Twenty One

2.4K 93 22
                                    

Twenty One...


Balik sa dati ang lahat, ordinary school days kahit nalalapit na ang finals. Busy pa rin ang banda sa dami ng tanggap na gigs pero hindi gaya noon, nagkaroon na sila ng time para magkaroon kami ng bonding.

Ngayong araw, maagang natapos ang klase namin kaya kaagad akong sumama kay Raph. Hindi man kapani-paniwala, ito ang pangalawang beses na sinundo niya ako sa klase at sa totoo lang, nakakabaliw ang pakiramdam na iyon. Dumiretso kami sa bahay, kanina pa pala naroon ang banda. Sadyang hinintay lang ni Raph na umawas ang klase namin.

"Assistant Manager, medyo mag-iingay na naman kami. May bago akong compose, lalapatan na lang ng lyrics. Gusto mong marinig? I'm sure magugustu-blublihaduhblu..." salubong ni Mico, pero bago pa niya matapos ay iniharang ni Raph ang kamay nito sa muka niya. Saka pakuyumos na inilayo sa'kin.

"Mico, kakarating pa lang nila. Give them time," paggatong ni Lucas, "'Di ba, bayaw?"saka siya sumulyap kay Raph na hindi naman siya pinansin.

Inihatid niya lang ako sa hagdan, saka binitawan ang kamay ko. Ako naman ay umakyat para magpalit at ibaba ang mga gamit. Nang muli akong bumalik sa sala, naroon na si Maycee. Magkakatabi ang banda, samantalang siya ay nakabukod sa isang sofa. Napansin ko ang tingin sa kanya ni Davon, habang ang pinsan ko'y nananahimik lamang. Iba na talaga ang pakiramdam ko sa nangyayari. Madalas pa rin silang mag-usap pero hindi na sila ganoong nagtatalo tulad ng dati. Kung noon ay pagsisigawa ang paraan para malaman ng lahat na best enemy silang dalawa, ngayon ay puro barahan na lamang o 'di kaya'y hindi na iimik ang isa.

Lumapit sa akin si Raph. 

Maycee never asked me 'bout what happened that night. She's aware na binigyan ako ni Rapg ng bulaklak, but she never intended to know  the details. Mula nang gabing nagtanong ako kung ano bang meron sa pinsan ko at kay Davon, hindi na pinuna ni Maycee ang bawat pagkakataon na magkasama kami ni Raph. Wala na ang dating titig na ipinunupukol niya sa amin. Naroon pa rin ang pangaral sa akin bilang mas nakakatandang pinsan, pero nabawasan iyon.

"What are you thinking?" bulong ng katabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya at saka umiling. Dahil sa mabilis niyang pinagsaklob ang mga kamay namin, nawala ang kanina'y umiikot sa aking isipan.

"Tara na sa taas! Practice na tayo," sigaw ng energetic na si Mico. "Assistant Mananger, ipaparinig ko sa'yo yung compose ko, then sabihin mo sa'kin kung ano sa palagay mo."

Tumingin ako kay Mico at saka na lamang tumango. Natutuwa akong gusto niyang iparinig sa akin iyon, pakiramdam ko tuloy ay mahalaga ang sasabihin ko para sa kanila.

"Annoying jerk!" singhal na naman ng katabi ko.

Tumayo siya kaya napatayo na rin ako. Sabay pa kaming umakyat sa taas at iniwan sila doon. Kasunod naman namin ang banda ngunit hindi iyon ang namumutawi sa utak ko. Walang iba kundi ang katotohanang, umiinit ang ulo niya dahil magkakalayo na naman kami dahil mag-uumpisa na ang ensayo nila.

Nakangiting inumpisahan ni Mico ang pagtipa sa keyboard niya. Malamig iyon sa tenga, maya-maya ay nakikita ko na ang pagkumpas ni Lucas ng kamay niya, wari'y nakukuha na rin ang tempo ng kanta. Unti-unting sumabay ng pahapyaw si Davon sa mahinang paghampas ng kanyang symbals at sa kaharap niyang drums. Hanggang sa magsabay-sabay na ang buong banda. Hindi ko inaakalang maski si Raph ay sasabay na sa kanila.

"Stop!" biglang usap ni Maycee. "Hindi bagay ang beat mo, Davon. Masyadong mabilis, at the same time mabigat. Natatalo ang kay Benji."

Mabilis na lumandas ang tingin ko kay Davon. Makikita ang inis sa pagtuwid ng kilay niya. Hinampas niya nang isang malakas at mabilis ang symbals, kaya nag-igting ang pandinig namin ni Maycee. Hindi ko maintindihan, para sa'kin ay tama ang ginagawa ni Davon.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now