Seventeen

2.6K 91 30
                                    

Seventeen...


"Hindi ko inakalang malalampasan nila ang narating namin noon. We love music, at minsan na rin naming naging pangarap ang makilala pero look at us now, may kanya-kanya na kaming buhay. Seeing these guys here, they'll sure continue our dream," makahulugang sambit ni Boss Vien.

Muli ko na namang nakita sa kanya ang mga titig na iyon. Titig na para bang masayang-masaya ang kalooban dahil sa pumayag na ang Beat Up na maging regular ang gig sa bar niya. Naaalala ko pa noong unang beses na tumugtog ang banda dito, iyon rin ang unang beses na pinaunlakan sariling anak - si Davon. Tulad ng dati, occupied ang buong bar. Iyon ang impact ng Beat Up dito. Isama pa na talagang may pangalan ang bar ni Boss Vien. Marami na'ng supporters ang banda, ang iba ay mayroon pa talagang mga tarpaulins at uniform. Sila na ngayon ang bagong kinakikiligan ng mga kolehiyala.

"Pure talent really comes to the right people," dagdag niya.

I looked at Maycee on my right, smiling while nodding. The two of them look very proud, likewise I am.

Dalawang kanta lang ang ginawa ng banda, matapos n'un ay isa namang acoustic singer ang sumunod. Every Saturday night ang magiging tugtog nila dito. Matapos ang party time hinatid nila kami sa bahay.

Pinagsaluhan naming pito ang fast food na binili at nagkwentuhan habang nagpapahinga. Tulad ng nakaraang ginagawa ni Raph, sa akin siya tumabi at atag ang pagasikaso sa akin. Hindi lingid sa kaalaman ko na sa'min nakatuon ang atensyon nilang lahat pero wala lamang ibig pumuna. Tumututol ako sa ginagawa niya ngunit ipinipilit niya lang iyon at ipinapaalala na ito ang silbing bawi niya sa panahon na hindi kami magkasama. Inaamin kong gusto ko ang ginagawa niya ngunit pakiramdam ko sa bawat pagkakataon na magkakasama kami, palaging may bago siyang ipinapakita at natatakot ako sa mga iyon. Mahigit isang oras rin ang itinagal nila sa bahay at saka nagpasyang umalis.

Inihanda ko ang sarili sa pagtulog ngunit ilang minuto na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. May gumugulo sa akin. Lumabas ako sa kwarto at kumatok sa pintuan ni Maycee.

"Cee? Gising ka pa?"

Walang sumagot sa'kin pero rinig ko ang kakaunting kaluskos doon, maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan niya. She's also on her pj's. She looks so tired. Hindi siya umimik at tiningnan niya lang ako na para bang nagtatanong kung bakit.

Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay, "Maycee, I think I'm falling." Biglang nagbago ang pagod na pagod niyang ekspresyon at siya na mismo ang humawak sa kamay ko para hataking pumasok sa kwarto niya.

Pinaupo niya ako sa kanyang kama habang siya naman ay kinuha ang upuang nasa tapat ng study table sa gilid.

"Kailan pa nagsimula? Kwento, dali!" siryosong utos niya.

Tiningnan ko muna siya, matapos ang muling pagyuko at pagiging kabado, nagsimula akong magkwento. Sinabi ko ang mga pagkakataon na kami lamang dalawa at ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Lahat ng kilig na nararamdaman ko sa katawan tuwing hahawakan niya ang kamay ko. Mga pag-aasikaso niya sa'kin. Mga salitang binibitiwan niya na talaga namang nakakapagpagulo a utak ko. The way my heart beats every damn time he's with me.

"Akala mo ba ay hindi ko napapansin?" unang tanong niya. "Kita ko, Lona. Nakikita ng mga mata ko - naming lahat. Matagal ko nang nahahalata na pagdating sa'yo, nalulusaw ang yelong nakabalot sa puso ni Raph. Tuwing hindi kita kasama, you think hindi ka niya hinahanap sa'kin? Always Lona, always." She makes sure, she's emphasizing her words. "Palagi niyang tinatanong kung kumain ka na ba, kung anong ginagawa mo at kung anong mga bagay na gusto mo. Remember the time noong sinabi kong 'wag ka niyang igagaya sa ibang mga babae niya?" Tumango ako. "Nang gabing 'yon, I confronted him. Tinanong ko siya kung may nararamdaman ba siya sa'yo, at ang gagong iyon, hindi niya ako sinagot." Tuwing titigil si Maycee sa pagsasalita, kaagad humihinto ang paghinga ko. Para bang gusto ko na kaagad marinig ang kadugtong nito. "Hindi mahirap magustuhan ang pinsan mo, that's what he only said."

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now