Chapter Twenty Six: Alzheimer's Disease

22.3K 400 6
                                    

CASSANDRA





Nagising ako na nasa silid na ako ng hospital. Ano bang nanyari at napunta ako rito? Wala akong matandaan sa mga nangyari.

“Mom!” tawag sa akin ni Xander. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Mabuti naman at nagising ka na!”

“Anak pano ako napunta rito?” tanong ko.

“Mom, hinimatay ka noong nagpunta tayo sa Sky Ranch.” sabi nito. Nangunot ang noo ko? Sky Ranch, e bukas pa kami pupunta doon.

“Anak bukas pa tayo mamamasyal roon.”

“Ma, it's sunday. Kanina po tayo nagpunta sa Sky Ranch!” nangunot ang noo ko. Kanina? Wala akong maalala.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Andrei. Namumula ang mata nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin ng makita nya ako.

“Pwede ka na daw lumabas hon. Masyado ka lang daw napagod.” sabi niya. Bakit ako mapapagod? E wala naman akong ginawa. Pinanuod ko lang si Dara mag-practice ng Ballet Dance niya maghapon.

“Are you sure dad? Hindi maalala ni mom na nagpunta tayong Sky Ranch kanina.”

“I'm very sure Xander. Tulungan mo ang mommy mong mag-ayos. Magbabayad lang ako sa baba.” sabi nya at muling lumabas.

Parang may mali? Ano kayang nangyari sa asawa ko at parang wala siya sa sarili.








ANDREI

Lumabas ako ng hospital room ni Cass para mag-bayad na ng bill. Hindi ko pa ngayon makukuha ang result. At parang ayaw ko ng makita 'yun. Paano kung may sakit nga siya?

Natatakot ako sa mga maaaring mangyari. Paano na ang pamilya namin? Ang mga bata?

Mabilis kong binayaran ang bills para makaalis na kami roon? Ayaw na ayaw kong pumupunta sa gantong lugar. Hospital ang lugar na kinaaayawan ko. Mas maraming namamatay kesa sa nabubuhay dito.

“Hon, okay ka lang?” tanong ni Cass. Tumango lang ako tsaka siya yinakap ng mahigpit.

Cass natatakot ako. Paano kung may sakit ka nga?

Hindi ko pa alam kung ano ang Alzheimer's. Pero ang sabihing may sakit ang asawa ko, para na akong nanghihina. Kawawa naman si Cassandra.

Nang makatulog siya ay agad akong tumayo at nagtungo sa study room. Kinuha ko ang laptop ko at ni-search ang Alzheime'r Disease.

Alzheimer's disease is a neurological disorder in which the death of brain cells causes memory loss and cognitive decline. A neurodegenerative type of dementia, the disease starts mild and gets progressively worse.

What? Lumalala?

Ini-scroll down ko pa. Unavoidable risk factor?

Age - the disorder is more likely in older people, and a greater proportion of over-85-year-olds have it than of over-65s.

Bata pa naman ang asawa ko. Baka iba ang sakit niya?

Family history (inheritance of genes) - having Alzheimer's in the family is associated with higher risk. This is the second biggest risk factor after age.

Wala naman sa mama at papa niya ang nagka-Alzheimer's kaya for sure hindi nga ito ang sakit niya. Ang papa niya ay nagka-dementia pero hindi Alzheimer's.

“Hon?!” rinig ko mula sa labas. Agad akong lumabas sa study room at pinuntahan siya. Naabutan ko siya sa puno ng hagdan. Mukhang hinahanap nya ako mula sa baba.

“Hon, I'm here!” tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa direksyon ko. “Saan ka galing?”

“Chineck ko lang ang mga bata.” sabi ko. Ngumiti siya at inaya na akong pumasok sa kwarto. Nahiga ulit kami at nakatulog na agad siya.

Binantayan ko muna siya ng ilan pang minuto bago ako makatulog.

Nang magising ako ay wala na si Cassandra sa tabi ko. Agad akong tumayo at hinanap siya. Naabutan ko siya sa kwarto ni Xiara at dinadamitan ito. Mukhang kapapaligo lang ng bunso namin.

“Morning Hon!” bati ko at hinalikan siya sa labi. Ang blooming niya ngayong umaga. Ang ganda ganda ng ngiti nya.

“Morning!” sabi nya at binuhat si Xiara. “Maligo ka na at mag-ayos hon! Ready na ang breakfast. Iche-check ko lang sila Xander kung ayos na sila.”

Tumango ako. Ngiting-ngiti akong lumabas ng kwarto ni Xia. Napaka-maalaga ng asawa ko. Ang galing galing niya mag-alaga.

Lumipas ang isang linggo, ngayon ko lang naisipang pumunta kay Dr. Lee para malaman ang result.

“Good morning Mr. Croix. Mabuti naman at nakarating ka na!” bati niya. Tumango lang ako. Kinakabahan ako. Wala pa man ay naiiyak na ako. Paano kung sabihin nyang may sakit nga ang asawa ko. “I'm sorry to say this. It's positive. Your wife has an Alzheimer's Disease.”

Tuluyan nang tumulo ang luha ko. It's positive. May sakit nga siya.

“Kailangan ba syang operahan doc?” nag-aalalang tanong ko. Umiling siya. “Then what? Paano siya gagaling?”

“Actually Mr. Croix, until now there is no known cure for this disease but there is a theraphy.”

“WHAT?” di makapaniwalang tanong ko. Sa sobrang advance ng technology ngayon? Wala pa ring cure sa sakit na 'to? Paano ang asawa ko? Hindi sya pwedeng mawala.

“You better look for a neurologist. Para maipaliwanag nyang mabuti sa'yo. Ipapaliwanag ko sa'yo ang sakit niya pero 'di kasing lawig ng mapapaliwanag ng mga eksperto dito.” panimula niya. “Isang rare case ng Alzheimer's ang sakit ng asawa mo. Mostly kasi ng tinatamaan na ganitong sakit ay mga matatandang babae. Kaunti lang ang mga lalakeng nagkakaganito. It can be hereditary. May history ba ang pamilya nya na nagkaroon na ng ganitong sakit?”

“Wala naman. But her deceased father has a dementia.”

“Dementia is closely related to Alzheimer's. Maybe she inherit it to her father.”

Namana nya? Bakit siya pa? Bwisit naman oh!

“Mr. Croix ang asawa mo ay may Early-onset Alzheimer's disease. If ang normal na babae ay nabubuhay ng seventy to seventy five years old. Ang may ganitong kondisyon katulad sa asawa mo, ay nabubuhay lang half of her span.”

Th-thitrty five. She's thirty now. Ilang taon na lang ang ilalagi nya sa mundo. Sh*t! This can't be happening.

“Nag-research ako about your wife condition. Ipapaliwanag ko sa'yo ang mga therapies.”

***

TBC,

[03.12.15]
Sushi ︶︿︶

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now