Eleven

2.5K 68 6
                                    

Dedicated sa'yo , Ate. ☺

Eleven…

I woke up late. Araw ng Lingo at ito ang pinakapaborito kong araw. Walang pasok, walang paperworks, tahimik dahil walang Beat Up na bigla-bigla na lamang bumibisita. Lingo ang araw kung saan maari kong tawagin na ‘rest day’ ko. Tulad ng palagi kong ginagawa pagkagising sa umaga, naghilamos ako sa sariling banyo at saka bumaba para kumuha ng isang baso ng tubig.  

Paakyat na sana muli ako sa hagdan nang halos kilabutan ako sa nahagip na pigura ng tao sa bandang sofa. Sa pagtingin ko, doon ako lalong nabigla. Bakit nandito ang basagulerong ito? tanong ko sa isip.

Saka lang nag-sink in sa’kin ang lahat ng nangyari kahapon. He got stabbed and he’s going to live with us for God knows until when.

He’s still wearing the same clothes he has yesterday, noong umalis kami sa ospital. Aaminin kong nagpadagdag ng appeal ang medyo magulo niyang buhok. Noong patayo na siya, muli na naman itong napahawak sa bandang balikat niya.

“O, ‘wag ka na kasing tumayo. Don’t move ok?”

Kahit hindi alam ang gagawin, ako na mismo ang lumapit sa kanya. Hindi niya inalis ang tingin sa’kin.

Lona, wake up! It’s his hobby.

“Nasaan si Maycee?” I asked.

“Umalis,” tamad niyang sagot, saka tumingin sa gilid. Doon ko nakita ang ilang piraso ng damit na nakapatong sa kabilang upuan.

“Nandito na si Davon?” muli kong tanong pero hindi na siya sumagot. I remember maaga nga palang pupunta dito si Davon. Nagpalinga-linga ako ngunit mukang wala naman ang taong hinahanap ko.

“He’s with Manager,” bigla niyang utas.

Kaagad akong napaisip, paanong magiging magkasama ang dalawang iyon gayong halos aso’t pusa sila kapag pinagsama?

Dahil iwas ako sa kanya, naisip kong bumalik na lang sa taas at doon hintayin ang pagbalik nila, pero nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay narinig ko ang impit na daing ni Raph. Kaagad akong lumingon sa kaniya at kitang-kita ko ang pagtatago niya ng daing. Muli akong lumapit, kaagad na hinawakan siya sa braso. Tiningnan niya ako ng masama.

“What?” aburido niyang singhal.

Hindi ako nagpasindak at saka pinilit na tingnan ang likuran ng balikat niya. Doon ko nakita ang bahid ng dugo at nang nabitawan ito nang dahil sa pagkabigla, muli siyang napapikit sa sakit. Hindi man siya umaaray, alam kong masakit iyon.

“Bakit hindi ka nagsasabi? Dumudugo na ‘yang sugat mo!” Nagagalit ako na nabubuwisit sa kaniya. Nasasaktan na pala, hindi pa nagsasalita.

“Ok lang ako,” iwas niya nang muli ko itong tangkaing hawakan. Kahit ang kamay ko ay kinabig niya rin.

Nakipaglaban ako ng titig sa kaniya. Nakikipagmatigasan siya, kaya wala akong nagawa kun’di umakyat sa kwarto at humanap ng mga gamit. Kinuha ang first aid kit sa banyo, isang malinis na kamiseta ko at saka muling bumaba. Naabutan ko siyang hawak ang bandang balikat at sa nakikita ko, mas dumami ang dugo na bumakat sa damit niya.

Tumapat ako sa kaniya at saka umupo sa tabi. Humarap siya sa’kin.

“Hubarin mo ‘yang damit mo,” utos ko. Sa hindi ko mabilang na beses, muli niya akong tiningnan ng masama. “Ano?! Ang sabi ko, hubarin mo ‘yang damit mo. Puro dugo na,” pag-uulit ko.

Masama ang loob niyang hinawakan ang laylayan ng damit ngunit napansin kong nahihirapan siya sa pagtanggal nito.

“Akin na nga.”

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now