Chapter Thirty-Seven: WE'RE DATING

56 13 15
                                    

RJ's POV


This week, we are currently celebrating CSU's Foundation Day. Ilang araw na rin ang nakalipas nang malaman ni Maky at ng mga kaibigan niya na may gusto ako sa kanya.

Pero parang walang nangyaring aminan at bukingan. Normal lang naman ang pakikitungo sa akin ni Maky. Sina Emman naman at ang iba pa ay parang nakalimutan na nila which is good naman dahil nakaiwas ako sa asaran at tuksuhan nila, knowing Chris and Steve. Loko talaga yung dalawang yun. Tsk.

Papunta na ako sa school. Hindi na ako naihatid ni tatay dahil madami daw siyang clients ngayon at nagmadali ng umalis sa bahay. Kaya nag-commute na lang ako. Nakababa na ako sa sakayan kaya naglalakad na ako papunta sa CSU.


Habang naglalakad ay may bumusina sa likuran ko kaya napatingin ako kung sino.

It was Chris. He's driving his navy blue car. It's a convertible car. Kaya naman open yung roof niya. Tapos naka-shades pa ang loko. Ang laki pa ng ngiti.

"Hey beautiful." sabay tanggal ng shades niya at kumindat pa. Anong trip ng lalakeng to?

Nangunot lang ang noo ko sa ginawa niya.

"Sakay ka na. Sumabay ka na sa akin." sabi niya na di tinatanggal ang magandang ngiti.

Hindi na lang ako nagsalita. Ngumiti ako sa kanya at sumakay na sa kotse. Bakit naman ako tatanggi diba?

"Bakit ang ganda ng ngiti mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Cause today is Valentine's Day." leche flan. Yun lang masaya ka na??

"Eh ano naman ngayon? May jowa ka ba?" tanong ko sa kanya sabay irap.

Ngumiwi siya bago magsalita. "Aray naman." sabi niya sabay hawak sa dibdib niya na parang nasaktan talaga siya.

"If I know, marami kang babae diyan. Ni isa, wala kang sineryoso." then I rolled my eyes.

"Grabe ka magsalita RJ. You're hurting my feelings." umirap lang ako at di nagsalita.

"Anyway, kahit walang jowa, at least masaya at kahit walang jowa, may matatanggap na gift." sabay ngiti. Pinagsasabi neto?

Napatingin ako sa kanya at ngumiwi. "Sino namang magbibigay sayo?"

"You'll see."

Maganda pa rin ang ngiti ng mokong na to hanggang sa maka-park ang kotse niya.

Chris is right. Today is Valentine's Day kaya nasakto rin for this week's Foundation Day. Madami ring pakulo ang CSU sa Foundation Day nila. First time ko ring um-attend. Wala ngang pasok eh. Magdu-duty na lang sana ako sa OJT ko kaso di ako pinayagan ni boss devil Maky dahil kailangan niya daw ako this week.

Pagkababa ko ay nakita ko si Maky sa gilid ng kotse niya na nakatingin sa amin at nakahalukipkip pa. Kaya naman nangunot ang noo ko. Tapos naglakad siya palapit sa amin ni Chris. Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa habang naglalakad.

Ang sexy niya talagang maglakad shems. Nakakakilig. Lakad pa lang yan ah. Hahaha.

"Ay, ayan na pala boss mo." sabi ni Chris na nakangisi, isinabit na rin niya ang shades niya sa t-shirt niya.

"Wala nga sana akong balak pumunta dito sa school. Gugustuhin ko sanang mag-OJT na lang para tapos ko na yung 200 hours ko kaso kailangan naman daw niya ako ngayon." reklamo ko.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon