Chapter Twenty Four: Headache

22.6K 413 2
                                    

CASSANDRA

Three years after...

I'm busy preparing lunch in the kitchen. It's monday at dadalhan ko ng baon mga alaga ko at susunduin si Drei.

"Yaaaa..." napatingin ako sa ref. And their my little cute princess trying to open it.

"Xiara, stop na ang pagkain. Kakain na tayo ng lunch." paalala ko sa kanya. She pouted her lips and lumakad papunta sa akin para yumakap sa binti ko.

Xiara is two years old now. She's growing fast. May pagka-chubby siya dahil sa maya't-maya ang kain niya. But it's fine with her age.

"Mom...ber...ber..."

"I said stop na! Kakain na tayo ng lunch," pagalit ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakayakap sa binti ko at napatingin sa taas ng mesa. Haaay...ang kulit talaga. 'Yung cookies na naman ang pag-iinteresan nya. Hinayaan ko na lang siyang magpaikot-ikot sa dining table habang humahanap ng paraan kung paano siya makakakuha ng cookies.

Itinuloy ko ang paghahanda. Sa office kami ni Andrei maglu-lunch. Nakagawian na namin 'yun tuwing weekdays. Dahil sa school naman kumakaim ang kambal.

"Mom...ep...ep..." napalingon ako kay Xiara. Hala...juiceko talaga 'tong batang 'to. Agad ko siyang pinuntahan at binuhat mula sa pagkakakapit sa mesa. Umakyat siya sa mesa gamit ang mga throw pillow sa sala pero kinapos kaya pinilit niyang pinangkapit ang kamay sa table. Pero natumba ang mga pillow kaya ayun nakasabit siya. Di naman sya makababa, dahil angat ang paa niya sa sahig.

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" sabi ko at hinalik-halikan ang mukha niya.

"Mom...ki!" siya at tumuro na naman sa cookies. Tumango ako at sinabing. "Pasama ka kay yaya sa room mo! Kunin mo 'yung bag mo and baunan. Babaon ka ng cookies..." ibinaba ko na sya. Nagtatakbo naman siya palabas sa kitchen habang natili pa. I smiled.

Tinapos ko na ang pag-aayos at umakyat na sa kwarto. Nakasalubong ko si Xiara at ang yaya niya. Pinauna ko na ang yaya niya sa baba dala ang mga nakuha nila. Isinabay ko naman si Xiara sa pagligo.

"Kumain na kayong dalawa..." sabi ko matapos ihanda ang pagkain ng kambal. Binatilyo't dalagita na ang mga panganay ko. Soon magkaka-boyfriend and girlfriend na sila. Well I'm not against in highschool lovers relationship, responsable naman ang mga anak ko. Malaki ang tiwala ko sa kanila.

"Mom, bukas 'yung favorite ko naman ha! Palagi na lang request ni Xander ang niluluto mo. Feeling ko mas mahal mo na sya sa amin!" angal ni Dara.

"Mas mahal naman talaga ako ni mommy eh, ako kaya ang panganay!" sabi naman nitong si Xander. Niloloko nya na naman ang kapatid.

"Don't think that Dara! Mom loves you too...pantay pantay kayo!" atsaka ko nilabas ang favorite ni Dara ng sinigang na hipon. Nanlaki ang mata niya tsaka lumapit sakin at yumakap.

"I love you mom. You're the best!" sabi nito at humalik sa pisngi.

This is one of a mother's dream ang mafulfill ang pagiging nanay at sabihin ng anak nilang proud sila sa'yo.

"We're lucky to have a mom like her!" sabi ni Xander kay Dara tsaka tumayo para humalik sa noo ko. "I love you mom!"

Napakaswerte ko ring magkaroon ng mga anak na katulad nila.

Matapos kumain ng kambal ay nagpaalam na kami at nagpunta naman sa office ng daddy nila na 'di kalayuan sa eskwelahan.

"Good afternoon Ma'am!"

"Good afternoon Mrs. Croix!"

Bati ng mga empleyado. I just smiled to them. Nang makarating kami sa tapat ng office ni Andrei ay nasalubong namin si Kath, ang secretary niya. Mukhang papasok rin ito sa loob dahil may mga hawak itong papeles.

"Good afternoon ma'am!" bati nito sa akin. Pinagbuksan nya kami ng pinto ng mga bata.

"Good day Kath! How's your day?" tanong ko. She is soon to be my sister-in-law. Girlfriend siya ni kuya Adrian.

"Medyo busy ma'am! Tambak po ang trabaho namin. Maraming papers na kailangang i-review!"

"Well, goodluck! Gusto mo bang sumabay sa amin mag-lunch?"

"Hindi na. Susunduin ako ni Adrian. Kakain kami sa labas." sabi nito. Parehas kaming pumasok sa loob kinausap nya saglit si Andrei bago nagpaalam.

"Hon!" bati sakin ni Andrei tsaka siniil ng halik ang aking labi. Kung dati ng sweet ang asawa ko, mas sweet siya ngayon. Time to time din syang tumatawag sa akin.

Ang pamilya ko ay isa sa maituturing na perpektong pamilya.

"Dad!" si Xiara. Kinarga siya ng daddy niya. Lumapit rin si Drei at yumakap sa bewang ng ama.

"How are my princess? Amoy baby ha!" sabi ni Andrei at pinugpog ng halik ang prinsesa namin na panay ang hagikhik. "Ikaw young boy? How's school?" baling nya naman kay Andrei.

"Dad, I'm doing great. I got 10 over 10 on our test about flowers!" proud na sabi ni Drei. Nagkatinginan kami ni Drei tsaka nagkangitian. Mukhang may pamamanahan na ako ng mga shops. Drei has a passion on arranging flowers. Mahilig din syang magtanim-tanim. Madalas nga nyang gawing playground ang flower shops ko.

"Me and mom are so proud of you!"

Sino bang hindi?

Inaya ko na silang kumain. Ang ulam naming mag-asawa ay chicken curry at sinigang na hipon. Sa mga bata ay vegetable salad and mash potato. Favorite nila 'yan. Lalo na ni Drei.

Si Andrei na ang nagsubo kay Xiara samantalang ako naman ang taga-punas. Napakadaldal ni Drei habang kumakain kami. Well, it's not bad. Eating time is one of our bonding time kung kelan pwede kaming magkwentuhan.

"Dad, ma'am told us to not eat junkfoods. It's bad for the health daw. Pero bakit sila kuya nagkakain nun?"

"Xander and Dara knows eating too much junkfoods can harm. They'll just eat junkfoods two times a week. It's not bad at all."

"Can I eat that?"

"You can. Pero dapat isang beses lang sa isang linggo. One pack of it is enough for you. You're a vegetarian, right?"

"Yes!"

Well, may junkfoods na vegetables ang flavor. He will surely love that.

Matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Nakaramdam ako ng hilo at pananakit ng ulo. Napapikit ako sa pagguhit ng sakit.

"Hon, are you okay?" tanong ni Andrei.

"Okay lang. Medyo sumakit lang ang ulo ko." sabi ko. Mainit kasi ang panahon at tirik na tirik ang araw.

"Magpahinga ka muna. Bago kayo umalis papuntang shop." sabi nito at hinilot ang sentido ko. Maya-maya ay may kumatok at pumasok si Kath. Sinenyasan niya si Andrei. "Hon, magsisimula na ang meeting. Magpahinga ka muna ha! Itext mo ko pagkarating nyo sa shop. I love you." sabi nito at siniil ng halik ang labi ko bago nagmadaling umalis.

Naghintay ako ng thirty minutes bago kami umalis ng mga bata. Mabuti na lang at may driver kami.

Nagpatuloy ang pagsakit ng ulo ko ng makarating kami sa shop kaya nagpabili na ako ng gamot at minabuting umuwi na lang sa bahay. Tinawagan ko si Andrei pagkauwi namin. Sinabi niyang uuwi raw siya kaagad pagkatapos ng meeting nila.

Minabuti kong itulog na lang 'to. Pinatabi ko sa akin ang mga bata at natulog kami.

Sana mawala na 'to pagkagising ko.

***

TBC,

HINDI PA NAGTATAPOS ANG PROBLEMA. READY YOUR HANKY SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER.

Preview for chapter thirty "Goodbye"

[03.12.15]
Sushi ︶︿

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now