Chapter 5

232 11 1
                                    

Neil’s POV

"Uy tignan nyo sabay nanaman sila."

"Oo nga no?Ano kayang meron?"

"May 'something' talaga"

"Awww.Ang bangis talaga ni Lin ano?"

"Oo nga.Simple lang pero ROCK!Mwaahaha andaya naman.."

"Gusto ko din makasabay si Papa Jun este si papa Steven."

"Mukang close na agad sila no?Sabay din kasing umuwi kahapon yang dalawang yan eh"

"Hindi kaya sila na?"

"Tungaks.Alam mo naman ugali ni Lin diba"

"Ay oo nga pala.Baka naman tinamaan sa kanya si Papa Steven natin kaya nililigawan na sya"

"Ayy andaya!Kakatransfer lang kahapon ni Papa Steven dito ah"

Aish.Hindi na ba mauubusan ng usisero't usisera sa mundong 'to?Ano bang kaabnuan ang pinagsasasabi ng mga to?

Hindi naman ako artista ah.Hindi din naman ako feeling Artista.Nyemas yan.Eh bat kailangang subaybayan bawat kilos ko? (=___=) Tsk.

Lumapit ako ng konti kay Lin at bumulong sa kanya "Oy Lin" Di nya ko pinansin.Naglalakad kami ngayon papuntang school.Ewan nga ba kung tanga ba tong malditang 'to o nagtatanga-tangahan lang.Di ko din sure kung bingi sya o nagbibingi-bingihan lang.Kanina pa kasi tong tatlo sa likod namin.Nagbubulungan tapos rinig naman sila.

"Hoy maldita"Di pa din ako pinansin.(Take note magkatabi po kami at sabay na naglalakad pero sadyang napaka-isnabera ng isang to,parang walang kilala sa mundo eh.)Di ko tuloy alam kung sya ba yung mukang multo saming dalawa,feeling ko kasi ako yung multong di nya nararamdaman,naririnig o nakikita.Ang labo talaga oo.

"Huy." Siniko ko nga sya.Isnabera talaga eh.

"Di maldita pangalan ko" Sabi nya sakin ng walang lingon-lingon.

"Aish.Tinawag kita sa pangalan mo nang-iisnab ka tapos ngayo--"

"Eh hindi naman kasi nakakapagsalita ang aso.San ka naman nakakita ng asong nagsasalita"

"Muka ba talaga akong aso sa paningin mo ha? Kakagatin kita pag di ka pa tumigil sa kakatawag sakin nyan!"

Sinakal ko nga sya gamit braso ko.Eh sa sobrang liit nya parang nakaakbay tuloy ako sa kanya na parang yakap-yakap sya."Aray ano ba" Sabi nya pa din ng walang emosyon.Nak ng tokwa.Nasaan ang SENSES ng isang to??! Hindi nag-iiba yung tono ng pananalita nya.Nacu-curious tuloy ako kung may kinakatakutan din ba ang isang to eh.

"Ay naku girl!CONFIRMED!Sila na nga!Ang sweet nila oh!!!"

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora