Chapter 12

154 5 0
                                    

Neil's POV

Nung gabing yon..

"Tss.Ganun ba talaga kahalaga ang iniisip ng ibang tao ?"

"Oo nga..Promise hindi ko akalaing ganun si Lin"

Dala ng matinding kuryosidad ko..

 "Hala ganun din pala sya"

"Oo maldita effect lang pareho pala silang malandi ng bestfriend nya”

Isa lang ang sigurado ako.

"Kung makitid ang utak ng kausap mo..Wag mo ng ipagpilitan ang katwiran mo.Dahil hinding hindi ka mananalo.Makitid nga ang utak eh.O ano gets mo na ? Wala ng space sa utak nila kung ano ba ang totoong tama"

Concern talaga si Lin kay Cana.At mabait syang tao kahit di nya pinapakita ito.

Flashback

"Pwede ko ba kayong makausap?" Nung umalis na si Lin,kinausap ko yung tatlo.

"Ah..Steven..Ahm..T-Tungkol saan?"

"Ano bang alam nyo tungkol kay Lin at kay Cana?" Sagot ko.

Nung una nag-hesitate pa silang magkwento pero napakanta ko din naman sila.

"Ahm..Ganto kasi yun.Nung mga Highschool pa lang kami,schoolmates na kami halos lahat dito,kasi sa likod lang ng Campus natin yung Highschool Division." Simula nung isa.Kaya pala ang maliliit na bagay sa kanila eh pinag-uusapan na.

"Hindi pa masyadong pansin si Cana sa school namin non..Si Lin naman,kilala at nirerespeto na dahil sa taglay nyang kakaibang charisma.Ewan namin,kahit kasi may pagka-loner at maldita sya eh,ang taas ng tingin sa kanya halos ng lahat eh.Ewan.Nagbago ang lahat nung nagka-boyfriend si Cana ng limang taong gulang ang tanda sa kanya.13 yrs. Old sya non at 18 yrs’ old naman yung boyfriend nya.Bigla na lang kumalat sa Campus yung picture nila...Ahm...Nakahubad pareho tapos ahm...Si Cana parang ewan..parang high sya sa picture na yun.Yung lalaki naman hindi nakita ang mukha." Pakiramdam ko napako ako nun mula sa kinatatayuan ko.Nagkaron ng ganung klaseng karanasan si Cana sa murang edad nya!Nagagawa nya pang ngumiti sa kabila ng nangyari sa kanya?

 Maraming posibilidad kung bakit nangyari yon diba?Pwedeng dinrug sya.O di kaya ni-rape ng boyfriend nya.Pwededing..uhm..ginusto nila yun tapos may kumuha ng picture nila--"Simula non nandiri at lumayo lahat ng tao sa kanya.Ahm..Kasama na kami don.Eh kasi.. Ahm...Ayaw talaga namin sa mga babaeng ganon"

Hindi na ko nakipagdebate sa kanila para ipagtanggol ang image ni Cana.Kasi miski ako..Hindi ko alam ang totoo.

"Isang beses nagkaprogram sa school namin.Nandun si Lin sa taas ng stage nakaupo dahil representative sya ng section nila.May biglang nangtrip kay Cana at dinala sya sa pinakaharap.Nagsimula itong maglitanya habang si Cana,halos umiiyak na pero walang tumutulong luha mula sa mata nya." Seryoso akong nakikinig sa tatlo.Pati sila seryoso sa pagkukwento.

"Teka..Ahm..Eto hanggang ngayon hindi ko pa binubura tong video.Naisipan ko kasing video-han dati yun eh di ko inexpect na magsasalita si Lin tungkol dito."

Hinanap nya pa sa files ng DigiCam nya yung video.Then she pressed the play button.Naupo kami sa may bench don at seryosong pinanood ang video.

 Tooot.Tunog ng mikropono,

"Tama bang mang-istorbo kayo sa program?Nakakadismaya dahil kahit ang mga teachers walang reaksyon sa ruckus na ito.Kung mambubully kayo ng tao,pwedeng pagkatapos na lang nitong program?Kung ayaw nyo pang matapos to at nang magsiuwi na tayo,AKO GUSTO KO.Kakain at matutulog pa kasi ako" Muntik pa kong matawa dahil sa sinabi ni Lin pero syempre hindi ito oras para don.Tulad ngayon,wala pa ding emosyon ang loko.

"Pero Lin!Panira sa image ng school natin ang babaeng yan!DAPAT PAALISIN NA YAN!KAPAL PA NG MUKHANG MAGPAKITA DITO!"

Kung ano-anong masasakit at mapanirang salita ang binitiwan ng mga tao sa ibaba ng entablado.Lahat sila binabato si Cana ng kung ano-ano.

"Makinig kayong lahat.At pakisiguradong walang nakabara dyan sa mga tenga nyo.Pati sa mga teachers na nakayuko lang dito sa likuran ko.MAKINIG KAYO" Sa boses ni Lin,bakas ang Authority na para bang wala ng karapatang sumagot sa kanya ang kahit sino.Nagsitahimik ang lahat.Si Cana nakatingin lang sa kanya.

"Hindi lahat ng kayang intindihin ng mga tao,AY PURONG KATOTOHANAN.At hindi lahat ng hindi kayang intindihin ng mga tao..AY PURONG KASINUNGALINGAN.Magkakaiba ang limitasyon ng pag-iisip at pang-unawa nating mga tao.May mga bagay kayong kayang intindihin na hindi kayang intindihin ng iba,At may mga bagay kayong hindi kayang intindihin na kayang intindihin ng iba.Siguro nga sa kaso ng babaeng ito,matibay ang ebidensya.Pero wag kayong masyadong magpabulag sa mga ebidensyang nakikita ng mga mata.Lalo na't hindi nyo naman talaga alam ang buong istorya" Hinablot ni Lin mula dun sa lalaki yung isang picture.

"Ang litratong ito ay kapirasong papel lang.Kapirasong papel na ngayon ay sumisira sa buhay nya.Mag-isip nga kayo.Sa litratong ito,Half-Body lang ang kuha.Ibig sabihin,may possibilities na half-naked lang sila.Kung gusto talaga ng kung sino na sirain ang image nya,edi sana piniktyuran nya na sila ng buong-buo para swak na swak ang pagkasira ng buhay ng babaeng to diba.Bat di pa sya kumuha ng close-up pati na rin whole body para masaya.Perohinde,ibig sabihin wala talagang nangyari sa kanila kaya iisa lang ang motibo ng taong ito.Yun ay ang sirain sya.SET-UP ANG LAHAT NG TO.Masyado kayong tanga kung basta-basta kayong maniniwala dito.At para naman sa STALKER ng babaeng to,KILALA MO KUNG SINO KA" May kakaibang pwersang bumalot sa mga katagang binitiwan nya.Natahimik ang lahat na para silang pinaulanan ng maraming pana DAHIL SAPUL NA SAPUL SILA.Si Cana naman,hindi makapaniwala sa mga sinasabi nya.Parang natouch.

"Hala..Stalker daw"

"Hala kawawa naman pala sya,nakakatakot yung mga stalker diba?"

"Oo nga.."

Binato lang ni Lin yung mic dun sa lalaking nagdala kay Cana sa stage.Ito pa yung napahiya imbis na si Cana.

"Tapos ayun simula nun lagi na silang magkasama.Si Lin at Cana.Pagkalipas naman ng ilang buwan nakalimutan na nga ng lahat yung issue.Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung panong nalaman ni Lin yung tungkol sa stalker ni Cana eh"   Sabi nung isa sakin.Pero sa paraan ng pag-iisip ni Lin..hindi yun imposible.

"Thank you sa inyo.Pero sana..wag na din kayong magsalita ng masama tungkol kay Cana.Hindi sya katulad ng iniisip nyo."

End of flashback

Hindi ko lubos maisip na ganto ang nangyari sa kanilang dalawa.

Posible nga kayang...Nagbalik na yung Stalker ni Cana? Bumalik para guluhin ulit sya at sirain ang buhay nya?

Pero ang tanong....

Sino nga kaya talaga yung stalker nya?

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Where stories live. Discover now