Chapter Eleven: Complete

31.7K 657 5
                                    

ANDREI

Matapos kaming kumain ng almusal ay nag-ayos na kami. Inuna naming paliguan ni Cass ang kambal. Sa kanya si Dara, samantalang sa akin naman si Xander. Napatagal pa nga sila dahil gusto ni Dara na ipitan siya ni Cass. Mabuti na lang at madaling ayusan si Xand. Kaunting papogi lang, ayos na.

"Are you ready hon?" tanong ko pagkapasok sa kwarto namin. Nang mapaharap siya sa akin ay namangha ako sa hitsura niya. She's wearing a yellow floral dress. Lumitaw ang kagandahan ng katawan niya at kaputian. Putek! I felt my buddy down there twitched.

Umayos ka Andrei! Pupuntahan nyo pa ang anak nyo. Sabi ko sa isip ko. I calm myself before akong lumapit sa kanya. Anak ng teteng naman kasi! Bakit ba ang ganda-ganda at sexy ng asawa ko? Ang swerte ko talaga.

"Are you okay Andz?" tanong niya. Tumango lang ako at hinalikan siya sa noo. Sa totoo lang hindi, kinakabahan ako. Na baka hindi ako magustuhan nung bata. Nakwento niyang close na close raw si Dace at ang anak namin. Paano kung mas gustuhin nung bata si Dace? "Don't worry magugustuhan ka nun!" sabi niya. Aish sana nga! Hinawakan ko ang kamay niya at bumaba na kami.

Nasa sasakyan na ang kambal. Nakabusangot si Dara, samantalang si Xand ay tuwang-tuwa. Magkakaroon na daw siya ng kalaro.

"Why you sad Dara?" tanong ni Cass habang kinakabit ang seatbelt niya.

"Para kasing tanga si Xand, tuwang-tuwa porke't may little brother na kami. For sure 'di nya na ako gustong maging playmate. Sila na lang ang maglalaro!"

Nagkatinginan kami ni Cass at sabay na napangiti. Nagsimula na akong mag-drive. Sinabi nga pala ni Cass na taga-rito rin sila, sa bandang dulo nga lang at malayo 'yun mula rito sa bahay namin. Gusto nya raw na kahit paano ay nakikita nya kami ng anak namin. Nagalak ako ng malaman 'yun. Ibig sabihin kasi nun ay mahal nya talaga kami.

"Don't worry baby! Si mommy na lang ang makakalaro mo. Gusto mo bang tulungan si mommy kapag magluluto o magbe-bake ako?"

Agad na nagbago ang ekspesyon ni Dara. Napalitan ng saya ang busangot na mukha niya.

"Is that true mom? You'll gonna teach me?" masiglang tanong nito. Tinanguan siya ni Cass. Panay ang palakpak ni Dara.

"Your the best mom. I love you mommy!"

"I love you too. And Xander too. I love the both of you."

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. This is my dream life. Hinawakan ko ang kamay ni Cass. I intertwined our finger. Napangiti na lang sya at sumandig sa balikat ko.

“And I love you too...” bulong nya. Napahigpit ang hawak ko sa kanya. How I love this woman. I kissed the back of her hand.

“I love you more...”

Maya-maya pa ay nasa street na nila kami. Tinuro nya ang bahay nila na kulay Mint. Nagsimula na namang dagain ang dibdib ko. Malapit ko ng makita ang anak ko.

Hininto ko ang kotse sa harap ng bahay nila. Ang daming katanungang naglalaro sa isip ko pero nawala 'yun ng magsalita si Cass. She gave me a reassuring smile.

"Don't be nervous hon. He'll gonna like you!"

Tumango na lang ako. This is it! Wala ng urungan! I need to see him. My youngest son.

Bumaba na ako ng kotse at pinagbuksan ang mag-iina ko. Cass hold Xand's hand as they're walking to the gate of the house. Si Dara naman ang humila sa akin papasok. Bago pa man kami makapasok ni Dara sa gate ay may napansin akong pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay na 'to. Sa kapatid ko 'yun, kay Adrian.

Maya-maya pa ay narating na namin ang bahay nila. Bumungad sa aming pandinig ang umiiyak na boses ng bata. Nasa sala ito buhat ni Dace at inuugoy-ugoy pa.

Siya na ba ang bunso namin?

“I'm home!” sabi ni Cass. Agad na napatingin sa direksyon namin ang bata. I amazed. It's like I'm looking at myself when I was four. Magkamukhang-magkamukha kami.

“Mommy~” iyak nung bata. Agad na lumapit si Dace kay Cass para ipasa rito anak namin. Siguro miss na miss nya na talaga ang mommy niya. “S'an ka galing? Tagal kong naghintay sa'yo mom. I can't eat and sleep because of thingking of you.”

“Sorry kung pinag-alala ka ni mommy ha! It won't happen again baby.”

“You should've called us using your phone. Papa and I were so worried to you.”

Matatas magtagalog at mag-ingles ang anak namin. Mukhang matalino siyang bata. Pinanuod ko lang ang mag-ina kong magkayakap mukhang miss na miss nila ang isa't-isa.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Pero napako ang tingin ko sa lalakeng papalabas ng kusina. Inaayos nito ang pancake kaya 'di nya pa kami napapansin.

“Xandrei, this is your fo—KUYA!!!” at nang mag-angat ito ng tingin ay napasigaw siya ng makita ako. Kaagad na nangunot ang noo ko.

He knows Xandrei, and he's keeping it to me.

“How long you'll gonna keep this to me?” may bahid ng galit na tanong ko.

“Ah kuya...ano kase...”

Mukhang 'di nya alam ang sasabihin.

“We will talk, later!” may diin kong sabi. Feeling ko tuloy ngayon lahat na lang ng tao ay pagsisinungalingan at pagtataguan ako ng sikreto. Napatingin ako sa mag-ina ko.

“Mom, who are them?” tanong ng bunso namin ni Cass. My expression immediately soften. My son.

“Your daddy, tsaka ang ate Dara at kuya Xand mo!” at iniharap ni Cass sa akin 'yung bata. I smile to him. Nagpapasag naman siya sa pagkakakarga kay Cass kaya binaba siya nito. Pagkababa niya ay agad 'tong nagtatatakbo papalapit sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap tsaka kinarga.

“Daddy ko!” sabi pa niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tuloy-tuloy 'tong dumaloy pagkabuhat ko sa kanya. Putsha! Ang sarap sa pakiramdam na mayakap mo ang anak mong parang buong buhay inagaw sa'yo ng tadhana.

Bahagyang humiwalay siya sa akin at pinunasang ang luha ko gamit ang maliliit niyang kamay. “Daddy why are you crying. Are you not happy to see me?” tanong nito. Umiling ako at hinalikan siya sa noo.

“I'm very happy to see you that's why I cry!” sabi ko at mas yinakap pa siya.

Matagal kong yakap yakap lang ang anak ko. Madami siyang tinatanung na kung-anu ano. Madaldal siya. He's totally a mini-version of me. Naalala ko, ganyang-ganyan din ako nung bata pa ako kay daddy.

Naging malapit rin kaagad siya sa mga kapatid niya. Lagi nga siyang nakadikit kay Xander. Nasa sala sila ngayon at naglalaro. Nandito naman kami ni Cass, Adrian at Dace sa kusina.

Bwisit na bwisit talaga ako dito sa kapatid ko. Paano nya nagawang ilihim 'to.

“Care to explain Adrian!” sabi ko.

“Kuya nung isang araw ko lang nalaman ang totoo! Nakita ko sila sa party pagkaalis nyo ng kambal.”

“I don't care kung kailan mo nalaman. You should have told me. For pete's sake. I'm your brother here.”

“Pinakiusapan ko s'ya. Baka kasi madamay ang mga bata sa galit ng ate mo!” singit nitong bwisit na si Dace. Isa pa 'to! Nakakabwisit rin.

Sa totoo lang gustong-gusto kong bugbugin ang gag*ng yan! Siguro nga kung 'di ko pa alam ang totoo malamang nakabulagta na 'yan kanina pa.

Inismiran ko lang silang dalawa.

“So what's your plan?” tanong ni Dace.

“Sa ngayon wala pa. Gusto ko munang bumawi sa anak at asawa ko.”

Totoo 'yun. Wala pa akong nabubuong matinong plano. Kung meron man, samin na lang ng asawa ko 'yun. Ayaw ko ng may madamay pa. Aayusin namin 'to ng asawa ko.

“Paano kapag nalaman 'to ng ate mo Andrei?”

“I'm still thinking about that...” sabi ko na lang.
***

TBC, XOXO!

[03.04.15]
Sushi ︶︿

Comeback To Me WifeWhere stories live. Discover now