Chapter Nine: BOSS DEVIL

86 25 26
                                    

RJ's POV


"Ngayon na." pagkasabi na pagkasabi niya nang mga salitang yan ay ibinato niya sa akin agad ang kanyang bag at naglakad na kami papunta sa room namin para sa aming pinaka-unang klase ngayong araw.

Blah blah blah. Nagme-make face lang ako sa mga sinasabi ni Maky. Ang dami niyang sinasabi, ang daldal din pala nito. Di porket pumayag ako sa alok niya eh satsat na siya ng satsat diyan. Napapa-roll eyes na lang ako dito habang naglalakad kami.

"Okay boss." sabi ko na lang sa kanya para tumigil na siya. Nakakarindi ang kanyang pagka-daldal. Pumayag lang din naman ako kasi malaking tulong na yung alok niya. Kaya grinab the opportunity ko na lang. Sayang lang kung mapupunta lang sa iba.

"Yeah! Yeah! That's right, call me boss because starting today, I am your boss, your master." sabi niya nang nakangiti na may paturo-turo pa sa sarili niya. Abot hanggang tenga pa nga ang kanyang ngiti eh. Parang nanalo sa lotto. Choss.

"Sabihin mo, yes master." dugtong pa niya. Haller! Ano ako? Uto-uto? Pilit akong ngumiti nang humarap siya sa akin then rolled my eyes. At naglakad na ako ng mabilis at nilagpasan siya.

Sabi ko nga matutuwa siya kapag tinawag ko siyang "boss". Tuwang-tuwa naman tong Mark Devin na to. May sinabi pa siya kanina pero di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.


Teka...



Devin?



Devil?


Mukhang bagay ah. Eh kung boss devil kaya ang itawag ko sa kanya? Matutuwa pa kaya siya? Siyempre ako, tuwang-tuwa ako. Hahahaha. Happy ka teh? Happy? Sabi ko nga, sisingit na naman tong si bes konsensiya. Huwag mo ngang sirain ang moment ko! Che! Hindi na lang ako sumagot sa konsensiya ko at baka mapagkamalan niyo pa akong baliw. Hahaha.

Nakarating na kami sa room at pagpasok namin ay nakatingin ang mga kaklase namin sa amin ni boss devil. At dahil dere-deretsong pumasok si boss devil ay pumasok na lang din ako at di sila pinansin. Bago ako pumunta sa upuan ko ay ibinigay ko na ang bag netong boss devil na to.

Madaming nakapansin at napatingin nang ibigay ko kay boss devil yung bag niya. Pero wala akong pakealam. Sabihin na lang nila ang gusto nilang sabihin. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Basta ako, nagtatrabaho lang ako ng marangal at tapat. Naks.


The bell rang indicating that our class for this morning is over. I'm already done packing my things in my bag. Itetext ko na si MJ na sabay na kaming mag-lunch at habang nagta-type ay may tumawag sa akin. Hindi sa phone ah.

"Hoy panget." siyempre alam niyo na kung sino ang tumawag sa akin. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng panget. I mean yung sinasabi talaga. I know naman na yung iba diyan eh pangit talaga ang tingin sa akin. Hindi na bago sa akin no.

Tinignan ko siya ng seryoso. "Bakit boss?"

He raised an eyebrow before speaking. "There's my bag." sabay turo niya sa bag niya na nakalagay sa upuan. "Baka makalimutan mo."

"Uhm... sabay ba tayong kakain?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Siyempre, for confirmation lang. Pinapakuha niya bag niya sa akin diba? Atsaka P.A. niya ako, malamang sasabay ako sa kanya na kumain diba?

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon