CHAPTER 17

155 10 5
                                    

CHAPTER 17










“ANG propesiyang sasabihin ko sa inyo ay nagmula pa sa lupain ng Axphain,” panimula ng babae habang nakatitig lamang sa liwanag ng lamparang nagsisilbing liwanag nila sa gitna ng napakadilim na kwarto. Nagbabaga tuloy ang mapupulang mata nito.

Nanatiling tahimik sina Nemain at Lir habang pinapakinggang magsalita ang babae. Binuksan nito ang luma at napakalaking scroll na napupuno ng mga titik at salita. Naningkit ang mata ni Nemain nang makita ito.



Matapos ang alitan sa pagitan ng dalawang magkakapatid, nagkabuhol-buhol ang anim na bansa na parang lubid.”



“Si Gedeon at Akwan,” mahinang sambit ni Nemain at nagkatinginan sila ni Lir. Hindi na ito bago sa kanila dahil ilang beses na itong ikinuwento ng mga nakatatanda. Sa pagkakaalam nila’y si Akwan ang nagtataglay ng kapangyarihan na lumikha ng iba’t ibang bagay samantalang si Gedeon naman ang may kakayahang sumira ng mga ito. Marami silang pagkakaiba sa isa’t isa.


“Tahimik na namuhay ang anim na lahi ng mga anghel. Pero sa napakaraming taong lumipas, ang anim na lahi ay muling magkakagulo. Ang mundo ng Metanoia ay malalagay sa impyerno.”




Halos mahigit ni Nemain ang hininga dahil sa narinig. Ayaw niyang maniwala. Maging si Lir ay napaawang na ang bibig pero hindi mahagilap ang tamang sasabihin.



“Subalit nagdagsaan ang anim na bagong itinakda, mula sa anim na bansa.”




Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga.




“Tanging palatandaan ay siyang marka. Sila ay nakatakdang tatalo sa kalabang naghahasik ng lagim. Sa nagdagsaaang mga kalaban, magbabalik ulit ang Diyos ng itim.”




Kung kanina ay normal pa ang kanyang paghinga, ngayon naman ay naghahagilap na siya ng hangin. Sumisikip na ang kanyang dibdib sa kanyang mga nalalaman.





“Gwenore, Auradon, Axphain, Adalea, Cimmeria at Cazadorian. Sa hindi pagkakaunawaan, muling magkakaisa. Upang ipatumba ang kalabang gumugulo sa mundo nila.”

“Kahit makakaharap ng Adalea, Cimmeria at Cazadorian. Ang Diyos na lumikha sa lahi nila. At pipiliin pa rin ang kapakanan ng buong lupain ng Metanoia.”




Mabagal na isinara ng misteryosong babae ang scroll at tinitigan ang dalawang kaharap. Wala pa ring emosyon na makikita sa mukha nito.

Sa kabila ng tensyon na nararamdaman ay halakhak ng siraulong si Lir ang pumunit sa napakatahimik na gabi. Nakangiwing napatingin sa kanya si Nemain habang kumunot-noo naman ang babae.

“Anong nakakatawa roon?” tanong ni Nemain at halos sapakin ang katabing binata.

Pinahid muna ni Lir ang luhang kumawala sa kanyang mga mata mula sa kakatawa bago sumagot.

“Isang ordinaryong kwento at hula lang ‘yan. Walang kwenta. Bakit pa kayo maniniwala sa mga sabi-sabi?” diretsahang sagot nito kaya nag-iba ang timpla ng babae. Sinamaan siya nito ng tingin. Halos mamutla naman sa gilid si Lir nang makita ang awra nito. Talagang nakakatakot.

“Huwag mong gawing biro ang isang sagradong propesiya! Hindi mo alam kung gaano kalaking delubyo ang mararanasan ng Metanoia kung sakaling magkatotoo ang itinadhana!” sigaw ng babae at padabog na inihampas nito ang mga palad sa mesa. Halos mapaigtad sa gulat si Nemain at napawi naman ang ngiti sa labi ni Lir.

“Meow,” sabat ng pusa na tila pinapakalma ang amo.

“A-Ano ang... kailangan naming gawin?” nauutal na tanong ni Nemain. Mas lalo siyang kinabahan. Hindi pa nga niya alam kung nakatawid na nga ba sa Bridge of the Swords ang kanyang ama, dumating pa ang bagay na hindi niya inaasahang malaman. Kinatatakutan niyang mangyari ito.

“Hindi mo kailangang itanong sa iba ang sagot na makukuha mo naman sa sarili mo, itinakda. Ikaw ang nakatadhanang lumutas ng gusot na ito.”

“Ako lang ba ang itinakda sa Metanoia?” naguguluhan pa niyang tanong.

“Anim raw kayo, bobo naman nito!” sabat ni Lir kaya sinapak na siya ni Nemain. Namumuro na kasi ito kanina pa.

“Marahil ay naghahanda na rin ang ibang itinakda na gaya mo upang lutasin at paghandaan ang mangyayari sa propesiya. Hindi ko lang alam kung ano na ang nangyayari sa Adalea ngayon,” mahinang sagot ng babae pero malinaw pa ito sa pandinig ni Nemain. Klaro rin sa kanya na hindi ito purong Cimmerian.

“Kung isa kang Adalean, bakit ka narito sa lupain namin? Matagal ka na ba rito? Bakit ka nagtatago? Sinong pinagtataguan mo?” sunod-sunod na tanong ni Lir kaya hindi na nakatiis pa ang misteryosong babae at sinupalpalan na siya ng isang buong inihaw na isda sa bibig.

“Masyado kang madaldal, ginoo. Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang inatasang maging kanang-kamay ng babaeng ito,” masungit nitong sambit.

“Hindi n’yo na kailangang malaman kung sino at ano ang pinagmulan ko. Ang mahalaga’y nasabi ko na sa inyo ang totoo. Napakabigat ng pasanin mo. Umuwi na kayo. Malapit nang magbukang-liwayway,” utos nito.

“Pakiusap, kahit pangalan mo lang,” pamimilit ng dalaga. Magsasalita pa sana si Nemain nang hipan na ng babae ang ilaw ng lampara na nakapatong lamang sa ibabaw ng mesa. Namatay ang apoy na nagsisilbi nilang liwanag upang makita ang isa’t isa.

“Ang totoo kong pagkatao’y mananatiling lihim para sa kapayapaan ko at ng dalawang lupain. Paumanhin ngunit ang tungkulin ko lamang ay balaan kayo. Hindi n’yo na kailangang alamin pa ang totoong ako,” tanggi nito sa kabila ng kadiliman na tinatamasa nila ngayon.

“Maaari na kayong makauwi.”












Magbubukang-liwayway na nang lumipad palabas ng kagubatan sina Nemain at Lir upang masigurong walang makakaalam ng kanilang illegal na paglabas ng paaralan.

Nakatanaw lamang sa bintana ang misteryosong babae at pinagmamasdan ang paglipad ng dalawa.

“Lipad, munting itinakda. Alam kong may mas matayog pa ang iyong ililipad,” sambit nito sa sarili hanggang sa maglaho sa nag-aagaw dilim at liwanag na kalangitan ang dalawa.

“Bakit hindi mo sinabi ang totoo sa kanila? Na ikaw ay  anak ng dating heneral ng Adalea?”

Sa wakas, ang nagbabalat-kayong itim na pusa niya’y bumalik na sa kaanyuang mestisong lalaki. Nakasuot ito ng itim na salakot at may ngisi sa mga labi. Naningkit tuloy ang mata ng babae.

“Hindi gugustuhing malaman ni ama na ibinubulgar ko ang identidad namin. Kahit ito na lang ang maging pagbibigay-galang ko sa kanya,” giit nito at nagtungo sa malaking salamin upang pagmasdan ang hitsura.

Nagbabaga sa apoy ang kanyang mga mata. Ngunit kahit na ganoon, agaw pansin pa rin sa kanya ang putol niyang mga pakpak.






“Alam ng iyong ina na ipinagbabawal ang makipaglagayang loob sa ibang lahi lalo na sa Adalean pero ginawa pa rin niya! At ngayon ikaw ang naging bunga! Isa kang supling na dapat hindi na binuhay pa! Ang dapat sa ‘yo, pinuputulan ng mga pakpak!”

“Hindi iyan ang purong pakpak ng Cimmerian!”



“Kinakailangang magkahiwalay kami ni ama dahil sa akin. Ngayon pareho lang kaming nagtatago. Namatay si ina para sa akin. Ako ang naging dahilan ng pagkamatay niya at paglayo ni ama. Hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ako ngayon.”

Hindi namalayan ng babae na tumutulo na pala ang kanyang luha. Mabilis  niya itong pinahid at nagtiim-bagang. Naaalala na naman niya ang nakaraan.





***

CIMMERIA ACADEMY: School For Angels Of DestructionOnde histórias criam vida. Descubra agora