Chapter 25

17 1 0
                                    

Lin's POV


Narinig ng taong ito ang lahat ng sinabi ko. Alam na nilang alam ko ang lahat. Hindi na mapigilan ang pag-iyak nya, pati ako naiyak na. Para bang pakiramdam ko, yung puso kong nagkapira-piraso noong four years old pa lang ako, biglang nabuo.

Pakiramdam ko sa mga oras na ito, hindi lang si papa ang nakayakap sa akin, kundi pati si mama. Humarap ako kay papa at yumakap din ng mahigpit sa kanya.

Tama na ang mga pagpapanggap. Kalimutan muna ang ibat ibang klase ng maskara. Dahil sa mga oras na ito, hindi matawaran ang saya na nararamdaman ko.

"Patawarin mo ko anak ko..patawarin mo si papa...*sniff* hindi ko nagawang protektahan si mama mo.. Hindi ko nagawang..ipaglaban ka.."

Our outburst made everyone here cry. Lumapit sila sa aming mag-ama, nakiyakap sa amin at nakiiyak.

First time ito, pero...

Ma, kung naririnig mo po ako.. unang-una pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin kayo. Pero nakikita nyo naman po... Sa kabila ng lahat, sa kabila ng sinasabi nilang 'kamalditahan' ko.. napapalibutan pa din ako ng mga taong nagmamahal sa akin. Isa lang po ang mahihiling ko mama. Sana patuloy nyo pa ding gagabayan si papa. Ayokong pati sya mawala pa. Gusto kong protektahan ang mga taong ito na patuloy na nagmamahal at nagpoprotekta sa akin. Gusto kong suklian ang mga kabutihan nila, sa paraang alam ko.

Gusto ko pong tulungan nyo kaming makamit ang hustisya para sayo at sa pamilya ni papa.

Isa lang ang paraang alam ko.

At gagawin ko yun para burahin sa puso ni papa ang nag-iisang makasalanang bagay na sumira ng buhay nya.



Cana's POV


Ayokong matapos ang lahat ng ganun-ganun na lang.

Katulad nga ng sabi ni Lin... Habulin ko daw yung tumatakbong finish line ko.

Mahirap pala magmahal ng taong sobrang baba ng confidence para ipaglaban ka no? Yung tipong alam mong kahit gaano ka pa nya kamahal, sya mismo alam nya sa sarili nya na hindi sya karapat-dapat para sayo. Kaya ang ending? Ikaw pa talaga yung kailangang mapagod sa kakatakbo maabutan lang yung finish line mo. Asar diba?

Hawak-hawak ko yung piece of paper na nakuha kong address nya mula sa agency nya. Hindi ko sure kung sino yung nakausap ko pero parang kilala nya ko at alam nyang hindi ako kung sinong stalker lang ni Luke. >///< nakakahiya man pero okay lang atleast nakuha ko address nya. Kahit hindi ko sure kung totoo o joke tong ibinigay na address sa akin, makikipagsapalaran pa din ako.

Alam nyo ba yung ikinagulat ko? Dito sa U.S na tadtad ng mga buildings, wala pa yata akong nadaanang building na walang nakakabit na billboard nya. Ngayon ko lang tuloy narealize kung gaano kalaki ang pagitan naming dalawa. Masyado kasi sya eeh. Kung makapagpakilig, to the highest level. Nakalimutan ko tuloy yung lugar ko. Nakalimutan kong isa syang sikat na model, at ako isang normal lang na tao, ordinaryo. Gosh parang nakakalula naman ang pagitan ng mundong ginagalawan nya at ng mundong ginagalawan ko. Sigurado ba talaga ako sa gagawin kong to?

Nasa tapat na ako ng condo unit nya. Inhale, exhale..

Pipindutin ko na yung doorbell, pero pinangunahan ako ng kaba. Inayos ko yung scarf na nakapulupot sa leeg ko. Feeling ko lalong bumababa yung temperature.Ang lamiiig!

"okay tama na'ng excuses." Inhale, exhale.

Ding dong~

Mukha akong tanga. Bigla kasi akong tumakbo palayo sa pinto. As in. Kung 1807 ang room number nya, nakaabot ako dito sa may 1796 unit. Astig no? Joke, exaggerated lang masyado.

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Where stories live. Discover now