Three

4.1K 94 13
                                    

Three…

Mabilis nagdaan ang mga araw. And today is Friday, meaning it’s Hayahay day. Wala kaming pasok kapag Friday. First Semester palang, plinano na namin ni Maycee na i-clear ang Schedule namin kapag Friday. Gusto naming maluwag ang oras namin para hindi pa rin mawala ang Bonding time naming magpinsan. Noong First Year College kami, Every Weekend umuuwi kami sa Laguna pero dahil medyo hassel at nagmamahal na rin ang gasolina, it’s time for us to be more independent. Katatapos lang rin naman ng Semester Break kaya panigurado sawa pa sa pagmumukha namin sina Mama at Papa. One more thing, kahapon lang sa akin sinabi ni Maycee na sa amin na pala ang Apartment na tinutuluyan namin. Ang akala naming nirerentahan, iyon pala unti-unti nang hinulugan ng mga magulang namin, tutal dalawang taon pa rin naming ito mapapakinabangan.

At dahil free nga kami today, naisipan naming mamili ni Maycee. By the way, its Maycee’s 20th birthday on Sunday. Walang mangyayaring Celebration, dahil isa lang ang hiniling niya walang iba kundi, datong. Maycee wanted to have her own Mini Studio at gagamitin niya ang isang bakanteng kwarto sa Apartment este bahay namin para dito. Hindi naman issue sa akin iyon, para na kaming magkapatid kaya kung saan siya masaya, doon din ako.

“ Yes Ma’am, as soon as possible po. I’ll make sure to deliver it all to you, safe and rocking sound, baby!” Nakangiting sabi sa amin ng babaeng kaharap namin ngayon, nakarockenroll sign pa ito.

Yep, nabili na namin lahat. Walang problema sa pera ang pamilya nina Maycee, only child din siya kaya sunod talaga sa luho. Unlike me, I have my brother who is two years younger than me. I can say na parehas kami ng kapalaran ni Maycee, nakakaangat rin kami sa buhay pero hindi gaya ng pinsan ko, sanay ako na ganito lang. Hindi ko kasi kinalakihan na manghingi ng kung anu-anong bagay lalo na’t hindi ko naman magagamit kaya naman ang kapalit, kapag talagang gusto ko hindi na ako magdadalawang sabi sa mga magulang ko. Tulad nito, ang pag-aaral sa gusto kong paaralan.

“ Okay, let’s rock!” sigaw ni Maycee.

Mukang nakahanap ng katuto si Maycee, halatang may alam rin sa musika ang babae kaya agad silang nagkaintindihan.

“ Let’s go, sagow?” tanong niya sa akin.

“ Oo, dahil kung hindi baka bukas-bukas sikat na tayo.”

Nahalata niya siguro na maraming nakatingin sa amin. Ikaw ba naman ang sumigaw sa loob ng isang Instrument Store. Hindi ata niya naalala na hindi lang kami ang Customer dito sa loob. I’m in the middle of hesitation kung hobby na nga ba talaga ng pinsan ko ang paggawa ng iskandalo at ikakahiya niya. Hay buhay!

“ Punks nga e!”

“ Tara na nga!” itinulak ko na siya palabas ng Store.

Labing limang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na agad kami sa Bar kung saan siya minsan tumutugtog o naggi-Gig. Ewan ko ba kung bakit napasama pa ako sa kanya dito, sinabi kong magstop by nalang ako sa Mall para hanapin ang bagong release na book na hinihintay ko pero boring daw iyon kaya join nalang ako. Akala mo naman ay ang tagal na niyang hindi na kakapunta dito samantalagang nung isang gabi lang may Session siya. She has the wheels, kaya siya ang nasunod.

“ Bakit ang dami atang tao ngayon? Mamaya pa ang bukas nito ‘di ba?” pagtataka ko.

Nadatnan namin na ang daming tao sa labas ng Bar, karamihan ay mga babae.

“ No idea.” Saka magkabilang itinaas ang mga balikat niya.

Agad na kaming bumaba ng kotse at pahirapang pumasok sa loob ng Bar.  Halos magkastampede na sa sobrang sikip. Seriously, anong meron? Pagkapasok namin, wala naman kaming kakaibang nadatnan, hindi pa ayos ang mga bangkuan at wala pa masyadong bukas na ilaw.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.On viuen les histories. Descobreix ara