K1SSES LAW: Where Is Amber? [23]

39 2 1
                                    

A/N:
Last Part Of William Denzel Case.

KISSES

"P-paano?!" Tanong ko pa sa kan'ya.

"Siya tinawagan ko, dahil nakita ko number niya sa contact list page ng N.B.I. Nakipag kita ako sa kan'ya, pero nagulat ako kasama niya si Gabriel." mangiyak-ngiyak niyang kuwento sa amin.

"Tinatakasan ko si Gabriel, dahil kay Delta. Nagtago muna ako sa Manila, Umamin sa akin noon si Red na si Delta ang pumatay sa tatay mo.."

"Kaya ba ganoon sabi mo sa akin, na hindi ko basta-basta mapapahuli ang pumatay sa tatay ko, dahil malakas siyang tao?!" mabilis siyang napatango.

"Ayoko kasing matulad ako, matulad tayo kay Red! Kaya, sinabi ko iyon! Pero gusto ko bigyan ng katarungan at hustisya si Red, Kaya nagpasya ako na magsumbong sa police.. "

"Dahil nararamdaman kong hindi ako safe sa Manila, kinontak ko ang Napeleon agent.."

"Kaya lang, pinahamak ko lang sarili ko! Dahil ang agent na 'yan, tauhan na pala ni Gabriel!" mangiyak-ngiyak niya pa ring sumbong sa amin.

"Dinala kami sa Bulacan, sa lumang bahay. Hindi ko alam kung kanino 'yun." naiiling pang turan ni Danica.

"Kay Andrei Lopez ang bahay na iyon." Si Ernie ang sumagot.

"Si Leah? Kumusta siya? Nasaan siya?" Tanong niya.

"Nasa katabing k'warto, Danica. Binabantayan na namin siya." si tito Ernie sumagot.

"Si Leah.. Naaawa ako sa kan'ya, siya kasi pinahirapan ni Delta..
Umamin sa akin si Leah, na pinapamanman ako ni Delta.." komento pa ni Danica.

"Naalala ko nga na sinabi niya 'yon sa akin.." Ani ko.

"Dahil ako ang huling kasama ni Red, nagpadala ng sulat si Delta sa kan'ya na bantayan ako. Kung mayroon ba akong sasabihin sa'yo!" dagdag niya pang kuwento.

"Simula kasi magbago ng dean ang L. D. U, nagkaroon bigla ng tuition ang campus." sabi pa sa akin ni Danica.

"Totoo pala ang sinabi ni Leah!" komento ko pa. Napatango naman si Danica

"Nagpasya na lang si Leah na umalis sa Lander, hindi naman na niya afford lahat! At ayaw talaga niya maging detective, pero heto raw ang kagustuhan ng Lolo niyang dating detective." paliwanag pa sa amin ni Danica.

"Pinagtataka ko, paano natunton si Leah?" tanong pa ni Danica.

Maski ako nagtataka paano napasakamay ni Delta si Leah, hanggang sa naalala na binigay ko kay Alphert, ang cellphone number nito.

"Aksidente kong nabigay kay Alphert ang number niya, Marahil natawagan niya ito para ilagay sa pangangalaga." sagot ko.

"Ayon nga sa kuwento ni Leah, bago namin siya iwan sa k'warto.. May tumawag sa kan'ya.. At binanggit ang pangalan mo!" si tito Ernie sumagot.

Tumingin naman ako kay tito.
"Mapapahuli ba natin si Alphert? Tito?"

"Hinihintay pa namin ang response kay chiffon, pero nagpadala na kami ng mga agent sa bahay nila." Aniya.

"Akala ko, mapagkakatiwalaan si tito.. Ang galing niya magsinungaling!" bakas sa pahayag ko ang gigil kay Alphert the Magician.
Napaka galing mag-magic ng ugali.

Nagpaalam na muna kami kay Danica. Hinawakan ko ang kamay niya, at napangiti siya sa akin.

"Well, Kisses.. This case about your father is getting foreseen." sabi ni tito Ernie sa akin, med'yo marami na ang tao sa hospital dahil na rin sa mga napuputukan ng pla-pla, kwitis, at iba pa.

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now