K1SSES LAW: First Impression [40]

29 2 1
                                    

• KISSES •

Bago kami bumalik sa Zambales, I contacted tito Ernie. And he already got the results sa pinapahanap kong Moonstar Shipping.

"The owner of Moonstar shipping Company, was under the name of Alfredo Ramirez. Isa ito sa dating shipment ng Oracle."

"And they are back in business?"

"Yes. They are back."

"Seems Hades is not apprehend yet? Is it because walang ebidensya? Kahit umamin na si Mark?"

"Hindi kasi sapat ang statement niya. Kaya nga hinahanap natin si Jonne para alamin ang totoo. Pero, dahil namatay siya.. Hindi na natin siya mapapahuli."

"Kumusta naman po ang kaso ng Oracle? Force close po ba ito?"

"Yes, Kisses the case was closed. Nag file na kami ng proposal dito, to re-open the case. Lalo pa at ang moonstar shipment ay pumapayag sa illegal shipping na galing sa Oracle. Like, nalaman namin may shipment sa Roxas Boulevard. Pero, naabutan lang namin ang mga kargamento. We are waiting sa ibababang result. Kapag pumayag sila, gagawin ko ang lahat mahuli ang kaanib ni Gabriel."

"Maraming salamat tito. Maaari ko bang sabihin ang impormasyon na ito sa nakilala kong inspector?"

"Who is this?"

"Lorenz brother, Fredrick Tom Garcia."

"Ah. One of our men, he is also part of Napeleon Agency. Siya nagsabi ng operation tungkol sa shipment."

"Thank you, tito."

"No problem, Mark is safe. So, don't worry about it."

Pagkalabas ko sa k'warto, nakasalubong ko na si Fredrick.

"Fred, I have updates." seryoso kong sabi.

"Really? A-anong sinabi?"

"Kaya mo naman lutasin, bakit pinasuyo mo pa sa akin?" natawa naman siya dahil he gets what I'm pointing.

"I told you, p'wede naman ako." Sabi niya pa.

"Itigil mo 'yan." suway ko sa kan'ya.

"Anyway, Alam ko naman sino may hawak ng Moonstar shipment. Gusto lang kita makausap." nakangiti niyang wika.

"I can call you naman, since you and Lorenz are fine." sabi ko.

"Yes, I guess I have to thank Moises what he's done." natatawa niyang sabi. Natanaw ko naman si Lorenz, papalapit sa amin.

"We have to go. And I need to prepare my gown for the Cristina Fall Night, next week." sabi ko kay Fredrick.
Nilahad niya ang kan'yang kamay, agad ko naman itong tinanggap.

"See you again, Kisses." nakangiti niyang sabi.







Nandito ako sa isang gown shop. It's been one day ago after the incident sa Manila. Tila, walang aksyon na ginagawa sa ngayon sina Gabriel at Hades. Pero, iba nararamdaman ko.

"Have a break, okay. Kuya Ernie are doing everything, to protect you." Sabi sa akin ni Lorenz, dahil kanina pa ako tahimik.

"I can't relax. Any moment, baka may umatake sa atin."

"Calm down! Maybe Hades can protect you." Sabi niya habang tumitingin ng gown, para sa akin.

"Wow! Sounds you gaining trust on Hades."

"No, Kisses. Alam ko naman na ikaw ang mundo niya. Kaya ano man ang mangyari sa'yo, he will find a way to take some revenge." aniya.

"Like what he did to Marylene and Francis." dagdag niya pa. At kumuha siya ng gown na nakasampay. 

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now