay, noong gabing galing kami sa huling Gig nila. The time when I first got a message from him...

 

***

"So paano guys, see you next year?!" paalam ni Maycee sa kanila pero tanging sina Benji, Mico at Lucas lamang ang makikitaan ng ngiti at ang dalawa, nanatiling siryoso ang pagmumuka. 

Buong akala namin ay aalis na sila, pero bumaba pa ang mga ito at nag-offer na tutulungan kami sa paglalagay ng mga gamit sa kotse ni Maycee, para bukas ay wala na kaming masyadong intindihin. When I was about to follow the rest, kaagad na may humawak sa palapulsuhan ko at kaagad akong isinunod sa kanya. Nakita iyon ng mga kasama namin, tinatawag ako ni Mico ngunit inakbayan lang siya ni Lucas at hinayaan kaming lumayo ni Raph. Tumigil siya, tanaw namin ang kotse ngunit tiyak na hindi rinig mula rito ang kung ano mang pag-uusapan naming dalawa. Tanging ilaw mula sa poste ang nagsisilbing liwanag sa amin.

Seconds passed but he didn't say a word. I made the first step.

"Bakit mo ko dinala dito?" Pinilit kong mabuo ang boses ko, kahit kinakabahan sa hindi ko alam na dahilan.

"I don't make calls, Allonna," diretso niyang sabi.

"Ha?" napaawang ang labi ko.

"I don't even send fucking corny messages," dagdag niya.

"Aah.. okay. Then?" I'm clueless. Ano bang point ng lalaking ito?

"That's why I'm telling you this." Bumaba ang hawak niya mula palapulsuhan hanggang sa mismong kamay ko. "Third rule, Allonna. Don't ever ignore me."

Kahit processing pa sa utak ko ang mga sinabi niya, kaagad akong natunaw ng iyakap niya mismo ang mga kamay ko sa bewang niya. Dahan-dahan siyang pumantay sa akin at gumati rin ng yakap. Matapos n'un ay humawak siya sa kanang pisngi ko at sinabing,

"I'll be waiting."

Nang mga oras na iyon, I already knew, there's something between the two of us.

Kaagad rin kaming bumalik sa tapat ng bahay, ngunit tapos na ang mga ito sa pagbubuhat kaya hindi na kami nakatulong. Matapos ng mahabang paalaman at pagpupumilit na umuwi na sila dahil madaling araw na rin naman, pumasok na kami sa bahay. Right after makahiga ako sa kama, kaagad na nakatanggap ako ng mensahe galing sa hindi kilalang number.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon