Chapter Thirty: Goodbye

29K 559 41
                                    

ANDREI


Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga nilabhang damit. Nasa eskwelahan na ang tatlo kong anak kaya naman kami lang dalawa ni Xiara ang natirang magbantay sa mommy niya.

“Dade, nag-ihi na naman si mame sa floor,” napalingon ako sa aking likuran. Nakaupo sa rocking chair niya si Cassandra habang ang anak naman namin ay nakatayo sa harapan niya. Basa ang sahig at may kaunti pang pumapatak galing sa rocking chair na inuupuan ng asawa ko.

Napabuntong hininga ako tsaka dumampot ng basahan. Mula nang magising siya sa basement ay 'di na naging maayos pa ang kalagayan nya. Unti-unti na syang nawawalan ng alaala. Heto na siya ngayon, nasa isang direksyon ang tingin at tulala. Hindi na rin siya masyadong gumagalaw. Hindi na nagfu-function ang mga muscles niya. She can't speak. She can't walk. She can't moved alone.

Sa totoo lang hirap na hirap na ako. Nakakagago ang ganitong sitwasyon. Wala naman akong magawa, mahal na mahal ko si Cassandra para hayaan. I even thought on bring her to a nursing home at dalaw-dalawin na lang siya roon araw-araw. Pero nabalitaang kung ang ibang caregiver ay sinasamantala ang mga pasyente nila. Meron pa nga daw nagahasa kahit matanda na. Paano na lang si Cass. Kahit na namamayat siya ay maganda pa rin naman sya. Ayaw kong pagsamantalahan siya o tratuhin ng mali ng ibang tao. Maisip ko pa nga lang na sasaktan siya ng ibang tao, naiiyak na ako sa galit. Baka makapatay lang ako.

Nagtungo ako sa banyo upang banlawan ang basahan. Kailangan ko pang punasan ng isang beses ang sahig para hindi mangamoy.

Papalabas na ako sa banyo ng may marinig akong isang paos at garalgal na boses. Nakakunot ang noo akong lumabas ng banyo.

“A...An...de...drei!!” nanlalaking mata na tinignan ko ang aking asawa. Lumuluha ang isa niyang mata pero parang itong bato na hindi gumagalaw.  Nilapitan ko siya at hinalikan sa labi. Nakapagsalita siya at pangalan ko ang tinawag niya.

“Mame...” lumapit rin si Xiara at hinawakan ang kamay ng mommy niya.

“Xia...” sabi nya muli at may tumulong luha sa isang mata niya. Nakatulala pa rin sya. Pilit nyang ginalaw ang mga kamay nya.

“H'wag mong pilitin hon, magpahinga ka muna.”

Inakay ko siya papunta sa kwarto na dating basement. Nagpalagay ako ng CR rito. Nilinisan ko muna sya bago ko dinamitan at inihiga sa kama. Maya-maya pa ay bumaba rin si Xiara. Tinabihan namin ang mommy nya sa pagtulog.
Nagising ako ng makarinig ng ingay mula sa itaas. Wala na ang mag-ina ko rito.

Dali-dali akong umakyat. Hinanap ko sila sa buong bahay. Naabutan ko sila sa garden. Nakakandong si Xiara sa mommy nya. Dapit hapon na pala.

Pinuntahan ko sila at laking gulat ko ng marinig na nakakapagsalita ng maayos si Cassandra. Tila kinukwentuhan niya si Xiara.

Maingat akong lumapit sa kanila at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

“Eh bakit nyo po iniwan sila dade?”

“Mahabang kwento anak. Basta, ikaw ng bahala sa kanila ha! Sawayin mo sila kuya at ate mo kapag nag-aaway sila. Si kuya Drei mo, palagi mong sasawaying h'wag dilig ng dilig. Malulunod ang mga bulaklak. Si daddy mo, palagi mong pakakainin sa tamang oras. Baka atakihin na naman sya ng pagsakit ng ulcer niya.”

Nagbibilin pala sya kay Xiara. Bakit naman kaya?

“Mame saan ka ba pupunta? Iiwan mo rin ba ako? Gusto ko magsama sa'yo!”

“You can't. Mommy must go there because mommy's very sick. Mommy want to rest na!”

No Cass! Hindi pa pwede! Kailangan ka pa namin. Kailangan pa kita.

Unti-unting dumaloy ang luha galing sa mata ko. Bakit nagpapaalam na siya? Hindi nya na ba kaya?

“Kailan ka po babalik?”

“I don't know pero someday magkikita rin tayo. Someday...”

“Mame, I want to be with you always po.”

“Ako din, anak!”

Lord, bakit kami pa? Bakit ang asawa ko pa?

***

THREE DAYS AFTER...

“The fights ends here! I'm sorry Mr. Croix.”

Pumasok ako sa kwarto ng ER kung nasaan ang asawa ko. Payapa na ang hitsura niya. Wala ng sakit. Lumapit ako sa katawan niya at hinawakan ang kamay niya. Ang lamig na nito.

“Cass...”

You free from pain now. 'Yun nga lang 'di ka na namin makikita.

“Hintayin mo ako roon ha! Kailangan ko pa kasi alagaan ang mga anak natin. Promise, masigurado ko lang na maayos na sila hanggang kay Xia, susunod agad ako. Mahal na mahal kita, Cass. Mahal na mahal.”

Hinalikan ko ang kamay nya at labi. Ito na ang huling beses kong maipadadama ang pisikal kong pagmamahal sa kanya.

***

“...she's the best mom. We're very lucky to have her. A beautiful and very lovable mom. In the short time we spent with her, I must say that was the very important part of our life. Mom if you hear me now, guide us and bless us always. I love you mom. Dad, Dara, Drei, Xiara will always love you. Forever mom...forever.”

Bumaba na si Xander matapos magbigay ng speech para sa aming pamilya. I'm holding Drei. He's still can't believe that his mom left her. Lumapit sa akin si Xander pagkababa sa stage at yumakap. He burst into cry in my arms.

Napakabigat sa damdamin ng tagpong ito. 'Yung ihahatid namin ang pinakamamahal naming tao sa hihimlayan ng katawan niya.

“Dade! Ba't nag-iiyak kayo?”

Xiara, wala na ang mommy mo. Hindi mo na sya makikita baby.

“Dad!” si Dara, yumakap rin siya sa amin habang buhat ang bunso namin.

As the time we settled my wife's coffin. Someone's cry break our hearts. It's Xiara. Inaaway nya ang mga taong nagtatabon ng lupa sa coffin ni Cass.

“My mame can't breath. Don't put that!” pigil nya. Hindi ko pa kasi naipapaliwanag sa kanya ang lahat. We just told her that her mommy is sleeping.

“Xia...” awat ko sa kanya at binuhat siya palayo roon. Nilayo ko siya ng kaunti sa lugar na 'yun. Pero dinig pa rin namin ang iyak ng mga tao sa tent.

“Dade si mame...nitatapunan nila ng lupa!”

“Ssshhh...Xia, daddy will tell you something.” ipinilig ko ang ulo niya sa dibdib ko.

“Ano po 'yun?”

“Mommy's not going back.”

“She's there lang. She's sleeping lang. Put me down! Put me down! I'm going to wake my mame...” nagsimula ng siyang pumalahaw sa iyak. Nagkukumahog na rin ito at gustong bumaba.

“Listen to daddy first, baby!” pigil ko ulit sa kanya. “Your mom is not sleeping, she already dead.”

“You're lying! I hate you. My mame promise me. Hindi nya ako iiwan.”

“I'm sorry. Hindi na kasi kaya ni mommy 'yung pain.”

“But dade...why she didn't tell to me that she's leaving me?”

“You will know someday, okay? Daddy will tell everything to you.”

Yumakap siya sa akin at umiyak na naman ng umiyak. Sino bang may gustong mangyari 'to? Kahit ako 'di ko matanggap. It's really breaking my heart. Ano pang magagawa ko. Mas maganda na 'to kesa makitang nahihirapan sya sa sakit.

Cassandra, I love you. Goodbye hon!

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now