HAYTMS

1.1K 18 14
                                    

Bakit may mga taong pilit na pinapaganda yung pangalan nila?Pilit nagfee-feeling maganda?Nagfee-feeling mayaman pa?

Bakit may mga taong pilit nagmamaganda kahit obvious namang pangit sila? Hindi ba pwedeng ako ito, ito sya? Wala namang panget sa mundo, ikaw lang ang nagpapapangit sa itsura mo.

Bakit may mga taong uhaw sa atensyon?Daig pa yung mga tumatakbo sa eleksyon?

Bakit may mga taong ang tataas ng tingin sa sarili nila?Nakaakyat lang sa pinakamataas na bundok kala mo nasa langit na?Pano pag naglandslide?Edi nganga.

Bakit may mga taong pilit nag-eenglish lagi namang TagLish? Ang sagwa pa sa tenga. Yung tipong kala mo kung sinong foreigner na hindi naman maintindihan yung accent nya.

Bakit may mga taong maaarte kahit di naman artista?

Bakit ang epal ko?Sino nga ba ako?

Who knows?Sige na nga.

Linta.Linta Maskulada.

Hindi yan Joke.Yan ang pangalan ko.Kung iniisip mong joke yan,sige magbasa ka pa.

Unang-una,hindi ako Maskulada.Apelyido ko lang yon.O tatawa ka?Sige ka makakatapak ka ng tae mamaya.

Babae ako.Hindi lang talaga ako Girly. Baket, may nakasaad ba sa Philippine Constitution na kung babae ka dapat astang babae ka? Na kapag lalake ka hindi ka pwedeng maging bakla? Wala naman diba?

Hindi din naman ako yung tipong boyish na ewan para lang maging astigin sa paningin ng iba.Gusto ko lang ng tahimik at normal na buhay.

Hindi din ako gangster or what.Normal na tao lang ako.Simple,ordinaryo.Pero hindi kasing ordinaryo ng mga Teenager na kilala nyo.

Wala akong interes sa love life.Hindi ako mahilig sa kahit anong palabas,o mga kinakikiligan ng mga taong fanatics.Hindi ako mahilig mag-gala o lumabas ng bahay. I’m a total shut-in. Hindi ako shoppaholic brat na walang ginawa kundi maglustay ng perang pinaghihirapan ng magulang nila.Hindi din ako mahilig sa mga branded na gamit.Kahit ano okay na sakin.Dahil hindi ako maarte.

Hindi din ako mahilig makipagkaibigan,makipag-chikahan,makipagkwentuhan o kung ano man tawag nila don.

Yung cellphone ko palamuti lang sa loob ng bag.Ginagamit ko  lang pag ako yung tatawag o magtetext,pero kung ako yung tatawagan?Asa ka pang sasagutin ko yan,kahit sabihin mo pang mamamatay na yung kapit-bahay ko sa paghihingalo or what wala akong pakialam.Wag mong sasabihing Heartless ako.San ka naman nakakita ng taong walang puso.

Hindi din ako mahilig sa internet.Mag-facebook,twitter,etc. Lalo naman ang makipag-chat o mag-DOTA.Ayoko sa Acronyms.Sasapakin kita pag nag-Acronym ka.Yung GTG thing,or whatsoever.GTG your face.Tae lang talaga.Wala akong pake kung anong era na.Eh sa ayokong maki-IN eh.Pake mo ba.

Hindi ako trying-hard mag-english o mag-japanese o kung ano-ano pang salita.Pag may alam ako sinasarili ko lang.Hindi katulad nung iba na malaman lang yung ibig sabihin ng Konnichiwa,Aishiteru,Anata no namae wa nan desu ka?Daijobu ka?Annyeonghaseyo,Annyonghijumusseyo,Oppa,etsetera etsetera eh kung makapagsalita na kala mo walking google translator lahat ng kaharap nila.Baduy kaya.Yung mag cho-chotto matte ka para magsabi ng simpleng ‘teka’ sa isang kaklaseng gusto mong makasabay sa paglalakad?O di kaya mag-ka-kamsahamnida o magko-komawo ka bilang pag-te-thank you?O mag-O-Ojama shimasu ka pag papasok ka sa bahay ng kung sino?O mag-I-Itadakimasu ka sa oras ng pagkain sa isang restaurant??Uulitin ko people.BADUY.Masyadong exaggerated.Feeling mo cool ka?Tae mo.Okay lang yan kung yung mga kasama mo eh naiintindihan yung pinagsasabi mo eh. (A/N: Awtzuu naman men nakakasakit ka ah (-3-)‘KJ neto’ sabi ng utak ko ehee. Peace tayo Lin.)

Hobbies ko ang tumambay sa kwarto ko at matulog.Inggit ka?Gaya ka.

Mahilig din akong kumain pero di ako tumataba.Tumaba man ako,wala akong pake kaya dapat wala ka ding pake..Hindi ako yung tipong mag-da-diet para magkaron ng magandang katawan.Pang-maaarte lang yun.Para lang yun sa mga taong gustong mapansin ng iba dahil sa Coca Cola figures nila.Pero depende din sa nag-eeffort at hindi.Kasi yung mga hindi nag-eeffort pero may magandang katawan,exempted na sila sa maaarte.Pero kung yung tipong bawal ka sa matamis,bawal ka sa carbs,bawal ka sa ganito o ganyan,UTANG NA LOOB magbigti ka na lang.Tutal mamamatay ka din naman ng maaga kung ganyan ka ng ganyan no.Ang sarap kayang mabuhay sa mundo na puro pagkain.Ako nga halos nakatira na ‘ko sa refrigerator eh tapos ikaw mag-iinarte ka pa sa pagkaing nakahain na sa harap mo.(A/N:*shrugs* Well, kanya-kanya ng persona at desires sa buhay ang mga tao.ㄟ( =  3 =)ㄏ)

Hindi ako yung tipong body conscious na minu-minutong mananalamin para mapansin ang aking itsura.Hindi ako yung tipong aabutin ng isang buong araw sa pagligo at pag-me-make-up bago lumabas ng bahay.Hindi ako yung tipong halos hindi na matulog para lang pumili ng damit na isusuot kinabukasan.Hindi ako yung tipong magpupuyat para sa mga walang kakwenta-kwentang bagay gaya ng gimik,o party-party,blah blah blah.Hindi ako yung tipong aabutin ng Limang oras sa C.R para lang mag-retouch ng make-up.Hindi ako yung tipong magpapa-cute sa lalaking may itsura tapos titili-tili pa na parang tanga pag kinausap ka nya,o kikiligin sa simpleng ngiti nya.

Hindi ako yung tipong matatakutin,magugulatin o malululain.

Hindi ako yung tipong hahanga sayo sa simpleng pagpapasikat mo.

Ayoko sa mga taong maaarteng nag-iinarte na feeling nila artista sila porke maganda o gwapo sila.Hindi ako insecure or what, nakakaumay lang talaga.Come on.Maraming ipinanganak sa mundo na magaganda at gwapo.Lagi mong isipin na maganda o gwapo ka man,hindi pa din ikaw ang pinakamaganda o pinakagwapo sa lahat kaya wag masyadong malaki ang ulo pwede ba, wag kang gumawa ng eksena.Dahil wala naman talaga ang PINAKA sa mundong ito.Uncertain ang lahat.Diyos lang ang may alam.Kung hindi ka naniniwala saken,then YOU MUST BE GOD.O baka naman feeling mo lang yon?

Ayoko sa mga taong mayayabang na kala mo kung sino silang magagaling.Hindi naman porke may advantage ka sa iba o naging magaling ka to the point na mas magaling ka sa kanila,eh may karapatan ka ng magyabang at magmataas diba.Kung gano kalaki yang ulo mo,yan din ang magpapabagsak sayo.Ang mangyayari eh kapag lumobo na yan ng sobra,matutumba ka patagilid at magiging pabaligtad ka na.Yung malaking ulo mo mapupunta sa paanan at yung paa mo mapupunta na sa ulo mo.Kaya yung mga taong dating minamaliit mo, magiging pababa na ang tingin sayo.

Ayoko sa mga taong nagmamarunong,perfectionist o feeling genius na exaggerated masyado sa sobrang taas ng tingin sa sarili nila.Siguro nga magkakaiba ang lebel ng pag-iisip ng tao pero ang pananatili ng paa mo sa lupa ang pinakamahalagang bagay sa mundo.Kung kinakailangang magbuhat ka ng napakabigat na bato para lang mapanatili ang gravity mo,gawin mo.Kasi kung ikaw mismo gusto mong lumipad at mawalan ng gravity,mapupunta ka nga sa pinakatuktok ng mundo…Pero ikaw lang ang nag-iisang tao.Oo.Sa Outerspace ka nababagay.Dun solo mo ang lahat.Iyong-iyo na.Tignan ko lang kung mabuhay ka.

Ayoko sa mga Goo-Goo.Mga Goody-Goody people na sobrang mababait.Kaya sila natatalo ng mga taong malala na ang sakit na Superiority Complex eh dahil sa kanilang wagas na Inferiority Complex.Simple lang.Kung gusto mong mabuhay,lumaban ka.At kung ayaw mo namang lumaban,then GO DIE.Who cares.Ang mga mahihinang tao ay walang karapatang mabuhay sa mundo.Bakit?Because life is nothing but GAMBLE full of risky ventures.Matira-Matibay,Ang Mahina-Patay.Hindi sa lahat ng oras pwede kang manatiling mabait dahil hindi lahat ng oras,may tagapagtanggol ang mababait.Wake Up people.Life is not some kind of Television Drama na palaging may savior ang bida.Kaya kung palagi kayong aasang somehow may magliligtas sa inyo dahil nagpapakabait kayo,then you’re definitely WRONG.This is the REALITY.Kailangan lang matatag ka.Wag kang mag-imbento ng sarili mong reality.Fantasy na ang tawag dyan uy.

At higit sa lahat...

Kung galit ka saken,pake ko sayo.Kung gusto mo naman ako,pake ko din sayo.Kung mataas man ang estado mo sa buhay,mas lalong wala akong pake sayo.May paa ka,may paa ako.May mukha ka,may mukha din ako.Pare-pareho lang tayong tao.

Kaya naman....HINDI AKO YUNG TIPONG MAGPAPACUTE SAYO.

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Where stories live. Discover now