K1SSES LAW: The Home Base [27]

36 2 1
                                    


A/N:
Thank you for reading my stories. Wala talaga akong Alam sa detective story, but I am trying my best to be your favorite writer someday. Hahahahaha. Ang drama! Basta, maraming salamat. Enjoy, Reading!





•KISSES

Kinontak ni Ruth, sina Grace, at Darwin. Nakita na rin namin ang paglabas sa bangkay ni Mildred. Lumapit ako rito, at marahan kong binuksan ng bahagya. Pero agad ko itong binitawan, dahil sobrang wasak ang mukha niya. Bakit grabe ang ginawa mo?

"Taga saan ba ang mga teacher na iyon?" tanong bigla ng police kay Ruth.

"Malapit lang silang pareho. Pero, si Grace po nakatira lamang sa kabilang barangay."

"Si Darwin naman, taga Alvarez pa." sabi niya pa. Ang Alvarez ay kabilang Street na med'yo may kalayuan sa Alonzo High. Isang jeep, bago marating ni Darwin ang eskuwelahan.

Maya-maya dumating na si Darwin. Napakunot ang noo niya, at sa akin siya unang napatingin.

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin.

"Ruth, called me.. Dahil nawawala si Mildred.." Sabi ko.

"And now? Anong kinalaman ko dito?" he asked again. Magsasalita na sana kami, pero

Pagkatingin namin sa kalsada, natanaw na namin si Grace, na kakababa lang sa tricycle. Tumakbo ito papalapit sa amin.

"Good afternoon, bakit po ako pinatawag?" Sa mahinanong tanong ni Grace sa police.

"Magandang hapon rin po, ayon kasi sa saksi. Kayo raw dalawa ang huling umuwi nang biyernes ng gabi. Maaari ba naming malaman ano ginagawa ninyo sa ganap na alas sais ng gabi?"

"Tinatapos ko po ang one week lesson plan ko, para bukas. Hindi kasi ako gumagawa sa dorm, dahil maaga ang lights off." Sagot naman ni Grace, at sinulyapan kaming nakapaligid sa kan'ya.

"Kayo po?" baling naman nila kay Darwin.

"Umuwi ako mga alas sais." Sa kalmado niyang sagot.

"Napansin niyo ba si Mildred Rivera?"

"No, I didn't noticed her." Sabi pa ni Darwin.

"Ikaw po?" Baling ng police kay Grace.

"Hindi ko rin siya napansin." Sagot niya pa.

"Anong oras naman kayo nakauwi? Ms. Grace?" Tanong pa ng police kay Grace.

"Mga alas nuwebe. Dahil rush hour 'pag friday." Sagot ni Grace.

"Maybe, one of her student here did that." Komento ni Darwin. Napatingin naman ako sa kan'ya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"English teacher si Mildred dito, Kisses." Si Grace ang sumagot.

"But according to this, Detective-" sabay turo sa akin.

"ang ginamit na murder weapon, ay baseball bat. At sakto! Kayong dalawa, ay teacher sa MAPEH. May sport ba kayo na may kinalaman sa baseball?" tanong ni Basher police.

"Yes, We have." Si Darwin sumagot.

"Can they examine the baseball bat?" Ako nagtanong.

K1SSES LAW [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz