K1SSES LAW: Not A Perfect Harmony [15]

46 3 1
                                    

•KISSES•

Kinabukasan, nagpasama ako kay Lorenz at Amber na magpunta kami sa gymnasium. Para hanapin ang locker nito. Wala naman na ring klase masyado, dahil malapit na ang pasko.


Naikuwento ko naman na sa kanila ang lahat. Except kay Amber na hindi yata magets ang nangyayari.

"Akala ko, nasa gateseeker sina Ebony and Ivory. But, when I talked with Jeremy I guess my theory is wrong, Isa sa gateseeker si Ivory. And I knew who is Ebony."

"Then, who's Ebony? Mare?" tanong ni Amber sa akin. Habang papalapit na kami sa pasukan ng gymnasium.

"Our music instructor, Paul Roswell." sagot ko agad.

"Really? How come?" si Lorenz naman nagtaka.

"Sir Paul started to play the tune that I heard sa recorder na nakita ko sa k'warto ni Erin. Namatay si Jeremy sa professor department. Ibig sabihin, isa sa mga professor ang kausap niya..

According to Jeremy, Marami raw tauhan si Hades. At si Paul Roswell ang isa sa mga 'yon. Siya ang hinahanap natin na si Ebony!" Paliwanag ko sa kan'ya.

"Dahil lang namatay si Jeremy sa Professor department, si Paul Roswell na agad? Marami namang profe–"

"Then, marunong ba sila mag piano?" pagputol ko pa sa sasabihin ni Amber.

"Hindi ko maintindihan, anong konek ng Ebony and Ivory sa piano tiles at 'yong tune na sinasabi mo? Hindi mo ba alam Title niyon?" sabi pa ni Amber.

"Hindi ko pa naa-unlock ang mga ibang music sa piano tiles. Kaya dapat natin hanapin ang recorder ni Jeremy." nakapasok na kami sa gymnasium, at nakita namin na may naglalaro ng basketball.

"Pero saan galing ang Ebony at Ivory?" Tanong pa ni Amber.

"Ebony and Ivory, ay kanta ng isang Hollywood singer. Ebony, was a black keyboard. Ang Ivory naman ay white keyboard."
Magiliw ko namang sagot.
Habang binabagtas namin ang Locker room. Pagkapasok namin sa locker room, lumapit ako sa isang lalaki. Bahagya pa itong nagulat.

"Whoah! Kisses! Anong ginagawa mo dito?" sabay takip sa katawan niya. Si Amber naman ay naiilang, medyo hindi sanay makakita ng nakahubad ang lalaki pang itaas. Ako naman, sanay na at hindi na ako bata.

"I'm not interested in your topless body, where is Jeremy's locker?" Tinuro naman niya ang locker ni Jeremy.

Each house kasi, may mga locker ang members. 800 students talaga ang enrolled dito, na dating nasa 2,000 students.

Mabilis kaming lumapit, ni-lock picking ko pa ito, dahil kandado ang ginamit.
Pagkabukas ko, agad naming hinanap ang recorder. Iniangat ang mga gamit niya, hanggang sa isang maliit na hugis oblong, ang nakita kong nakatayo sa sulok. Kinuha ko iyon, at hawak ko na ang recorder.

"I-play mo na." Sabi sakin ni Amber na mimanasdan ko pa.

"Dito talaga? Lumabas muna tayo." sabi ko pa. Pagkalabas namin sa men's locker room, nadaanan namin ang women's locker. Naalala ko ang sinabi ni Leah, may locker din siya. Posible ba na may iniwan din siyang clue para sa akin?

"Bakit?" tanong tuloy ni Amber.

"Uhm.. Mauna na muna kayo saglit, check ko lang kung may available locker." sagot ko sa kanila. Nauna naman silang umalis, ako naman mabilis pumasok sa locker room at hinanap ang pangalan ni Leah.

Medyo mahirap hanapin ang locker ni Leah, pero gusto ko lang makita at kumpirmahin na may pera na iniiwan doon ang Delta na binanggit niya.

Hanggang sa Tatlong Leah, mula sa Dauntless section ang nakita ko. Napailing ako, sino sa kanila? Naalala ko ang room number ni Leah, it must be based on the room number. Her room number was 240, exact what I'm standing ay 240. Coincidence right?

K1SSES LAW [COMPLETED]Where stories live. Discover now