Chapter Four: THE HEARTTHROBS SISTER

98 27 60
                                    

RJ's POV


Habang nandito ako at hindi makakilos sa kinatatayuan ko ay marami pa ring mga estudyante at kasama na din na nakatingin ang mga staffs dito sa canteen na hindi makakilos sa kanilang pwesto.

Ang ilan sa mga estudyante ay kinukuhanan ako ng litrato at video na malamang na ipo-post sa mga social networking sites. Magte-trending kaya ako kung sakali? Sisikat ba ako niyan?

Hayss.

Kung ano-ano ang iniisip ko. Wala man lang umawat sa kanya at ipinagpatuloy pa rin nila na pagtawanan ako.

Nakakahiya. Grabe.

Wala na kong mukhang ihaharap mamaya.

Gusto ko na lang umuwi at magmukmok sa bahay.

Aalis na sana ako nang may biglang sumigaw.

"Maky!" sigaw ng napakagandang babae na mukhang anghel. May maputi at makinis siyang balat. Napakainosente rin ng kanyang mukha. Matangkad siya at parang beauty queen ang kanyang tindig.

Tumahimik ang lahat ng tao at tumingin sa kanya.

"What did you do again??" may halo sa boses niya ang pagka-inis at galit.

Nagsalita si Maky, "She started it all! That nerd, ugly and clumsy! Tignan mo ang ginawa niya. Dinumihan niya ang damit ko!" sabay turo niya sa akin. Kaya naman yumuko ako at tumingin sa sahig.

At nagsumbong pa, hindi ko naman sinadya eh.

Nagsalita si Miss Angel. Angel na lang ang ipapangalan ko sa kanya ngayong di ko pa alam ang pangalan niya tutal mukha naman siyang anghel. "I don't care who started it. Ang mahalaga ay hindi ganyan ang tamang pagtrato sa mga babae."

Pagkatapos niyang magsalita ay unti-unti ng nagsialisan ang mga tao sa canteen, iilan na lang ang natira.


Ano bang meron sa kanilang dalawa?


Mag-jowa?


Mag-ex?


Magkaaway?


Aaaaaah! EWAN. Bakit ko ba iniintindi yan. Ang dapat iniintindi ko ngayon ay tong sitwasyon ko.


"Okay! Fine! Kampihan mo siya!" pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang yun ay tinawag niya ang kanyang mga kaibigan. "Tara na nga! Alis na tayo dito, magpapalit pa ako." at sinunod naman nila si Maky at umalis na nga. Ay maka-Maky teh, close kayo? Eh tutal alam ko na pangalan niya di tawagin ko din siya sa pangalan niya diba?

Habang sinusundan ko sila ng tingin palabas sa canteen ay hinawakan ako ni Miss Angel at nagsalita, "I'm sorry for what my brother did to you. Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa niya." tapos ngumiti siya ng pagkaganda-ganda. Nato-tomboy na yata ako.

Napabalik ako sa kasalukuyan sa naisip ko at sa sinabi niya. Nagulat din ako sa nalaman pero hindi ko pinahalata. So... magkapatid pala sila. Kung ano-ano iniisip ko kanina, magkapatid lang pala. Hehehe.

Ngumiti ako pabalik bago magsalita, "O-okay lang po yun."

"Huwag mo akong i-po. Ate na lang. By the way, I'm Hailey Morrison." sabay abot ng kanyang kamay para makipag-shake hands.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon