K1SSES LAW: The Goddess Reaper [11]

67 4 0
                                    

•KISSES•

It's another day of December, sumilip ako sa bintana and all over the field had a snow. Charot. May machine kasi na snow. Binubuksan kapag sasapit ang hapon. Ang gara naman 'di ba. Sabi kasi, mas mae-enjoy raw ng students ang pag-aaral kapag may snow.

Tinawagan ako ni Melody, at sinabi niya na nasa kustodiya pa rin siya ng police. Hindi siya maaaring pakawalan, dahil nasa labas pa si Erin. Sinabi niya na nais niya mag drop out sa campus, at mag trabaho na lang sa probinsya. Mas maganda nga 'yon keysa abangan siya ni Erin sa labas.
About naman sa kaso ni Erin, hindi ko na iniisip pa. Alam kong naniwala na sa akin si Lorenz, masaya na ako doon.

Tiningnan ko naman ang kalendaryo na nakasabit sa k'warto. Binilang ko ang petsa.

"Hala! Malapit na 40 days ni tatay." Sambit ko. Saka tiningnan ko ang picture frame ni tatay, nasa Baguio kami that time. Ang ganda ng ngiti niya. Heto ay Christmas season, naisip niya kasi mag bakasyon kami. Naalala ko bigla ang folder, about sa car maintenance ni tatay. Kinuha ko ito sa drawer, at binasa ito.

-There's no conjunction, no neglected parallel, and any malfunction machine, for Mr. William Denzel Luna Fulgencio's Vehicle. This is the request hereby Kisses Jane Luna Fulgencio.-

So, 'di nga siya namatay in accident. Dahil every week, ang alam ko pinapa-check ni tatay ang kotse niya, para 'di siya maaksidente. Ano ba ang nangyari?

Si Danica, tama! Nasaan na ba siya? buhat ng maging junior detective ako. Halos hindi ko na siya nakitang bumalik sa campus. Ang tagal na rin niyang on leave, kumusta na ba siya? Gusto ko sana siyang tanungin, paano niya nakilala si Red Flores. I tried to call her cell, but out of coverage.





Alas-singko ang unang klase ko. Wala naman sigurong magaganap na Kisses law, unless barilin ako ni Erin. Nakausap kaya ni Lorenz ito?

Bago magsimula ang klase, biglang tumawag sa phone ko si Jiggz. At alam ko na ang timpla ng mukha niya, habang kausap ko siya.

"Enjoying the company of Lorenz over me, I am your boyfriend!"

Muntik na ako magmura sa kausap ko ngayon sa cellphone.

"Anong pumasok na naman sa utak mo hah! BOYFRIEND? Kailan?"

"My plan was ruined because Lorenz accompanied you. Thanks to him, I have to set another date with Venus."

"Nagagalit ka na naman kay Lorenz, PAPA BEAR!" madiin kong turan sa endearment sa kan'ya ni Venus.

"Stop calling me that. You're not my daughter."

"Well, it is! You are now, my virtual father. Sige na, may klase pa ako!" bago pa siya makapag react, binaba ko na ang tawag at isinilid sa bulsa ang phone.

"Ano na naman ba pinag-awayan niyo ni Jiggz?" Tanong ni Amber, katabi ko kasi siya at narinig ang usapan namin.

"Nagseselos kay Lorenz." sagot ko.

"Ha? Bakit? Ano ba nangyari sa date niyo?"

"Sinamahan ako ni Lorenz, kasi nag-sorry. Nataon na kasama ako sa date, sumama siya." Sagot ko.

"Ang ganda mo! Feel na feel ang long hair-"

"Tama na!" Sabi ko. Habang tinakpan ko ang bibig niya.



Vacant period, Lorenz contact me for a cup of coffee. Pumayag naman ako at nagkita kami sa Milktea shop. The also serve coffee.

"Lorenz!" kumuway na ako, dahil nandoon na pala siya.

K1SSES LAW [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum