SPECIAL CHAPTER I

27 4 17
                                    

Reminiscing the Past (Part One)


RJ's POV


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Kakauwi lang namin nina nanay at tatay galing sa mansion nina Maky. Natapos na din ang kunting salo-salo namin sa death anniversary ni Maky.

It's already late at night and I couldn't sleep. Iniisip ko pa rin si Maky.

Isang taon na ang nakalipas pero masakit pa rin ang pagkawala niya.

Sa tuwing naiisip ko siya, hindi ko mapigilang umiyak. Gaya ngayon.

Nakayakap ako sa hotdog pillow ko at lumuluha habang tinitignan ang picture namin na masaya na nakalagay sa picture frame.

I sniffed.

"Maky..." suminghot pa rin ako dahil dere-deretso pa rin ang pagpatak ng aking luha. 

Pinunasan ko ang luha ko bago ako magsalita ulit. "Miss na miss na kita."

Niyakap ko ang picture frame.


Mga ilang minuto lang ay tumahan na ako. Inilapag ko na ang picture frame sa bedside table at kinuha ang phone ko. Eto pa rin ang bigay niyang phone sa akin. Ayaw ko pa itong palitan.

Binuhay ko ito at bumungad sa akin ang screen lock wallpaper na picture naming dalawa na naka-wacky. Napangiti ako agad sa nakita ko.

Swinipe ko ito para pumunta sa home screen. Iba na ang wallpaper nito. Yung selfie namin sa unang date namin sa EK.

Oo, hindi ko pa ito pinalitan matapos ang isang taon na wala siya. Gusto ko pa rin kasi siyang nakikita araw-araw. Gustong-gusto kong nakikita yung gwapo niyang mukha araw-araw.

Pumunta ako sa gallery ng phone ko para tignan ang mga picture namin na nagsisilbing ala-ala ko sa kanya.

Iniisa-isa ko itong tinignan hanggang a napatigil ako sa isang litrato.

Isa ito sa mga di ko malilimutang date namin ni Maky.


Nagtext sa akin si Maky na susunduin niya ako pagkatapos na pagkatapos ng duty niya sa OJT. It means pagkatapos din ng duty ko sa OJT.

After my OJT, I went straight in front of the building and waits for Maky. Nagtext na din siya sa akin na nasa daan na siya.

Araw-araw niya naman akong hatid-sundo. Oh diba, akalain mo. Yung taong ang sungit-sungit lang noon sa akin, ngayon eh hatid-sundo na ako. Hahaha. At hindi ko din akalain na sobrang sweet niya. Tuwing nagsasabi nga siya ng mga banat eh di ko maiwasang kiligin. Hihihi.


Mga ilang minuto lang ay nakita ko na siyang papalapit sa akin. Ano naman tong get-up nang isang to? Saan galing to??

Napakamot na lang ako sa outfit niya.

Naka-all black kasi siya. Galing ba to sa lamay??

Naka-leather jacket siya na black, panloob na t-shirt ay black rin, black pants at black shoes. Anong meron??

Ngiting-ngiti pa siyang lumapit sa akin.

"Are you ready?" yan agad ang sabi niya sa akin pagkalapit na pagkalapit niya.

"Ready saan?" napakunot ang noo ko.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon