Chapter Six (Just for tonight)

33.1K 720 10
                                    

EDITED.



ANDREI'S POV

"Goodnight." I kissed Dara's forehead after she fell asleep.

Pinagmasdan ko ang kambal habang payapa silang natutulog. Lumalaki na talaga sila. Parang kailan lang noong ipanganak sila ni Cass. Sobrang liit nila noon at nakakatakot hawakan. Feeling ko noon ay mababalian sila ng buto kapag kinarga sila.

Heto na sila ngayon. Sa kabutihang palad ay healthy sila at hindi sakitin. Mga ilang taon na lang ay magbibinata at magdadalaga na sila.

Hinaplos ko ang buhok ni Dara. Pinagsabihan ko siya tungkol sa ginawa niyang gulo sa party. Nahahalata ko lang kay Dara ay nakikinig naman siya kapag pinagsasabihan, hindi lang talaga niya sinusunod. Masama ang loob niya sa mommy niya. At ayaw niya raw itong kausapin.

Tinanong ko rin sa kanya kung okay lang na kausapin ni Xander ang mommy nila. Hindi siya sumagot. Inirapan niya lang kami ng kakambal niya.

Sumilip ako sa alarm clock nila na nasa bedside table. 10 pm na pala. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw ng lampshade. Nang makalabas ako sa kwarto nila ay dumiretso ako sa guestroom. Sa kwartong inuukopa ko.

Napahilot ako sa aking sentido ng madinig ang pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bedside table at tinignan ang tumatawag.

Si ate.

Inis na sinagot ko ang tawag niya.

"Kanina pa kita tinatawagan, Andrei! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko!" sigaw niya.

Bumuntong hininga ako at hindi nagsalita. Wala ako sa mood ngayon. Madami akong iniisip at heto na naman siya tinatalakan ako.

"Bukas na lang tayo mag-usap-"

"No!"

Nailayo ko ang cellphone ko mula sa aking tenga. Nakakabingi ang sigaw niya.

"Nariyan ba si Adrian? Parehas kayong hindi matawagan! Ano bang silbi ng mga cellphone niyo ha?" litanya niya sa kabilang linya. "Akala ko ba sasamahan niya lang ang kambal? Bakit hindi ko siya ma-contact ngayon?"

Nagmamadali kanina si Adrian. Ang sabi niya ay may kailangan raw siyang kausapin.

"Baka nakikipag-date."

Hindi ko rin alam. Malaki na si Adrian. Graduating na siya ng college next year. Normal lang naman sa edad niya ang makipag-date. O kaya naman baka nasa bar kasama ang kabarkada. Baka sinusulit niya lang ang mga araw na wala si ate para bantayan siya.

"Malilintikan sa akin ang batang iyon!" sigaw niya saka pinatay ang tawag.

Mabuti naman. Naiirita ako sa kakasigaw niya. Naupo ako sa kama.

Pagod na pagod ako pero hindi pa ako inaantok. Ang isipin na nandito si Cassandra sa bahay namin ay nagpapawala ng antok ko. Gusto kong siguraduhin na hindi siya tatakas.

Ipipikit ko sana ang mata ko para saglit na makapagpahinga pero nag-ingay na naman ang cellphone ko. Napairap tuloy ako. Hindi pa ba tapos sa paninigaw si ate?

Hindi ko na tinignan ang caller. Sinagot ko agad iyon at sinabing.

"Ate pwede ba marami akong iniisip ngayon-"

[Bro, si Kean 'to.]

Napatingin ako sa pangalan ng caller. Si Kean nga.

"Sorry bro. Akala ko si ate." hinging pasensya ko.

[It's okay. By the way, we're here at the Crimon Clover. Punta ka dito.]

Sa boses ni Kean ay parang nakainom na siya.

Comeback To Me WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang