Chapter 18

62 3 3
                                    

Neil’s POV

Nung hindi ko nakita si Lin sa kwarto nya nakaramdam ako ng matinding kaba. Paano kung may mangyari sa kanya? Pano kung nakipagkita sya sa stalker na yun at may gawin din sa kanyang hindi maganda?? Paano kung hindi ko na sya muling makita pa?

Ang dami-daming pumapasok sa isip ko hindi ko na makontrol yung sarili ko talagang nagwawala na yung puso ko sa sobrang kaba. Tinawagan ko si Cana. Mabuti na lang yun yung pinakaunang bagay na ginawa ko. ‘As I thought, ayaw ka nga talagang mainvolve ni Lin.. Don’t worry Steven..I know where she is. Alam na ni Lin kung sino ang stalker.May icoconfirm lang daw sya. Gustong malaman ni Lin yung main reason kung bakit nangyari ang mga bagay na ‘to.That’s why she set everything up base sa speculations and predictions nya na gagawing moves nila.

‘Who is it? Sinabi nya ba sayo?’

‘Yeah. It’s Nia. Ngayon daw namin malalaman yung reason kung bakit nya nagawa yun.Sabi ni Lin’

Si Nia? Seryoso... si Nia?

Pagdating namin sa bahay ni Luke, nakita nga namin si Nia na nakatayo dun habang pinapanood lang sila. Nakita nya kami pero nanahimik lang sya.

“I’m listening.” Sambit ni Lin. Lahat ng atensyon namin napunta na sa kanila. Kumbaga sa isang play, kaming tatlo yung audience, sila yung main characters.

“Ikaw Lin.. Tell me, ano yung pinakamasamang kasalanan na nagawa mo?”

“Sa sarili ko, o sa ibang tao?”

“Dont know, maybe both? Basta yung pinaka-worst.”

“... Sa palagay mo ba gagaan yung pakiramdam mo sakali mang mas matindi yung kasalanang nagawa ko kesa sa kasalanan mo? What’s the point in asking?” Sa mga oras na ‘to wala akong magawa kundi ang panoorin sila.. Gusto ko ding malaman ang totoo.

“...” saglit napahiya dun si Luke.“Lahat ng tao may kanya-kanyang mabigat na kasalanang tinatago.”

Sigh....Alright Lin.You got me.” He muttered in defeat.

“Binabalak mo bang mangumpisal para mabawasan ang guilt mo?”

“ ... can't I?”

“ Mangumpisal ka sa pari.”

“ ......”

“ Iniisip mong kahit mangumpisal ka wala din namang magbabago. Hindi pa din nito maaalis ang katotohanang nakagawa ka ng matinding kasalanan, na walang sinumang makakapagpatawad sa kasalanang nagawa mo. Hindi ang pari, hindi ang Dyos, hindi ang kahit sino. Para mo lang ipinagsigawan sa mundo ang kasalanan mo sa pag-aakalang mapapatawad ka nila at matatanggap, pero in the end ang kasalanan ay kasalanan. Kahit naman pagbayaran mo ito sa kahit na anong paraan, ang nangyari ay nangyari na. Dadalhin mo lang yun hanggang sa mamatay ka. .”Sa conversation nila, mas lalong lumalawak ang pang-intindi ko sa buong pagkatao ni Lin... Parang pakiramdam ko, lalo pa akong naliliwanagan sa kanya at sa paraan ng pag-iisip nya.. Unti-unti akong nasasanay.. at hinahanap-hanap sya..

Sya yung tipong kapag nagsalita magiging speechless ka dahil sa makamundong reyalidad na lumalabas mula sa bibig nya.

“ ...”

“In short, you believed that there’s no such thing as atonement for one’s sin. Ang mga rapist, kriminal, mamamatay-tao, lahat ng masasamang-loob na nabubulok sa kulungan, hindi ka naniniwalang sapat na kabayaran ito kapalit ng mga kasalanan nila.Tama? Pero sa isip isip mo, wala naman talagang sapat na kabayaran sa bawat kasalanan. Walang sense kahit pa patayin mo sila o isumpa. Walang magbabago. Hindi nito mabubura sa memorya ng bawat tao ang sakit, poot at galit na idinulot ng kasalanan nila.”

Hindi ako yung tipong magpapa-cute sayo [Ongoing...]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant