Fourteen

2.5K 94 12
                                    

Dedicated sa'yo!

Fourteen...


Nagkatinginan kaming dalawa ni Maycee, mukang parehas kaming dalawa na hindi alam kung ano nga bang nangyari sa alaga niya. Nanatili akong walang imik. Maski sina Benji at Miko ay walang naisagot noong tanungin sila ni Maycee. Kita pa ang pagkadismayado ni Davon sa nasirang drum stick niya habang sinundan naman ni Lucas si Raph. Nang bumalik ito ay kaagad naming hinintay ang sasabihin niya ngunit nagkibit-balikat lamang ito.

What happened? He was fine earlier, pagkatapos ngayon ay bigla-biglang na lamang siyang nagalit.

Gusto kong sabihin sa kanila ang iniisip ko pero may part rin na ayokong malaman nila. Napagkasunduan na sa bahay muna sila dadaan, kaya magkakasabay kaming umuwi. Si Maycee na ang umasikaso sa kanila, umakyat lamang ako sa kwarto at doon naglagi.

I don't want to expect anything - na nagkaganoon siya dahil sa usapan naming magpinsan. Kahit anong pilit kong hindi pag-iisip, doon at doon pa rin bumabagsak. Upang makaiwas sa isiping iyon, bumaba ako at nagsimula nang makipagkulitan sa kanina. Mahirap rin namang kausapin ang sarili, ayokong mabaliw.

Nadatnan ko silang may iniinom nang beer sa salas. Rules namin na bawal ang ganoon sa bahay pero lumalabas na exempted ang mga ito dahil hindi sila magulo kapag nalalasing.

"Buti naman at lumabas ka na sa lungga mo," salubong kaagad sa akin ng pinsan ko. Hindi ko siya sinagot at basta na lamang umupo sa espasyo katabi ng kay Lucas.

"Tingnan niyo, papunta na ang gago," biglang usap ni Davon na hawak ang telepono niya.

Nagpatuloy sila sa pag-iinuman at kwentuhan na halos lahat ay tungkol sa mga babae, habang si Maycee naman ay pinatitikim ako paminsan-minsan ng inumin niya.

Lumipas ang mahigit kalahating oras at doon bumukas ang pinto. Alam na alam na namin kung sino iyon ngunit sa halip na tumingin ay pinili kong huwag. Kaagad na tumayo si Davon, nang makalapit si Raph sa may inuupuan nito.

"Putang ina!" malutong na mura nito nang mapaupo sa sofa dahil sa isang bira na pinakawalan ni Davon.

"Davon!" sigaw naman ni Maycee.

"Para 'yan sa nasira mo, gago!" sagot ni Davon sa masamang titig sa kanya ni Raph. Pagkaraa'y tumabi na rin ito dito.

"Mukang ikaw pa rin ang nag-iisang nakakapagpaupo kay Raph ng gan'yan, Von." Nakangiting gatong ni Benji. Hindi ko alam kung puri ba iyon o ano. Magulo mang tingnan pero walang pagbawing naganap. Akala mo'y, normal lang sa kanila ang ganoon.

Hinihintay ko ang magiging reaksyon nito ngunit muli lamang siyang bumalik sa dating bisyo niya - ang pagtitig sa'kin ng tagusan.

Tumayo ako, tumingin sa'kin si Maycee. "Kukuha lang ako ng yelo," untag ko.

Mabilis akong kumilos para makarating sa kusina pero dahil sa ingay na naririnig ko, alam kong kasunod ko siya. Tumapat ako sa refrigerator at kinuha ang mga ice cube pero agad iyong nabitawan nang may humawak sa palapulsuhan ko. Isinarado niya ang pinto ng ref at isinandal ako doon.

"Ra... Raph," tawag ko sa kanya.

"H'wag kang umalis," pautos ngunit malumanay niyang sabi.

Tumingin ako sa paraan ng paghawak niya sa'kin, napansin niya iyon at unti-unti itong binitawan pero nakaharang pa rin siya sa harapan ko at siryosong nakatitig. Hindi man niya ako literal na hawak, lumalabas na nakakulong pa rin ako sa presensya niya.

"Can't you just stay?" dagdag niya nang hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha.

"Hindi pwede," tumungo ako. Ayokong makita ang mga mata niya na para bang kapag patuloy ko iyong tiningnan, maaring magbago ang desisyon ko.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Onde histórias criam vida. Descubra agora