Chapter Twenty Five: Bad News

21.3K 417 2
                                    

ANDREI


Ilang araw na akong 'di nakakapasok. Palagi kasing inaatake ng sakit ng ulo si Cass. Nag-aalala ako sa kanya. Hindi rin naman ako makapagtrabaho sa opisina kaya dinala ko na lang dito ang mga gawain ko.

Ako rin ang nag-aalaga sa mga bata pansamantala. Tuwing tanghali ay umuuwi ang kambal para dito magtanghalian. Bumabalik na lang sila pagkatapos.

Ngayon ay kasalukuyan kaming nasa garden ng kambal. Nasa kwarto naman si Xiara at Drei, binabantayan ang mommy nila.

"Dad, ipa-check up mo na kaya si mommy. Baka mamaya hindi lang simpleng headache 'yan." sabi ni Dara.

"Ayaw ng mommy nyo. Sa panahon lang daw 'yun dahil mainit!"

Totoong, mainit. Tuwing tanghali, halos wala kang makikita sa kalangitang ulap. Kahapon naman ay umambon pero umaraw agad. Kahit nga ako sumakit ang ulo sa singaw ng lupa.

"Pero dad, kapag lumagpas na ang isang linggo at di pa rin gumaling si mommy. Ipa-check up nyo na siya ha!" nag-aalalang sabi ni Xander. Tumango ako at niyaya silang silipin ang mommy nila.

Nasa labas pa lang ng kwarto ay maririnig na ang hagikgikan ni Xiara at Drei.

"Ey...kiti...kiti..." sabi ni Xiara habang pinagtutulungan nila ni Cass na kilitiin si Drei.

"Hahaha...mom, xia tama na...hahaha..."

"Sali naman kami dyan!" sabi ko at pumasok na kami. Dumiretso ako sa tabi ng asawa ko at niyakap siya. "Are you feeling better now?" tanong ko na may tonong paglalambing.

"Better. I'm sorry kung naabala pa kita!"

Umiling ako. "You're my responsibility because you are my wife! Don't need to say sorry!" sabi ko. Nangako kami, in sickness and in health. Kahit simpleng sickness lang 'yan, kailangan magdamayan kami.

"Thanks for being a good husband." naiiyak na sabi niya tsaka yumakap sa akin. "I love you so much!"

Niyakap ko siya ng mas mahigpit. "I love you more than you love me..."

"And we love you too..." sabi ng mga bata at nagsiyakap sa amin.

"Wapyu..." Xiara.


Day passed naging okay na si Cass. We're back to normal. Siya na ang nag-aasikaso ulit. Maayos na rin akong nakakapag-trabaho.

Dumating ang araw ng linggo kung kailan namin binabalak na mag-picnic sa malapit na picnic area.

Nakaupo ako sa kama habang hinihintay si Cass na matapos sa pag-aayos. Nangunot ang noo ko ng makitang paulit-ulit niyang ibino-blower ang buhok niya. This is unusual. Isang beses lang niyang ginagawa 'yun.

"Hon, pang-five times mo nang na-blower ang buhok mo!" sabi ko.

Nangunot ang noo niya na humarap sakin. "It's the first time," This time ako naman ang nangunot ng noo. I'm sure five times na siyang nag-blower this morning. I'm watching her behind.

Nilapitan ko siya at kinuha na ang blower niya. Ako na ang nag-blow and then itinabi ko na 'yun pagkatapos. She's putting lipstick. Babalik na sana ako sa kama ng tawagin nya ako.

"Hon pakikuha naman 'yung blower."

"Kakatapos mo lang mag-blower," takhang sabi ko.

"Oo nga pala! I'm sorry!" sabi nito at nagpunta na sa closet.

Ano bang nangyayari sa kanya?

***

Buong maghapon kaming nasa picnic groove. Nagpuntay rin kami sa Sky Ranch at tinry ang mga rides sa Sky Fun. We're very happy that time until Cassandra collapsed.

Isinugod namin agad siya sa hospital. We were afraid sa nangyari. She's okay kanina, bakit bigla na lang nangyari 'to?

Napatingin ako kay Xander na pabalik-balik ang lakad paroo't parito. Si Dara naman ay buhat ang natutulog na si Xiara. Si Drei naman ay nakadantay sa balikat niya.

Natatakot ako sa maaari kong malaman. Alam kong may mali. May mali sa asawa ko.

Maya-maya ay lumabas ang doctor. Ililipat na raw sa room si Cass. Pinasunod nya naman ako sa kanya para magtanong. Ite-test pa daw nila si Cass, para makasigurado. Sinabihant ko si Xander na tawagan ang driver at pauwiin na ang mga kapatid nya. Kailangan ko siya para bantayan ang mommy nya.

Pagkapasok namin sa office ni Dr. Lee ay inaya ako nitong maupo sa harap ng table niya.

"Sa ngayon, wala pang resulta. But can I ask a few question?" tanong nito na tinanguan ko lang. "Ano ho bang nangyari bago siya mag-collapsed!"

"Nakatayo lang naman siya habang pinanunuod ang mga anak naming nakasakay sa carousel. And then bigla na lang siyang nag-collapsed!"

"Hindi ba sya nagsabi ng may sumasakit sa kanya?"

"Hindi! Pero nung mga nakaraang araw palaging nananakit ang ulo niya. Ang sabi niya dahil daw 'yun sa init ng panahon."

"Headache lang ba?"

Sasagot sana ako ng oo, nang may maalala ako. 'Yung kaninang umaga, 'yung pagblo-blower niya. Baka epekto ng pagsakit ng ulo niya 'yun. Ikwenento ko sa doctor ang mga nangyari kaninang umaga.

"Sa ikwenento mo nagkaroon ako ng hinala kung anong nangyayari sa kanya. But we need to see the result first." sabi ng doctor.

"A-ano ho 'yun?"

"Alzheimer's disease."

Kahit hindi pa sigurado ay nanikip ang dibdib ko. Paano nga kung may sakit siya? Panibagong problema na naman ba ito?

***

TBC,
Bukas ulit...

[03.12.15]
Sushi ︶︿︶

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now