Chapter Twenty Three: Alexiara Carisse Anne

21.6K 433 3
                                    

ANDREI





“Dara bilisan mo!” sigaw ko mula rito sa baba. Napakatagal kasi ng batang 'yun, ihahatid ko pa sila sa eskwelahan bago magpunta sa hospital.

Kabuwanan na ni Cassandra, one of this day manganganak na siya. Nasa hospital na siya at pina-confined ko na siya. Madalas na kasi ang pananakit ng tiyan niya. Kagabi ko pa sya dinala dahil panay na ang paghilab ng tiyan niya.

“I'm done na!” sabi nito. Inakay ko na sya at inupo sa backseat ng sasakyan kung nas'an si Drei na panay pa rin ang tulog. Si Xander ay nasa passenger seat. Hindi siya papasok ngayon dahil pinilit niya akong isama ko raw siya sa hospital. Gusto rin sana sumama nung dalawa pero may kanya-kanya silang gagawin sa school.

Si Drei ay may practice sa play at si Dara naman ay magpa-palista sa Ballet Class. Maganda na rin 'yun para hindi hassle.

Pagkahatid namin sa dalawa ay agad kaming nagtungo sa hospital. Si Wayne ang naroon para magbantay. Close friend na namin siya. Though, 'di ko inaalis sa isipan kong baka kunin nya ang asawa ko. Hindi naman masamang maghinala basta't 'di OA.

May lumabas na doctor mula sa pinto. Malapit na raw lumabas ang baby namin. Pinaghanda na ako para makapasok sa loob.

“Daddy sama ako!” pangungulit ni Xander. Gusto niya rin daw makita na nanganganak ang mommy which is hindi pwede.

“Anak! Hindi pwede okay! Hintayin mo na lang rito,” sabi ko na ikinasimangot niya. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa gilid ni Cass.

“10 cm dilated na siya. Ready na!” anunsiyo ng nurse.

Alam na namin ang dapat gawin habang nanganganak. Napagdaanan na namin 'to sa kambal. At siya pangatlong beses na 'to. Teka nga...kasama niya kaya si Dace ng manganak siya kay Drei? Tsk...

Hawak nyang mahigpit ang kamay ko habang umiire. I just support her by words. Maybe ito na ang huling beses na papasok kami rito. We decided na si Xiara na ang magiging bunso. We're just 26 at apat na ang anak namin. Tama na 'yun. Kahit kaya kong bumuhay ng dalawang dosenang anak ay 'di ko naman makayanang taon-taon manganak ang asawa ko.

“It's a girl!” anunsiyo ng doctor ng makalabas na ang anak namin. Parehas kaming napangiti ni Cassandra. Sa wakas dumating na ang bunso namin.

Matapos linisan ay ipinahawak sa akin ang anak ko. Namangha ako ng makita siya. Kamukhang-kamukha siya ni Cassandra. Ang ganda ganda niya.

Inilapit ko siya sa mommy niya at hiniga sa tabi nito.

“Kamukhang-kamukha ko siya.” sabi niya. Nginitian ko siya tsaka sila binigyan ng halik. Ang hina ng genes ko. Tatlo na ang kamukha ni Cassandra sa anak namin. Samantalang ako si Drei lang.

“Ang tagal naman ni baby...” nakalabing angal ni Xander na nakaupo sa hospital bed ng natutulog niyang mommy. Kanina pa sya excited na makita ang kapatid niya.

“Malapit na siyang dalhin dito Xand!” sabi ni Wayne. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Naglakad ako papunta roon at binuksan ang pinto.

“Nandito na po ang baby nyo!” sabi ng nurse at ipinasok si Xiara. Ipinasa niya ito sa akin. Mamaya na lang daw niya kukunin ulit.

Inilapit ko kaagad siya sa kuya niya. Kita ko ang saya sa mukha ni Xander.

“Hi baby Xiara!” bati nito sa kapatid. Hinaplos-haplos niya ang mapupulang pisngi nito. “Ang ganda nya po!” dagdag pa nito na hangang-hanga sa kapatid nya. Napangiti ako. Oo, ang ganda ganda nga nya. Mahahaba ang pilik mata, sobrang puti, mapupula ang labi at maganda rin ang kulay ng mata niya, brown eyes.

*tok tok*

Tumayo si Wayne at binuksan ang pinto.

“BABY~”

Nandito na ang makukulit. Nandito na ang ate at kuya mo Xiara.

Welcome to our family, welcome to our lives.


***

TBC,

SEVEN TO GO...

[07:46, 03.11.15]
Sushi ︶︿︶

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now