K1SSES LAW: Unhappy Joy [45]

31 2 2
                                    

• AUTHOR •


"Nagustuhan mo ba ang date natin?"

"Oo naman. Pero, baka magalit ang jowa mo."

"I told you, open relationship kami." Napangiti na lamang si Monica, at hinalikan siya ni Rafael. Pagka bukas ng pinto ni Monica, nagulat ito sa nakaupo sa couch.

"Joy?!" Gulat na wika ni Monica. Lumapit si Rafael kay Joy, at hinalikan niya ito sa labi. Pero, malamig na tinugunan ito ni Joy, na naramdaman ng lalaki. Tinitigan niya si Monica at marahang lumapit sa dalaga.

"Sa tingin mo, mapaghihiwalay mo kami ni Rafael? Pang Ilan ka na ba? Ah! Pang lima ka na niya."

"Rafael sabi mo open relationship kayo?" sambit na lang ni Monica.

"Let me explain, Monica–"

"Oh! He said that also sa limang babae niya! Rafael always gets bored. Hinahayaan ko lang siya maburyo, dahil alam kong sa akin siya babalik." matapang na turan ni Joy.

Nagsimula na ring lumuha ni Monica, and Joy went closer at her.
At pum'westo ito sa likuran niya.

"You really don't know who we are. And you really don't know who he is." bulong ni Joy sa kan'ya.

"Joy.. I'm sorry.. I didn't mean too–"
Hindi namalayan ni Monica, na naglabas ng kutsilyo si Joy. Nagulat naman si Rafael, pero mabilis ang mga kamay ni Joy, at itinarak ito sa tagiliran ni Monica. Napanganga na lamang si Rafael sa inasal ng kan'yang nobya.

"Whoah! What kind of action is that?!" natatawang komento naman ni Rafael. Pero, mabilis namang nakalapit si Joy, sa nobyo at tinutukan niya ito ng kutsilyo.

"Sawang-sawa na ako sa pambababae mo!! At Sawang-sawa na rin ako pagtakpan ang mga krimen na ginawa mo!!" mangiyak-ngiyak na turan ni Joy sa nobyo. But Rafael, chuckled. And he grab the knife and pushed Joy to the ground.

"Pinatay mo si Monica, dahil nagseselos ka?!" Natatawang tanong ni Rafael sa nobya.

"Pinatay ko siya, para sa'yo! Ilang babae na ba ang binuntis mo? At lahat sila, ginagawan ko lang ng paraan. Dahil ayaw mo magkaroon ng problema, sakaling malipat na sa'yo ang kompanya!" Paliwanag naman niya.

"Is that it?! You're tired because I'm a womanizer?!" he scoffed.

"Lahat tinitikman mo! Lahat iniiwanan mo ng punla! Nakakapagod ka! At hindi ko na kaya!! The only option to stop your seed, we have to kill the plant!" Gigil niyang sabi. But Rafael laughed and he stared his girlfriend at dinuro pa niya ito gamit ang hawak na kutsilyo.

"So, Ano gagawin mo? Iiwan mo na ako? You can't! Remember your life depends on me!"

"Not anymore! Hindi mo na ako matatakot. Matagal ko na dapat ginawa ito, pero kinuha mo na sa akin si Rafael.. Hindi mo na rin ako nirerespeto!!" sigaw niya dito.

"Hindi mo talaga mahihigitan ang kakambal mo!! Kung nabubuhay pa siya–" nagpanting ang teinga ni Rafael, nabitawan niya ang kutsilyo at mabilis namang hinawakan ni Rafael, ang leeg ni Joy, at hinigpitan ito.

"Wala ka nang silbi sa akin, Joy! Nakuha ko naman na ang kompanya, nasa akin na ang anumang mayroon si Rafael, kaya Tatapusin ko na ang paghihirap mo!" Na tila nasaniban ng sampung demonyo.

"Hayop.. Ka.."

"Walang makakaalam na ako ang tunay na Renzo! At ang pinatay ko sa condo, walang iba kun'di ang pinakamamahal mong si Rafael. Kung pinili mo ako, gaganda sana ang buhay natin!"

"Si Rafael.. Ang t-totoong Rafael ang mahal ko.." na unti-unting hinigpitan ni Renzo ang paghawak nito sa leeg ng nobya.
Nakita na lamang niya ang pagtirik ng mga mata ni Joy, at binitawan na niya ito. Marahang napatayo si Rafael, at hinihingal na minamasdan si Joy.

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now