Chapter Seven (Stay)

34.8K 715 8
                                    

EDITED.



ANDREI'S POV

I opened my eyes slowly but blinded by the light coming from the glass window of the balcony. I closed them again. Fuck! My head was throbbing.

Balcony?

Napamulat muli ako at bumangon sa pagkakahiga. Nilibot ko ang tingin sa paligid?

Why am I here? Sh*t! And where is Cassandra?

Napatayo ako bigla at hinanap siya sa loob ng master's bedroom. Pero wala siya. Napahampas ako sa countertop ng sink. Fuck! Nakatakas na siya!

Inis na binalingan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. It's my damn fault. I am naked now. Siguro ay tumakas siya matapos naming magtalik kagabi. Lasing na lasing kasi ako.

How am I going to tell this to Xander? Nangako ako na ngayon ko siya ipapakausap sa mommy niya? Paano na ngayon na wala na si Cassandra?

“Fuck!”

Sa sobrang galit ay nasuntok ko ang salamin. Nabasag iyon at nagdudugo na ngayon ang kamao ko na nasugatan dahil sa bubog.

Iniwan niya na naman kami. Wala na ba talagang pag-asa na mabuo kami? Bakit iniwan niya na naman kami?

Hindi. Hindi pwedeng tanggapin ko na lang 'to. Hahanapin ko siya, ibabalik ko siya dito sa bahay. Pumunta ako sa guestroom at nagbihis roon. I grabbed my carkey and then I went downstair.

Habang pababa ako sa hagdan ay nakita ko na pinagbuksan ni Manang Mildred si Adrian ng pinto. He smiled at me.

“Good morning kuya.” bati niya sa akin.

Nilagpasan ko siya at kaagad na nagpatuloy papunta sa aking kotse.

“Kuya wait...” pigil sa akin ni Adrian bago pa man ako makapasok sa aking kotse. “We have to talk.”

I sat inside my car.

“Can we just talk later. I need to go now.” sabi ko.

Isasara ko na sana ang pinto ng kotse ko ng may mahagip ang mata ko sa garden. Si Cass. Lumabas ako ng kotse at agad na lumapit sa kinaruroonan nila.

“Daddy!” ani Xander.

Nilapitan ko si Cass at niyakap.

“Akala ko iniwan mo na naman kami.” bulong ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Fuck! I really thought that she left again.

“Andrei, may sugat ang kamay mo.” she said.

Napababa ang tingin ko sa aking kamay na hawak niya na ngayon. At tumingin ako sa mukha niya. She looked worried. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti. Nag-aalala pa rin siya sa akin.

“Manang Mildred, pakuha naman po ng first aid kit.” utos niya sa aming kasambahay.

Naupo ako sa tabi niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Ang atensyon niya ay naroon.

“Did you punch something? May mga bubog ang sugat mo.” aniya at tumaas ang tingin sa akin. Nangunot bigla ang noo niya. “Bakit nakangiti ka? Hindi ka ba nasasaktan?” asik niya pa.

Umiling ako. “Konting sakit lang 'yan, Cass.” Mas masakit kapag iniwan mo na naman ako. Sugat lang 'yan. Magagamot at madaling gumaling. “Sobrang saya ko lang na hindi mo kami iniwan.”

Biglang tumamlay ang kanyang hitsura saka tumingin kay Xander, na abala sa pagkain ng pancake.

“The best talaga ang pancakes mo mommy.” ani Xander at lumapit sa amin. May dala siyang pancake na nakatusok sa tinidor. “Dad oh!” itinapat niya sa akin ang hawak niya.

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now