Prologue

87.8K 1.3K 3
                                    

EDITED VERSION



IHININTO ni Andrei ang kotse sa parking lot ng Elliot's Café. Isinuot niya ang kanyang shades at cap saka bumaba sa sasakyan. Marami-rami na pala ang guests na naghihintay sa pagbubukas ng café.

Inilibot niya ang paningin sa paligid para hanapin ang mga kaibigan. Si Priscilla Elliot ang una niyang nakita, ito ang isa sa nagmamay-ari ng magbubukas na cafe, ang girlfriend ng bestfriend niyang si Kean.

Masaya itong bumabati sa mga dumarating na guests. Naglakad siya papalapit rito.

“Andy, I'm glad you came!” masayang sabi ni Priscilla ng makita siya. Bumeso pa ito at tinapik ang balikat niya. “Mabuti na lang at dumating ka na malapit na magsimula ang ribbon cutting. Hayun sila Kean at Tristan.” itinuro ni Priscilla ang pwesto kung saan nagkukwentuhan ang mga kaibigan niya.

“Maiwan muna kita. Tatawagin ko lang ang new friend ko.” sabi nito at dali-daling umalis.

Nahulog pa nito ang panyong hawak. Dinampot niya kaagad iyon at balak sanang isauli sa kaibigan ngunit mabilis itong nakalayo. Napakamot siya sa likod ng ulo habang sinusundan ito ng tingin.

Tumawid ito at pumasok sa isang flowershop. Iaabot niya na lang siguro ito kay Kean.

“Bro!” tawag-pansin niya sa dalawa pagkarating sa pwesto ng mga ito.

Inalis niya ang suot na cap at shades at inilapag ang mga iyon sa table.

“Mabuti naman at dumating ka! Kanina ka pa hinihintay ni Ilah! May ipapakilala raw sa'yo na chic.” biro sa kanya ni Kean.

Nakangiting umiling siya, “Nakausap ko na siya. Wala siyang sinabi na ganyan noong sinalubong niya ako kanina.” inabot niya rito ang panyo ni Priscilla. “Nahulog ng girlfriend mo.”

Kinuha nito ang panyo sa kamay niya atsaka siya inakbayan.

“I swear bro. Ipapakilala ka raw nun sa new friend niya. 'Yung may-ari ng flowershop sa tawid.” ani pa nito.

Nagkibit balikat na lang si Andrei. He's not interested either. He doesn't have time for that.

“Nakita ko kanina bro. Maganda, makinis at maputi.” gatong naman ni Tristan.

Biglang napakunot noo si Kean, “Nakita mo na?”

Tumango si Tristan, “Oo kausap kanina ng atoys mo, kaso nakatalikod.”

Binatukan ni Kean si Tristan na siyang ikinatawa niya.

“Para ka talagang ewan Tristan!”

Inanunsyo na may sampung minuto pa bago simulan ang ribbon cutting. Kaya naman nagkwentuhan muna sila. Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap tungkol sa bagong kontrata ni Kean sa kompanya nito ng dumating si Priscilla.

Excited ang hitsura nito.

“Cassy is coming. Just wait for a few minutes. Nagre-retouch lang siya.” nakangiting sabi nito at bumaling sa kanya. “She's a single mom, maybe you can get along with her because you're a single parent too.” dagdag pa nito saka humagikhik ng parang bata.

Siniko siya ni Tristan.

“Cassy ang pangalan. Hahaha.” natatawang sabi nito sa kanya.

“Haaayy!” napabuntong hininga na lamang siya.

Cassadra is his wife's name. And her nickname was Cass.

Wala na siguro siyang magagawa kung hindi kilalanin ang sinasabi nito. Kikilalanin lang at hanggang doon na lang yun. May asawa na siya. Iyon nga lang iniwan siya.

Ayaw rin ng kambal niyang anak na mag girlfriend siya. Tiyak na makakatikim ng masamang kapalaran ang sinumang babae na ipakilala niya sa mga ito. Tulad ng mga babaeng dinadala ng ate niya sa kanyang bahay upang ipagkasundo sa kanya.

“Naku! Hayan na siya.”

Sinundan nila ang tingin ni Priscilla.

Nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

“Oh shit...” Kean mumbled.

“Cass...f-fuck it's her.” Tristan

Ilang beses siyang napakurap. Baka namamalikmata lang siya. Napalunok siya ng mapagtanto na hindi siya nag-iimahinasyon.

“Cassy! Here!” tawag dito ni Priscilla.

Nakangiti itong lumapit kay Priscilla pero nawala ang ngiti nito ng mapatingin sa kanya. Tulad niya ay hindi rin ito makapaniwala na magkaharap sila ngayon.

My wife...

“Cassy meet Andrei, he is my boyfriend's bestfriend.” pakilala ni Priscilla. “And Andrei she is Cassandra, my new friend. The owner of Euterpe.”

Lumipas ang ilang minuto pero walang gumalaw sa kanila. Nakatitig lang sila sa isa't-isa.

Parang biglang huminto ang oras niya habang nakikipagtitigan sa babaeng kaharap niya ngayon. Ang kanyang asawa.

Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Priscilla ng mapansin ang sitwasyon nila. Nag-iwas ng tingin si Cassandra at alanganing ngumiti kay Priscilla.

“Guys, are you okay? Do you already know each other?”

Tumikhim siya atsaka alanganing ngumiti kay Priscilla.

“Yes. I know her.” sagot niya sa kaibigan. “Uhm, Priscilla excuse us.” aniya saka hinila si Cassandra papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

“A-Andrei...” ani Cassandra.

Napahinto siya sa paglakad at hinarap ito.

“I won't let you go, again.” seryosong sabi niya. “Never again.”

Binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulak papasok roon si Cassandra. Matapos iyon ay kaagad siyang umikot sa driver seat.

Mabilis nilang nilisan ang lugar. Iuuwi niya na ang asawa niya. Hindi niya na hahayaan na makawala muli ito sa mga kamay niya.

“Welcome back my wife.”

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now