K1SSES LAW: Hades Claws [14]

53 4 0
                                    

•KISSES•

Walang kamatayang.. "Whenever I see girls and boys." Ang naririnig ko sa mga speaker ng L.D.U. Malapit-lapit na rin ang pasko, pati rin ang 40 days ni tatay. Magpa file siguro ako ng hometown visitation pass, para mabigyan ako ng ticket. Para mabisita ang tatay ko.

Nagtungo na ako sa Auditorium para umattend ng music class. Yes! Nagkaroon kami ng music class, pagpasok ng second semester. Every Monday naman ito, at hanggang 3rd semester magtuturo ang professor namin na dalawang beses pa lang namin nakikilala.

"Good morning class, I am your music instructor, Mr. Paul Roswell. And I am going to teach you about tracking notes, from the lyrics we are hearing. Are you familiar with the song.. My way?"

"Kanta po ni Frank Sinatra?" Isang taga Erudite house ang sumagot.

"Two points for Erudite house. Sinasabi nila na kapag kinanta mo ito, mamamatay ka. Why? Hindi raw kasi nila ma-reach ang note ng mga kumakanta." paliwanag ni professor Roswell.

"Now! Let's jump for the lesson. Tracking the notes. Paano ba nila ginagawa ito?"

Ni-rotate ni professor ang white board pababa, at may mga nakapaskil na music note.

"Ginagamit ang mga notes as the killers music. Hindi naman lahat ginagamit ang songs, to track the culprit. They using this to attract, their next victim. Pero hetong papatugtugin ko, you have to listened carefully, because I will given you all the test." Naupo naman si professor sa harap ng piano. At nagsimula ng magpatugtog.

"This is Beethoven music." So far, Hindi ko alam pinapatugtog ni sir Paul. Pero natigilan ako sa sunod niyang pinatugtog. Minamasdan ko, ang pagtipa niya sa piano.

Hanggang sa natapos ito, at ang daliri niya ay lumapat sa black tiles. Habang tumatagal ang matinis na tunog, naalala ko ang nagpakilala sa akin. Sino ang other side ni Ivory?
But, out of the blue, professor Roswell explained the white and black keyboard on the piano.

"Trivia class.. Alam niyo ba na ang white tiles na ito, or white keyboard ay gawa sa Ivory. At ang black keyboard naman ang tinatawag na Ebony. Actually, it was just a natural key. But, commonly known them for Ebony and Ivory." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Not until I searched the Ebony and Ivory on Google, and a song lyrics appears.

"Ebony and Ivory live together in perfect harmony
Side by side on my piano keyboard, oh Lord, why don't we?"

And that's it! I got it! I already got it! The other side of Ivory was Ebony! The person who called, the person who was standing in the hallway, was Ebony!

Ibig sabihin, dalawa ang tauhan ni Hades! Sina Ebony at Ivory. Pero paano ko sila hahanapin?

Natapos ang klase ko, kinontak ko si Lorenz to share my thoughts, about the person na nakausap ko nakaraan.

"Ibig sabihin, ang taong nakita mo na nakatayo sa Amity hallway, ang taong tumawag sa'yo, na gamit ang phone ni Erin ay si Ebony?"

"Maybe Ivory is the person who let me sleep in the hallway!" Ani ko.

"What do you mean?"

"Hindi mo ba naalala ang sinabi sa'yo ng Janitor? Dalawang gateseeker ang kumausap kay John Cristobal. Ibig sabihin, sila ang Ebony and Ivory!" sabi ko sa kan'ya.

"Then you have to talk with Jiggz. Maybe he could help you." suhestiyon niya.

"In that way, mapapadali natin ang pag hahanap sa dalawa." Napatango naman ako sa suhestiyon niya.

Hindi na sumama si Lorenz sa akin, alam niya ano mangyayari. Pupuntahan ko na sana si Jiggz sa CCTV room when I saw him talking with Athena. Humahaplos pa si Athena, kay Jiggz. Napailing na lamang ako. Hindi muna ako lumapit, at iniwan muna sila saglit.

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now