Ten

2.5K 74 5
  • Didedikasikan kepada Em Flores
                                    

Dedicated sa'yo, Ate. ♥

Ten…

Hawa-hawak ni Maycee ang kamay ko habang sabay-sabay kaming lima na tumatakbo. Tumigil ang nauunang si Lucas sa information desk.

“Nurse, Raphael Monteverde is my friend’s name. What’s his room number – ” bago pa matapos ni Lucas ang tanong niya, narinig na namin ang isang boses na pamilyar.

“Benji!” tawag nito kay Benji na nasa pinakagitnang daanan.

Sa bandang unahan ay nakita namin si Davon na mukang kagagaling lamang sa isang kwarto. Mabilis namin siyang nilapitan. Makikita ang pasa sa kanan niyang labi at bahid ng dugo sa damit.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakakaramdam ako ng halong kaba at takot. Sana’y hindi ganoon kasama ang nangyari sa lalaking iyon. Kahit paminsan-minsan  masama ang ugali niya, hindi ko pa rin hinangad na magkaganoon siya.

“Si Raph, anong nangyari sa kaniya?” Si Maycee ang unang nagsalita. Kanina sa kotse, alam kong nag-aalala na siya.

Davon didn’t answer her, sa halip ay humarap ito kina Mico.

“Von, ano na? Si Raph, anong lagay niya?” pag-uulit ni Benji.

Halos hindi kami humihinga sa paghihintay ng isasagot ni Davon. Parang sa pinapakita niyang emosyon ay talagang malala ang nangyari.

Ilang saglit pa at hindi na nakatiis si Mico, siya na mismo ang nagbukas sa pinto ng kwarto na kanina’y nilabasan ni Davon. Sumunod kami sa kaniya.

“Raph!”, “Bayaw!” sabay na sabi ng tatlo.

Doon namin nadatnan si Raph na noon ay nakaupo sa gilid ng kama niya habang nakahawak sa balikat na may benda hanggang sa ibabang bahagi ng dibdib. Halatang nagulat ito sa pagpasok namin, kaagad napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Raph.

“Hahaha!” tawang malakas ni Davon na nasa likuran na namin, sa may bukanang pinto.

“Fuck you, Pare!” tanging sagot ni Benji kay Davon.

“Akala namin mamamatay ka na,” ani ni Mico na nakalapit na kay Raph. Inirapan lang siya nito at saka muling tiningnan ang pagkakabenda ng balikat niya.

“Tangina kasi ‘tong si Davon. Binigla kami, ang sabi nasaksak ka raw, tapos dinala ka dito,’ reklamo ni Lucas.

“Bobo! Wala namang akong sinabing mali, kayo itong masyadong mainit. Hindi mamamatay ‘yan, tropa niya si kamatayan,” Davon answered.

“Tama na,” this time si Raph na ang nagsalita. Napatingin kami sa kanya. Nagsimulang magtama ang paningin namin pero agad niyang iniiwas nang tapikin ni Lucas ang balikat niya.

“Wala bang masakit sa’yo, Bayaw?” banat ni Lucas.

“Amp…” pigil ni Raph sa pagbira kay Lucas.

“Oh, akala ko bukod sa tropa mo si kamatayan, manhid ka rin sa sakit, haha!” halakhak niya.

Dahil sa ginawa nilang pagbibiruan, kahit papaano ay nabawasan ang kaba at tensyon na nararamdaman ko kanina.

“Ikaw, anong ginagawa mo dito?”

Lahat ay napatigil sa itinanong ni Raph habang nakatingin sa direksyon ko. Walang umimik, maski ako ay hindi rin nakapagsalita. Sa halip na makaramdam ng inis ay mas nangibabaw ang pag-aalala ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang ialis sa isipan ko kung paano siya nasaksak.

The Afraid One .℘ᶴᶬ.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang