K1SSES LAW: A Ledger To Protect [21]

41 2 1
                                    

AN:

Part one of William Denzel Case.

•KISSES•


Nagmukha tuloy katulong si Lorenz sa bahay ko, dahil alas onse na pala.

"Lorenzo! Umuwi ka na. Anong oras na oh!" sabay turo ko sa wall clock.

"Oh! I enjoyed the general cleaning." natatawa niyang sabi.

"Saglit, mag meryenda ka muna bago ka umuwi."

"'wag na. I'm not hungry anyway. Babalik na lang ako dito." sabi niya pa.

"Sounds good for me. Para maghanap ng impormasyon tungkol sa Oracle." sabi ko pa.

Nakauwi na si Lorenz, ako naman nag-ayos na rin ng sarili para makapag pahinga na.

Pagkapasok ko sa k'warto, nandoon pa pala sa kama ang Nancy Drew book.
Binili ako noon ni tatay ng isang set ng Nancy Drew, written by Hardy boys. Heto kasi ang hinihiling ko sa kan'ya noon, sabi ko gusto ko malaman kung Maa-apply ba sa totoong buhay ang ginagawa ni Nancy Drew, na pag iimbestiga sa mga culprit.

Hindi naman binigay sa akin ni tatay ito personally. Nakita ko ito, sa ilalim ng kama ko. Umalis siya noon, may tumawag sa kan'ya. Nataon na nahulog ang ballpen ko, at gumulong pailalim. Ayun nakita ko nga, nasa ilalim at kakabili lang niya.

Napakurap na lamang ako. Ayokong maiyak, at ako ay papangit.
Kaya, binuksan ko na lamang ang TV, para may kaunting ingay sa paligid ko.
Pagkaangat ko sa aking libro, May nahulog na piece of paper na nakaipit pala doon.

Pagkabuklat ko sa papel, may dots, and dash na nakasulat dito.

-| ••••| •
•••|•|-•-•|•-• | • |-
•-- | •• |•-••|•-••
•-• | •|•••-|•|•-|•-••
••|••-•
-|••••|•
-••|---|---|•-•|-•-|-•|---|-•••
-•••|•-•|---|-•-|•|-•
-| ••••| •
•••|-|•|•|•-••
-•••|---|-••-
•-- | •• |•-••|•-••
--•|•|-
•|--|•--•|-|••|•|-••
••|••-•
-|••••|•
-•-•|---|-••|•
•••|•--•|---|-•-|•|-•

-•--|•••-|--•|--••

was originally used to encrypt the Hebrew alphabet.

★ the second letter of the Greek alphabet.

★ the combination are base on the number eight

It's morse code.
Agad akong tumayo, lumipat sa study room ni tatay, at naghanap sa shelf kung may books of cipher na naitabi si tatay.

Nakita ko sa shelf, ang scrapbook journal na naglalaman ng codes and ciphers. Binuklat ko ang libro at napatigil sa morse code.

"Dinala sa hospital Ang Landers Detective University Dean, na si Raymond De Leon. matapos ito mabaril ng hindi pa kinikilala na lalaki.."

Napahinto ako sa pagbuklat, nilakasan ang volume para marinig ko ang nangyari.

"Heto ay naganap habang nagkakaroon ng year end party, sa residente ng De Leon. Ayon sa mga saksi, nang galing ang putok ng baril sa rooftop sa kabilang bahay. Hindi pa nila matukoy ang dahilan, at sino ang bumaril dito."

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now