Chapter One (Andrei and the twins)

63.3K 1K 8
                                    

EDITED VERSION.










ANDREI'S POV

MATAMAN kong tinitignan ang mga babae sa harapan ko. All of them was undeniable beautiful and sexy. But I don't like any of them.

"Ano Andrei, may napili ka na ba?" tanong ng ate ko. Bumuntong-hininga ako bago umiling.

Gumuhit sa mukha ni ate ang pagkadismaya. Inis na bumuntong hininga siya.

She gestured them to leave. Nang kami na lang ang natira ay agad na ibinagsak ni ate ang kamay niya sa study table ko. Magkasalubong ang kilay niya, na halatang nagpipigil ng galit.

"My God Andrei! Sa dami ng pinakita ko sa'yong magaganda at sexy na mga babae. You still don't like any of them." singhal nya. "You're so unbelievable!"

Napairap ako saka sumandal sa inuupuan ko.

"Edi sorry!" I said with a sarcastic tone.

Hindi ko alam kung bakit nya ako hinahanapan ng babae. I'm just 29 years old. Saka may asawa na ako, iniwan ako almost five years ago.

Siya nga 32 years old na wala pang boyfriend, tapos ako 'tong pinapakealaman nya. Samantalang may anak na ako. Wala na akong proproblemahin.

Alam ko namang nag-effort siya sa paghahanap ng mga babaeng 'yon. Pero hindi ko naman sila magustuhan. Magaganda nga at sexy, sa malamang kung ibang lalake ang papipiliin ay baka hindi lang isa ang napili sa kanila. Kaso hindi naman ako katulad ng ibang lalake.

May minamahal na ako. At siya lamang ang gusto ko.

"Next week, I'll going to present another batch of best women in the town for you. You need to pick one." and she stormed out.

Inis na ginulo ko ang aking buhok. Nakakaasar!

I f*cking hate her. Pakialamera. Bakit hindi na lang kasi siya ang maghanap ng lalake para sa kanya? Lagpas na sa kalendaryo ang edad niya. Bwiset!

Hindi problema sa akin kung hindi na ako makakuha ng mamahalin. May mga anak na ako. Sa kanila ko ibubuhos ang buong pagmamahal ko.

Lumabas ako ng study room para puntahan ang mga anak ko sa playroom nila. Pero paglabas ko pa lang ng pinto ay nadinig ko na ang sigaw ni ate.

"Dara stop it!"

Dali-dali akong bumaba. Galing sa pool area ang ingay.

"I told you to stop it!"

Nang marating ko ang pool area ay naabutan ko si ate na hawak si Dara sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa anak ko na nakangiwi na ngayon.

Lumapit ako roon at inagaw si Dara sa kanya.

"Nasasaktan na ang anak ko, ate!" inis na sabi ko sa kanya.

"Iyang anak mo, napakasama talaga ng ugali." galit na sabi niya at sinamaan ng tingin si Dara. "Look at what she did!" itinuro niya ang pool.

Nandun ang mga babaeng ipinakilala niya sa akin kanina. Basang-basa at may mga putik rin sa buhok. Napatingin ako kay Xander na nasa hindi kalayuan. May hawak siyang bola ng mga putik sa magkabilang kamay. Kaagad niyang itinapon ang mga iyon.

"Manang-mana niyo talaga ang masamang ugali ng nanay niyo! Mga bwiset!" aniya saka nag martsa paalis.

Kaagad na umahon ang mga babaeng dala niya at sumunod sa kanya.

Napabuntong hininga ako.

"That's bad, Dara. Did you push them?" tanong ko sa kanya.

A grin spread to her cute face. My little evil daughter.

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now