Chapter 3

232 8 3
                                    

Lin’s POV

“Okay Class.Sorry for this last minute notice. Yesterday lang din kami na-Inform about this other transferee. Unexpected din ‘to so…Heto na sya.Meet your new Classmate.Steven Neil Cross..Nirerespeto ng lahat ang pamilya nya so..Please be good to him everyone”

Psh.

“Sabi nila gwapo daw..!” Ayan na.Nagsisimula na sila.Mga kababaihang sabik sa salitang ‘gwapo’.Makarinig lang ng gwapo,mayaman,magaling sa gantong sports,matalino ganyan blah blah blah pagkakaguluhan na nila yan.Yung iba pa nga kunwari patay-malisya eh pero wag ka.Panay na pa-cute ng mga yan.Gagawa at gagawa ng paraan mapansin lang.

Yaaawn.

“Kyaah!Ayan na sya.”

“Wow.Ayan na sya..Ayan na sya!”

“Nakikita nyo ba ang nakikita ko??! Isang ancestor ni Matsumoto ang nahulog mula sa langit!!”

“Ang pogiiii nya!”

“Ang cuuute!!”

“Waaaah.Gorgeous !! Porma pa lang artistahin na!!”

“Uy tignan nyo may kamukha sya!”

“Oo nga!!”

“Si Jun Matsumoto!Kamukha nya!Yung gumanap na Domyouji sa Hana Yori Dango!”

“Kyaaah!!!Asawa ko pa naman yun!!”

“Waaaah.Oo nga!kamukha nya!”

“Hoy asawa ko yun no!!”

Tsh.Ang malas ko lang talaga at kasama ko sa bahay ang octopus na yan.Tae.

“Kyaah..Lin !! Look !! Ang pogi ng bago nating classmate !! Super look-alike ni Papa MatsuJun!! ” (>U<) Si Cana.Sino naman kaya yung Jun ewan na yun?.

Nababaliw na sila.

“Okay Jun,este Steven..Please take your seat” (^__^)

Psh.Pati ba naman si Mam nagpapa-cute?Kilala nya din yung Jun ewan na yun ? Mga nilalang talaga.

Palaging mukha ang tinitignan.Tsh.

“Huy Lin!Anu ka ba bakit di mo pinapansin si Papa Steven!Kanina pa sayo nakatingin oh..Ngitian mo naman.Lagi kang nakadungaw dyan sa bintana mamaya maging kamuka mo na yan sige ka.” Malapit kasi ako dito sa bintana.Paboritong pwesto ko.

Yawn..Pake ko”

“Aaaah!!You’re missing the biggest part of your life!!My dear Bestfriend!Zero percent forever yang social development mo! ” (T3T)

Nilingon ko lang si Aso gamit mata ko.Naupo naman sya dun sa may bakanteng upuan sa bandang harap habang naka-kuntodo ngiti sa katabi nya.Psh..Ibinalik ko na sa bintana yung tingin ko.

“Ampogi nya diba..Wow kailangan kong malaman agad ang fb at email address nyaa….” Moonstrucked agad tong si Cana dun kay Aso porke pogi eh.Tss..

After ng klase iniwan ko na yung mga nagkakagulo kong kaklase.Alam nyo na kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Dumiretso ako sa Cafeteria para bumili ng makakain.Yawn.Antok na ‘ko.Bibili lang ako tapos uwi na din ako agad.Sabay kaming pumasok kanina ni Aso kaya sigurado akong alam nya na kung paanong umuwi.

*Bump*

 “Ay sorry”

“....” Nilagpasan ko lang yung nakabangga sakin.

“Ah-Miss…”Di ko pinansin.

“Miss.”Hinabol nya ‘ko at iniharap sa kanya.Kulit ah.

“S-Sorry..Ahm..Pwede ba ‘kong magtanong sayo?San yung Computer Lab dito?Transferee kasi ako at uhm…Medyo naliligaw..Dun kasi next class ko.If you wont mind pwede mo ba ‘kong---”

“Diretso ka lang dyan sa may kaliwa tapos kumanan ka tapos umakyat ka hanggang sa Fourth Floor tapos magtanong ka dun sa mga estudyante dun madali mo nang makikita.Geh”Yun lang at iniwan ko na sya.

Medyo mabilis ang pagkakasabi ko pero malinaw naman siguro kaya di sya maliligaw.Kung bingi sya di ko na kasalanan yun.Maglinis sya ng tenga.Eh sa gutom na yung sampung anaconda ko eh.

Luke’s POV

“Kyaah!Sya yung sinasabing gwapong gwapong model ng Levis!!”

“Oo nga!!Ampogi nya sa personal!!Wow ang swerte natin at dito sya sa school natin lumipat!”

Heeh.Mga babae talaga.

Piece of cake.

Ngayong sikat na sikat na ‘ko sino ba namang babae ang makaka-resist sa ka-pogi-an kong ‘to.

Panay naman ang ngiti ko sa mga girls at teachers na panay ang tingin at pa-cute saken.Haha,Iba na talaga pag gwapo at sikat.

*Bump*

“Ay sorry” Mabilisan kong sabi don sa nabangga ko.Di kasi ako tumitingin sa daan eh.

Napatitig ako dun sa nabangga ko tapos lumingon lang sya sakin.Wala pang isang segundong nasilayan ko yung mukha nya pero..Ang cute nya.

“....” Nilagpasan nya lang ako.

As in NILAGPASAN.WTF???!

Hindi nya man lang ba ‘ko nakilala!?ISANG LUKE HAUSTON HINDI NYA KILALA??!

“Ah-Miss…” Tawag ko sa kanya.Pero DI NYA ‘KO PINANSIN.

“Miss.”Pero hinabol ko sya.Aba pride ko yata ang nakataya dito no.Nakita nya naman yung mukha ko at hindi naman sya bulag kaya imposibleng hindi nya nasilayan ang kagwapuhan ko.

Magaan kong tinapik yung balikat nya at iniharap sya sakin.

“S-Sorry..Ahm..Pwede ba ‘kong magtanong sayo?San yung Computer Lab dito ?Transferee kasi ako at uhm…Medyo naliligaw.. Dun kasi next class ko.If you wont mind pwede mo ba ‘kong---” Yeah Yeah.Nag-imbento ako para lang mapansin nya ko.Eh kasi naman tong babaeng to.Isnabera masyado.

“Diretso ka lang dyan sa may kaliwa tapos kumanan ka tapos umakyat ka hanggang sa Fourth Floor tapos magtanong ka dun sa mga estudyante dun madali mo nang makikita.Geh”

Tapos?Iniwan nya ko.

The eff.

Babae ba talaga yun ?? Eh ang cute nya pa naman.Kaya lang bat parang wala naman akong nakikitang femininity sa kanya?Kung ibang babae yon eh hindi na magkakanda-ugagang samahan pa ‘ko papunta sa tinatanong ko diba.Maliit sya at mukang bata ang itsura pero alam ko,College na din sya.Hello.College University ‘to no.Imposibleng elementary student lang yun na naligaw at alam ang pasikot-sikot nitong---teka.

Shit.Nawala sa isip ko !

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Where stories live. Discover now