K1SSES LAW: Ghost Writer [26]

49 2 2
                                    

A/N:
Forda revision ang inyong lingkod. Thank you, for reading kahit ang daming mababago. Hihihi







•KISSES•

Hanggang sa pag-uwi namin ni Lorenz, sa L.D.U, napansin niya ang pagiging tahimik ko. Ewan ko, parang naguilty ako sa pagpapahiya kay Darwin.

Sa k'warto ko, dalawang oras na ang lumipas. Napatingin ako sa pintuan, dahil may kumakatok rito. Tumayo ako para buksan, si Lorenz na nakangiti sa akin. May dalang paper bag, maybe is a bunch of food.

"Let's go for a walk." Pag-aya niya sa akin.

Nilalakaran namin ang hallway ng Dauntless, patungo sa neutral lounge.

"I know what you're thinking, It's about the event happened lately." Saka tiningnan ko siya.

"Kasi naman..." Panimula ko.

"Hindi ko naman talaga alam, ano kinakagalit niya sa akin. Wala akong ideya ano ba ang rason, bakit siya nagalit!" Naiirita kong sabi.

"Daig ko pa 'yung lalaki na, na-ghost siya, at ganon ang galit niya kapag nakikita ako!" Dagdag ko.

"Arrghh! Nakakainis!" Napahawak pa ako sa ulo ko.

"May I interrupt your ranting situation? Did Darwin told you something, about his secret?" Tanong sa akin ni Lorenz. Napahinto kami sa paglalakad, napatingin ako sa kan'ya.

"I mean, a deepest secret. Sa iyo lang niya sinabi, because he knew that you are the most trusted friend of him." Napaisip ako sa sinabi ni Lorenz, ano ba ang 'yung sikreto na sinabi niya sa akin?

"Sabi sa akin ni Grace noon, masyadong personal ito at ayaw niya sabihin- maski kay Grace, ayaw ipagsabi." Sagot ko pa.

"See! It's because, ikaw mismo nakakaalam nito." Sabi niya pa. Tiningnan ko pa si Lorenz at iniisip ang deepest secret na tinutukoy niya.
Until, I got one in my head. Kahit kay Lorenz, hindi talaga p'wede sabihin.
Napatayo ako and I started to jump and snapping my finger

"I have in my head!"

"Now, remember saan kayo nag-usap noon... At saan niya sinabi ito sa'yo?" he asked me again.

"Uhm... Sa isang room?" Sagot ko.

"What room?"

"Laboratory room, sa garden ni ma'am Cabico." sagot ko.

"Who was in there, that time?"

Inisip ko naman sino pa kasama namin sa laboratory noon. Pero, hindi ko ito maalala.

"I don't know, napaka serious kasi ng topic na 'yon. Hindi ko na alam, sino nasa paligid ko." nasabi ko na lang.

"Well, alalahanin mo. Isipin mo, sino ang nakarinig sa pag-uusap ninyo."

"Napaka tsismosa naman nila kapag ganon." Ani ko.

"You mentioned, na-issue kayo sa closeness ninyo. but why Darwin spill his secret sa laboratory?"

"Because that's the safest place for him."

"Na hindi niya alam na may teinga ang lupa, may pakpak ang balita." Sabi niya pa.

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now