K1SSES LAW: Mastermind's Silhouette [12]

72 4 0
                                    

•KISSES•

Kakabalik lang namin ni Lorenz sa campus, and it's past 7pm. Nagpaiwan sa crime scene si Gabriel, dahil may tatapusin pa sila. Lorenz looked pale, and sad, but he kept smiling.

"Ayos lang naman umiyak, Lorenzo." Sabi ko.

"Paano natin hahanapin si Hades?" Heto ang tanong niya.

"I need to know sino ang bumisita kay Erin." sabi ko sa kan'ya.

Bigla akong natahimik, dahil naririnig ko na naman ang ringtone, na narinig ko sa recorder na naiwan sa k'warto ni Erin.

"What's wrong?"

"Naririnig mo ba 'yon?" Sabi ko sa kan'ya. Aligaga ako sa paghahanap kung nasaan ito.

"I don't hear anything." Sabi niya.

Ako naman pinilit kong hanapin saan nagmumula iyon.
Hanggang sa naglaho na ang kanta.

"What is it?"

"I heard the ringtone. 'Yong ringtone na iyon. parang narinig ko somewhere sa isang game." Sabi ko pa.

"You mean, sa piano tiles?" Napatingin ako sa kan'ya. At nilabas ko ang cellphone ko. How Hades knew I played piano tiles?

"Kailangan ko ma-unlock lahat ng songs. Wala dito ang naririnig ko."

"Mabuti pa, magpahinga muna tayo. Med'yo masama pakiramdam ko ngayon." sa malungkot niyang sabi. Tumango ako and we parted ways.

Papasok na sana ako sa k'warto ko, when I heard the tune again. Mas malapit siya, kaya napatingin ako sa gate ng Amity. And the silhouette of a man, standing. Marahan akong pumasok para lapitan siya, nakatayo kasi siya sa spot na walang ilaw. Ang nakakapagtaka, walang tao that time. Habang papalapit na ako sa kan'ya, my phone rang. Unknown caller, and I saw him holding a phone.

"If you come closer, your life will be in danger!" in his casual unfamiliar voice.

"Ikaw ba ang nakita ko noon? Standing here at this spot?" tanong ko sa kan'ya habang minamasdan ko siya sakaling makita ang mukha niya.

"Yes, I think."

"Then, tell me.. Why are you standing there?!"

"Just to inform you about Hades."

"You are Hades?" nakita ko ang pag-iling niya. Hahakbang na sana ako pero siya naman ang umatras.

"Hades wants to play a game with you."sagot niya.

"You mean, the game of death?" Sabi ko.

"Exactly.. But why do you keep pushing yourself to solve this case? Hindi mo siya mahuhuli. Unless, he gave us a signal."

"Then, who is Hades?" Tanong ko.

"You will know him soon. For now.." Hinihintay ko sumagot ang lalaki, pero ang tagal niya sumagot. Nakita ko ang pagbaba niya sa phone, at tumalikod siya para umalis. Hahabulin ko sana siya, when felt someone standing at my back lilingon na dapat ako but the hand of a man, with a white cloth cover my nose. And I smell the most dizziness thing.
My vision turned blurry, hindi na ako makagalaw. Napasandal ako sa kan'ya maski ang mukha niya, hindi ko makita. Hanggang sa bumibigat ang talukap ng mata ko at hindi na kinaya ang bigat niya hanggang sa nakatulog na ako.

Namulat ako pero paningin ko pa rin ay malabo. Nasaan ako? Unti-unti akong bumangon, pero inalalayan ako ng isang lalaki.

"Sino ka?" dahil malabo pa rin ang paningin ko.

"It's me, Jiggz!" sagot niya. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko, hanggang sa maaninagan ko na ang mukha niya.

"I saw you fainted in the hallway. What happened?" Sa pag-aalala niyang tanong.

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now