Chapter Twenty-Seven: DEAN'S LISTER

56 14 32
                                    

RJ's POV


Ilang araw ang nakalipas at umabot na kami sa katapusan ng isang semester. Hays. Parang kailan lang noong bagong dating pa lang ako dito sa CSU. Ang bilis ng panahon at marami na pa lang nangyari. Mga pangyayaring hindi ko inaasahan.

Katulad na lang ang pagkikita at pagkikilala namin ni Maky na ang sungit sungit tapos malalaman ko na lang na born in a Christian family siya. Kaya din pala ang bait-bait ni Ate Hailey. At thankful na rin ako kung hindi dahil kay Maky, hindi ko makikilala si Ate Hailey at siyempre...


"RJ!" nandito ako sa may catwalk dito sa school habang hinihintay si MJ nang may tumawag sa aking pangalan.

At paglingon ko...


Siyempre ang bestfriend kong si Mary Jane a.k.a. MJ. Nakangiti siya sa akin habang papalapit at napangiti na rin ako.

Salamat na lang talaga kay Maky dahil nakilala ko ang isang katulad niya. Napakabait, caring at maasahan na best friend, at siyempre maganda rin. Ano pa bang hahanapin ko sa kanya diba?

Madami pang nangyari sa buhay ko sa paglipas ng panahon. Sa pagiging P.A. ko kay Maky, sa pagka-bully ko at sa pagkahulog ko sa kanya nang di inaasahan.

Pero siyempre haller?! Hindi ko pinapahalata sa kanya no na may feelings na ako sa kanya. Baka pagdirian pa ako at sesantehin niya ako bilang P.A. niya. Sayang naman nun. Malaki rin kaya naitutulong niya sa akin.

Atsaka ganun pa rin siya sa mga nakaraang araw. Minsan nagsusungit, minsan naman napaka-caring at concern niya tapos biglang nagsusungit. Ewan ko doon, ang gulo-gulo rin niya kung minsan. Pati feelings ko rin sa kanya minsan naguguluhan. Ano raw?? Well...

Nang makalapit na sa akin si MJ.

"Na-post na daw ang list ng mga dean's lister sa dean's bulletin board bespren. Nandun na din daw yung mga nakapasa at pasok sa College at University Scholarship. Tara tignan natin." updated talaga tong bespren kong to.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa at nagpahila na lang din ako.

Oo nga pala. Ipinagpatuloy ko na nga talaga ang changes sa akin. Nagsimula sa aking style ng pananamit, paglulugay ng madalas at minsan din naman tinitirintas ako ni nanay.

Paglalagay ng hikaw at lipstick (yung cheek at lip tint pa). Binilhan ako ni nanay ng mga bago kong gamit. Siyempre, ganoon din naman ako sa kanya. Minsan rin ibinibili ako nina MJ at Ate Hailey ng mga bagong blouses at pants.

Uhm... oo na, pati na rin si Maky, ibinibili niya ako. Ewan ko dun, bigla-bigla niya na lang akong binibigyan ng mga damit. Pero okay na rin yun no, kesa sa wala. Be thankful na lang dahil blessing yun ni God.

At kapag may pera naman ako ay nililibre ko si nanay na kumain sa labas at mag-milktea. Hehehe. Gora din naman siya.


Nang makarating kami ni MJ doon sa harap ng dean's office. Madami nang mga estudyante na tinitignan kung pasok ba sila sa dean's lister. Kaya naman napag-isipan na lang muna namin ni MJ na kapag wala nang mga estudyante ay pwede na namin itong tignan.

Anyway, wala na kaming klase dahil end of the semester na pero kailangan pa ring pumasok dahil may mga bagay pa na kailangang tapusin dito school bago kami mag-semestral break. Katulad na lang nitong hinihintay namin na result na Dean's Lister at yung mga grades pa namin, hinihintay pa namin na i-anunsiyo nila kung naka-post na ba ito sa online at iba pa.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon