Twenty

2.4K 100 31
                                    

Twenty...


"You're crazy. All of you are crazy! Nag-uumapaw 'yang kayabangan niyo sa katawan." Nakairap na wika ni Maycee sa banda.

Hindi ko na nasundan pa ang pinag-uusapan nilang anim. All I can remember is, their talking about what the band did earlier.

I'm still stuck in the middle of reminiscing what he did to me. Sa punishment na natikman ko kanina, iyon na ata ang pinaka-kakahumalingan ko sa lahat.

"Talent is the name," cool na sabi ni Lucas. Obviously, they won the battle.

"Kung 'yabang' ang tawag doon, ano pa itong si Raph? He can also play the keyboard." Wika ni Mico habang inilalabi ang katabi ko, saka muling kumuha ng isang bote sa bucket na nasa table namin.

I looked up to him. I didn't know he's that multi-instrumentalist. Ang buong akala ko, he's just into guitars, but I guess it's another first for me. Napansin niya iyon at ginantihan ang tingin ko. Nakuha niya pang itaas ang magkabila niyang kilay na tila nagtatanong kung bakit. Dahil sa hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa kanya, umiling lang ako ng bahagya saka muling tumungo.

Naramdaman kong inalis niya ang kamay niyang nakasandal sa sofa na nasa likuan ko at humarap sa akin. Siya pa mismo ang humawak sa baba ko para magkaharap kami. He caressed my chin and looked at my eyes, softly.

"Are you mad?" Unti-unting dumako ang daliri niya sa labi ko. Kung alam niya lang, halos mabaliw ako nang ipatikim niya sa'kin ang kaparusahang iyon. "Sorry, hindi ko lang napigilan." Muling untag niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Kasabay nang pagkahulog ko sa kanya ay ang pagkahulog rin ng aking mga panga nang makita ang dalawang singkit na matang nakatuon sa aming dalawa. Hindi lamang ang pinsan ko, silang anim ay nakatingin na sa'min ni Raph. Nahalata niya iyon at hindi man lamang nahiya sa katotohanang narinig nilang lahat ang sinabi niya. Alam kong hindi sila tanga, at lalong alam ko na nakuha nila ang ibig sabihin ni Raph. Mabilis kong iniiwas ang mukha ko para matanggal ang pagkakahawak niya roon. Just by now, nilamon ako ng hiya.

Monteverde! Kahit kailan talaga!

Tinumbasan niya lamang ng tingin ang mga kagrupo at saka inirapan ang mga iyon sabay lagok sa bote ng stallion redhorse sa harapan niya. Muli niyang ibinalik sa likuran ko ang kanyang braso tulad ng sa kanina. Muli, isang masamang tingin pa sa grupo at otomatik na iniiwas ng mga ito ang atensyon sa aming dalawa. Nang sumulyap ako sa kanila, naroon ang tipid nilang pagngisi. Hindi ko na tinangkang sagutin ang mga tingin ni Maycee dahil alam kong hindi niya rin naman iyon palalampasin kapag nakarating na kami sa bahay.

Habang tumatagal, mas nagiging mahirap sa akin ang umiwas sa kanya. Mukang, hanggang sa simula lang ako. Hindi ko kayang lokohin ang aking sarili, tuwing sinusubukan kong umiwas, kaagad namang aaksyon ang tadhana para hindi ko ituloy. Tulad na lamang ng kanina. Alam kong ginawa niya iyon para may patunayan. Hindi sa nag-aassume ako kahit parang ganoon na nga. Matapos niya akong halikan at sabihin ang mga katagang binitawan kanina, mabilis na lumandas ang tingin niya sa likuran ko. Gusto ko sanang hilahin siya sa kung saan man ngunit nanatili lang ang blangkong pagtitig niya sa lalaking iyon. Hanggag sa sina Khel na mismo ang umalis nang tila ayain siya ng mga kagrupo niya.

Kahit noong nag-awarding. Kasabay ng mga nakakabinging tili ng madla, habang sinasabi ng emcee ang dahilan ng pagkawagi ng mga banda, lumalabas na sila pa rin ang mahigpit na magkalaban. Noong una, ang akala namin ay sina Khel na ang mananalo, hindi sa pag-iisip ng masama, tumayong mga hurado ang ilang representative galing sa unibersidad nila. Wala ring duda ang talento ng mga ito sa pagkanta pero dahil sa ginawang pagpapalitan nina Raph, sila ang tinanghal na champion sa gabing iyon. Dumating ang oras kung saan nag-abot-abot pa sila sa entablado. Narinig ko sa usapan nila kanina ang nangyaring pambabastos na ginawa ni Khel. Bago muling umakyat para sa huling tugtog ang nanalong banda - ang Beat Up. Binati pa ni Benji ang isa sa miyembro ng mga ito. Gilbert ang pangalan niya, na siya namang nakipagkamay sa Beat Up. Samantalang ang bokalista nilang si Khel na mukhang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ay nakuha pang sumagot ng pabalang. Kung hindi pa raw dahil sa teritoryo nila ang pinagdausan ng event, malamang sa malamang ay kumain sila ng alikabok. Ngunit ang pinakang tumatak sa isip ko ay ang huling naikwento ni Mico. Ang makahulugang mga salitang sinabi ni Khel kay Raph.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now