Chapter Nineteen: Saved

23.3K 491 4
                                    

CASSANDRA



Nakaupo ako sa hospital bed. Pwede na raw akong makalabas sabi ng doctor. Hinihintay ko na lang si Andrei na nagbabayad pa ng hospital bill sa baba.

Ang hirap ng sitwasyon ko. 'Di ko matulungang maghanap ang asawa ko. May bagong nabubuhay sa sinapupunan ko, hindi ako pwedeng ma-stress.

Kamusta na kaya sila Xander? Natutuwa akong narinig ko ang boses niya at malamang buhay siya. Sana okay lang sila. Sana hindi sila sinasaktan ni Andrea. Sana nakakakain sila ng tama.

Pilit ko kinalma ang sarili ko. Nagbabadya na naman kasing kumawala ang luha ko. Tumingala ako para patigilin ang pagluha ko. Pero taksil ang mga luha ko. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sa pamilya ko pa?

Bumukas ang pintuan at pumasok si Andrei. Agad niya akong nilapitan at pinahid ang luha ko.

“Sshhh...tama na. Makakasama 'yan sa baby natin.” sabi niya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo.

“Wala pa rin bang balita? Miss na miss ko na ang mga bata!”

Nag-hire na siya ng mga tao para hanapin ang mga anak namin na nasa isang apartment raw sa Trece Martirez, Cavite. Doon raw kasi may nakakita sa kanila. In-assume na lang ng PI na isa sa mga apartment roon ang tinutuluyan nila. Kasama ang mga pulis ay isa-isa nilang pinupuntahan ang mga apartment roon.

“Don't worry! Mahahanap rin natin sila!” sabi niya at siniil ng halik ang noo ko. Niyakap ko siya. Sana...sana nga.

*phone's ringing*

Agad na tinignan ni Andrei kung sino ang tumawag.

“Si JM!” sabi niya tsaka sinagot ang tawag. “Hello? Anong balita?” saglit siyang napahinto. Maya-maya ay nakita ko ang paglaki ng mata niya at pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. “Talaga...Sige. Itext mo sa akin ang location...”

“Anong sabi?” tanong ko pagkababa niya ng phone.

“Alam na nila kung nas'an ang mga bata!”

Muling nag-init ang dalawang gilid ng mata ko. Magandang balita 'to para sa amin.

“Sasama ako sa'yo papunta roon ha!” sabi ko. Nag-aalangan pa siya nung una pero agad ding tumango.

Buong biyahe papunta roon ay panay ang dasal ko. Sana makuha na namin ang mga bata. Nang makarating kami ay pinalilibutan na ng mga pulis ang isang pinto.

Nasa loob ng pintong 'yun ang mga anak ko.







DACE


Awang-awa ako sa mga batang nagkukumpulan sa isang sulok. Lalong-lalo na kay Jace. Takot na takot na siya sa akin. Ang laki ko kasing gago. Sana hinayaan ko na lang sila Cass.

Prenteng nakaupo si Andrea ngayon sa sala habang nilalaro ang baril niya sa kamay. Hindi ko na masikmura ang mga ginagawa niya. Pati ako ngayon hawak niya na. Isang maling galaw ko lang madadamay ang mga bata.

*tok tok*

Katok sa pinto. Agad na napatingin mula roon si Andrea. Tinutok niya ang baril sa mga bata atsaka ako sinenyasang tignan kung sino ang kumakatok.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ng bahagya ang pinto. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ay mga baril ng kapulisan.
“Dace, sino 'yan?” tanong niya.

“Kapitbahay! Nagtatanong kung pwede makisampay sa harap natin!” sabi ko. Binulungan ko 'yung isang pulis na tutulungan ko sila. Isinara ko ulit ang pinto ngunit nag-iwan ng kaunting siwang.

Desidido na ako. Tutulungan ko ng makatakas ang mga bata.

“Bwisit talaga 'yang mga taong 'yan! May mga sarili naman sampayan nakikisampay pa!” angal ni Andrea. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Susubukan kong agawin ang baril niya.

Muling nabaling ang tingin niya sa telebisyon habang pinapaikot ang baril sa kamay niya. Tinabig ko ang vase para ma-distract siya. Nang mangyari nga ay agad kong inagaw ang baril pero nahawakan niya ulit.

Nakipag-agawan ako ng baril sa kanya. Pumutok ang baril ng kalabitin nya ang gatilyo. 
“Tumakas na kayo!” sabi ko sa mga bata. Agad naman silang nagtakbuhan papalabas. Nakapasok na rin ang mga pulis.

I'm sorry Cass!

*bang*











CASSANDRA



Kinabahan ako ng makarinig ako ng putok ng baril. Nasa baba kami ng apartment. Nagpasukan na ang mga pulis sa bahay. Nakita ko ang pagtakbo ng mga bata papalabas.

Napaluha ako ng makitang okay lang sila. Umakyat si Andrei para kunin ang mga bata. Ilang putok pa ng baril ang narinig ko.

Si Dace? Kamusta na si Dace?

Nang makababa ang mga bata ay agad silang nagtatakbo papunta sa akin.

“Mommy~” iyak ng mga ito at yumakap sa akin. Ang mga anak ko!

Salamat ho at niligtas niyo sila.

“Mom we're scared! Tita's insane!” Dara

Niyakap ko sila. Sobrang saya ko. Sa wakas, okay na sila.

***

TBC,
BUKAS ULIT...


[16:40, 03.09.15]
Sushi ︶︿

Comeback To Me Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن