Chapter 27 *UPDATE*

4 0 0
                                    


A/N: HAYTMS almost finished!! Sorry for my uber laaaate update! Sorry! Sorry! Tell me your thoughts about the story. That'd help me out a lot! Thank you! AGAIN, SORRY FOR THE WAIT *bows multiple times*

ThisHumbleSoul



Lin's POV

"Pre bakit mo binasted? Yung babae na nga lumapit sayo oh"

"Ha? Pero engaged na ko."

"HA???"

"Ikakasal ka na?? "

"Hmm..Oo daw eh."

"Wow! Kanino? Kanino?"

"Hindi ko alam. "

"Wow iba talaga pag sobrang yaman. Siguro big time din yan no?"

"Lin.." Naramdaman ko ang sincerity sa paghawak ni Cana sa kamay ko. At ang mataman na pagtitig sa akin ni Nia. Isang taon mahigit na din yata ang nakalipas.Fourth year college na kami ngayon. Nagkataon lang talaga na naging classmate namin si aso—I mean, si Neil.

Simula kasi nung nadisgrasya sya pinutol ko na ang anumang bagay na nag-uugnay sa aming dalawa.

"Lin, honey.. Wag mo namang gawin to.."

"Lin...anak"

Nagtataka siguro kayo kung anong nangyari kay lolo—I mean sa umampon kay Dad nang sapilitan. Kung natatandaan nyo pa, nasira ang buhay namin ni Dad dahil sa kanya. Sya ang nagpapatay sa buong angkan ni Dad. Sya din ang nagpapatay kay mama. Pero ngayon... wala na sya. Kelan lang nalaman ni Dad na may itinatago syang sakit sa puso, na syang ikinamatay nya. Hindi namin alam kung dapat ba kaming matuwa. In the end, hindi man namin sya kayang patawarin sa lahat ng nagawa nya, ipinaubaya na namin sya sa Diyos.

Si Dad naman, sya ang naging opisyal na tagapagmana ng Maxis. Nung una ayaw nyang tanggapin kasi gusto nya na lang mamuhay ng mapayapa kasama ko pero ayun nagkasundo kami na hanggang sa maka-graduate ako dito muna ako sa bahay na ito.

Anong nangyari kay tita Elle? Guess what? May asawa na sya at nagsasama na sila. Ngayon, mapayapa na ang lahat.

Mapayapa.

"Lin...sigurado ka bang okay ka lang? Hahayaan mo syang ikasal sa iba?Alam mo namang...ikaw ang mahal nya"

"...yawn Iba na ang sitwasyon ngayon."

"Lin.."

"Hindi nya na ko kilala."


Nagka amnesia si Neil dahil sa lakas ng pagkakabundol sa kanya last year.

Nagsisi yung lola nya sa nangyari. First time nagalit ng husto dad nya tapos si tita Millie naman yung nagprotekta sa lola nya kaya ayun nga nagulat din ito kasi sa kabila ng lahat "Nagkamali ako. Nagkamali ako. Patawarin nyo ko..."

Tapos nga ayun dinala nya sa ospital yung mga anak at nagkita kita silang lahat at nagkaayos.

Nagkapatawaran.

Nagkatuluyan na din si Cana at si Luke. After graduation kukunin na ni Luke si Cana at isasama san man sya dalhin ng trabaho nya.

Ang strange no? Sa kabila ng struggles, sa kabila ng lahat, naging maayos at na-solve ang problems simula nung naaksidente si aso. At hindi ako involved sa kahit alin man don. Feeling ko tuloy ako lang ang nagpa-kumplika ng lahat lahat. Mas naayos kasi ang lahat nung nawala ako sa buhay nya.

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Where stories live. Discover now