Chapter Twenty: After All

24.1K 418 3
                                    

CASSANDRA

After four months...

Magkahawak kamay kami ni Andrei na naglalakad sa dalampasigan. Nandito kami sa isang beach resort sa batangas. Dito na kami naninirahan at nagpakalayo-layo na sa magulong buhay sa Maynila.

Months passed and I'm proud to say na unti-unti na kaming nakaka-moved on sa mga nangyari.

Dace sacrifice his life to saved my children. Napatawad ko na sya sa nagawa niya sa akin. Tinanggap ng Fontillejo family ang kinahinatnan ni Dace. Napatawad na rin nila ito sa nagawang pag-iwan sa kanila. He died because he got shot to his chest. Agad nyang ikinamatay 'yun.

Andrea? She's still alive. Nadaplisan lang siya ng bala sa braso at hita. Nasa isang rehabilitation center siya at nagpapagamot. Kapag magaling na sya ay ikukulong na siya sa bilangguan para doon pagbayaran ang kanyang kasalanan.

Ang mga bata, until now they weekly visiting their psychologist. In-advice kasi sa amin na isailalim sa isang theraphy ang mga bata. Na-thrauma daw sila sa mga pinaggagawa ni Andrea. Galit na galit ako ng malamang sinasaktan nya ang mga bata. Pinapalo, pinapatakan ng kandila, ginugutom at pinapatulog sa sahig na tanging karton lang ang sapin.

Andrei and I were totally fine. We're focusing to our next baby. Excited na kaming makita siya. Five months na siya ngayon, four months na lang. Andrei is very protective husband, kahit dati pa man. Maingat siya sa pag-aalaga sa akin. Tapos na ako sa stage ng paglilihi, nahihilig naman ako ngayon sa pagtulog. Kaya naman nananaba na ako. Hindi naman ako ganito magbuntis sa kambal at kay Drei. Tanging tiyan ko lang noon ang lumalaki pero ngayon buong katawan na.

Our baby's gender is a girl. Tuwang-tuwa si Dara ng malaman ito, may makakalaro na raw siya. 'Yun ang akala niya dahil dalaga na sya kapag nagyaya ng maglaro si Xiara.

Alexiara Carisse Anne

Si Andrei ang pumili ng pangalan na 'yan. Maganda naman kaya hinayaan ko na lang.

"Hon, upo muna tayo," sabi ni Andrei. Inalalayan nya akong maupo sa isang trunks ng isang tumbang puno.

Nakakarelax talaga magpunta sa ganitong lugar. Isang buwan pa bago mabuo ang bahay naming itinatayo 'di kalayuan dito. Maganda ang view ng dagat mula roon. Uplift ang pinagtayuan noon.

[Now playing: After All by Peter Cetera & Cher]

"Hon, ang dami na nating pinagdaanan nuh?" biglang sabi ni Andrei.

"Marami pa tayong pagdadaanan Hon, madaming-madami pa!" sabi ko naman. Pinagsalikop ko ang palad namin. Meant to be nga kami. After all the hatreds and pain, magkasama na naman kami. This time sisiguraduhin kong hanggang kamatayan na 'to. I keep coming back to him over and over again.

"I'm so happy na ikaw ang minahal ko una pa lang. Bata pa lang tayo nakikita ko na ang future ko with you..."

I smiled. Ako rin kaya. I just wait him. At mabuti na lang ay sa tamang panahon siya nagtapat 'yun nga lang nabuntis niya ako ng maaga. Nang maging kami kasi noon ay 'di nya na ako tinantanan ng kakahalik nya hanggang sa lumagpas doon. Wala naman akong pinagsisihan, talagang mapaglaro lang ang tadhana at kami ang nakuhang paglaruan. But let's all leave that to the past.

Dinantay ko ang ulo ko sa balikat niya at kinanta ang kantang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.

"...after all the stops and starts,
We keep coming back to these two hearts,
Two angels who've been rescued from the fall.
After All that we've been through,
It all comes down to me and you.
I guess it's meant to be,
Forever you and me, After All..."

Niyakap niya ako sa bewang atsaka sumabay sa pagkanta.

"When love is truly right
(This time it's truly right.)
It lives from year to year.
It changes as it goes,
Oh, and on the way it grows,
But it never disappears,"

Bagay na bagay sa kwento namin ang kantang ito. After all that we've been through sa isa't-isa pa rin kami bumabalik. Ngayon narealize ko na lahat ng nangyari sa amin ay may kwenta.

I'm proud to say. Mas naging mabuting mag-asawa at magulang kami. Ang mga nangyari ay aral na lang ngayon.

Dahil ang lahat ng bagay mabuti man o masama ay may dalang magandang aral. Hindi lang natin nakikita ito. Kadalasan kasi ang nakikita lang natin ay masama.

***

TBC...
10 TO GO...

[03.10.15]
Sushi ︶︿

Comeback To Me WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon