Chapter Eleven: MEAN GIRLS

72 18 42
                                    

RJ's POV


Nang makuha na ni Maky ang bag niya sa akin ay umalis din siya kaagad. Naglakad na lang din ako palabas ng campus at habang naglalakad ay tinext ko si MJ na magkikita na lang kami sa labas ng CSU.

Pagkalabas ko sa gate ng CSU ay may humarang sa daanan ko. Tatlong magagandang babae, mga mukhang mayayaman at sosyalera. Sila ay sina Yvonne, Tanya at Czeena.

Business Management din ang course nila kaya oo, classmates slash blockmates ko sila. Sila din yung mga nagbubulong-bulongan nung unang araw ko dito sa CSU.

At dahil na-curious ako sa pagharang nila ay tinanong ko sila. "B-bakit?"

Si Czeena ang nagsalita. Sa pagkakaalam ko, siya ang leader nilang tatlo. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." nag-pause siya ng ilang segundo. "Anong meron sa inyo ni Maky?" sabay taas ng kilay.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Huh?? Anong meron sa amin ni Maky?? "Anong pinagsasabi mo?"

"Aminin mo na b*tch." si Tanya naman. Bi... ano raw?? Ako pa talaga ang sinabihan niya ng ganun??

"Wala naman akong aaminin dahil wala namang meron sa amin." sabi ko sa kanya.

Totoo naman. Wala akong aaminin kasi wala namang meron sa amin nung Boss Devil na yun no. Kung meron man eh yun lang namang pagiging "P.A." ko sa kanya pero ayaw kong sabihin sa kanila no, nakakahiya kaya.

Baka laitin pa ako o kaya sabihin pa nila na way ko lang yun para landiin si Maky. Maraming posibleng rason kung bakit nila ako tinambangan ngayon. Tinambangan talaga? OA. Hahaha.

"Kung wala. Eh bakit dikit ka nang dikit sa kanya?" this time, si Yvonne naman ang nagsalita at nag-taas kilay rin.

Sinagot ko na lang din siya. "Dikit ako ng dikit dahil..." sasabihin ko ba para matahimik na sila? O hindi dahil nakakahiya na P.A. niya ako. Uhm, huwag na lang. Nakakahiya talaga. "dahil magkaibigan kami. Bakit ba?" siyempre, kahit mean girls sila hindi ko sila uurungan no.

"Magkaibigan? Are you sure about that? You're just only friends?" hays, ano ba Czeena, bakit hindi ka ba naniniwala? Eh friends naman talaga kami. Uhm, parang ganun na lang din. Hehehe.

"Paano kayo naging magkaibigan? Di ba you're one of the people na sumisira sa araw niya? That's impossible." si Yvonne yun. Oo nga no, paano kami naging magkaibigan kung unang pagkikita namin eh hindi maganda? Paktay tayo diyan RJ.

This time, si Tanya naman ang nagsalita. "Yeah, it is really impossible. Anong ginawa mo sa kanya? Bakit parang okay lang sa kanya ang mga ginawa mo before? Bakit parang kinalimutan na niya ang mga nagawa mo? Bakit –" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinigilan na siya ni Czeena.

"Shut up Tanya. Stop it." ano ba talaga ang gusto nilang mangyari? Bakit nila ako kinakausap? Bakit tungkol sa amin ni Maky? Do they like Maky? Is Czeena like Maky and Tanya and Yvonne supporting their friend? Aba! Parang alam ko na kung saan to mapupunta ha.

Kaya nagsalita na ako at nameywang para i-confront sila. "Ano ba talaga ang kailangan ninyo ha? Gusto niyo ba na layuan ko si Maky? Yun ba ang gusto niyo? Sabihin niyo. Pero kung yun ang sasabihin niyo, pwes mas lalong hindi ko siya lalayuan. Dahil kaibigan ko siya. Wala kayong karapatan na sabihin sa akin na layuan ko siya. Hindi niyo ako mapipilit sa gusto niyo, sa gusto niyong mangyari. No, never!" nai-stress na ako sa tatlong to. My goodness! My country and the people around me!

Magsasalita pa sana si Yvonne pero pinigilan siya ni Czeena na may hand sign pa siya na hindi siya magsasalita.

Pagkatapos nun ay nagsalita siya in a nice way. "That's not what we want. We are not like the other girls out there. We are just curious about it that's why we're asking. Now, we know the reason why." ngumiti pa siya, pero peke naman.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon