Chapter Thirty-Two: THE MASQUERADE BALL

48 13 80
                                    

RJ's POV


Pinagmamasdan ko pa rin ang aking paligid. Ang ganda ng mga nakikita ko. Ang kukulay ng mga damit ng mga ladies as well as sa mga gents. Kahit na naka-maskara ay kita mong masaya sila at nage-enjoy sila.

Nakapag-picture na rin kami ni MJ sa photo booth bago kami tumingin ng mauupuan. Mga ilang minuto na lang ay magsisimula na ang program.

Habang hinihintay na magsimula ang program ay napatingin kaming lahat sa entrance ng auditorium at pumasok doon ang napakaganda at napaka-sexy'ng babae kasama ang date niya na napaka-pogi.

Para silang artistang pumasok sa loob dahil nakatuon ang tingin ng lahat sa kanila. Eto na ang grand entrance na sinasabi nila. Tinalo pa nila ang mga professors at staff's ng school sa entrance nila. Dumaan sila sa red carpet. Siyempre, di mawawala ang red carpet no.

Bago sila pumunta sa uupuan nila ay dumaan na muna sa photo booth para mag-picture. May official photographer din kasi sa event na to.

"Kilala ko sila." yeah, I know them.

"Weh? Sino sila?" tanong ni MJ sa akin.

"Sina Ate Hailey at Emman." nakangiti kong sabi kay MJ.

"Oh? Talaga??" gulat na sabi ni MJ. Gulat ka na yern? Lol.

"Oo. Siyempre, kasama ko noon si Ate Hailey na bumili ng gagamitin namin ngayon diba?" sabi ko habang pinagmamasdan pa rin sina Ate Hailey at Emman na papuntang harapan. Tapos na pala silang mag-picture.

"Oo nga pala. Pero ang ganda at ang sexy niya sa gown niya. Wala talagang kupas. Siya na. Siya na talaga. At si Emman. OMZ. Ang gwapo niya lalo sa suot niyang tuxedo na light pink. Kahit naka-maskara, ang guwapo-gwapo pa rin niya." mahabang sabi ni MJ. Halatang nagagandahan siya at nagwa-gwapuhan siya sa kanila.

Pero tumingin lang ulit ako sa may entrance kung may sumunod sa kanila at hinahanap siya.

Hindi ba sila magkasama?

"Uyy. Sino hinahanap mo?" kung hindi si konsensiya ang echusera, eto namang kaibigan ko. Kaya naman napatingin ako sa kanya bigla.

"Ah, wala. Wala naman." sabay pilit na ngiti ko sa kanya.

"If I know..." hindi niya itinuloy ang sasabihin niya at nag-smirk lang.

"Ano? Napaka-malisya mo talaga. Sabi na ngang walang akong hinahanap eh. May pa-if I know, if I know ka pang nalalaman diyan. Wala nga akong hinahanap." napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Ayy. If I know lang sinabi ko ang dami mo na agad sinabi."

"Ikaw kasi ehh."

"Ikaw kasi ka diyan. Huwag ka kasing pahalata. If I know..." ayan na naman yung If I know niya. Nakakairita na.

"Ano na naman? Anong pahalata? Nakakairita ka na." naiinis na ako. Hmp.

"If I know na crush na crush mo yung boss devil mo." nagulat ako sa sinabi niya.

"Uyy, huwag mo namang lakasan baka may makarinig sayo. O baka marinig ka niya at andiyan lang siya sa paligid." wait. What? What did I just say??

Napalunok ako dahil sa mga sinabi ko. Napatingin ako kay MJ at ang bespren kong napaka-malisyosa, ngiting-ngiti ng nakakaloko.

Natahimik na lang ako bigla. Leche flan naman oh. 1, 2, 3, zip!

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon